Hindi kona napigilan at pumunta ako sa harapan niya pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit. He lean her head in my shoulder then I suddenly feel that she's hugging me back.

"Are you okay?" tanong ko matapos kaming bumitaw sa pagkakayakap. Tumango lang siya, hinawakan ko yung kamay niya at lumabas kami sa cafe.


Althea's PoV

Biglang hinila ni Prince yung kamay ko. Hindi ko alam kong saan kami pupunta kaya hinayaan ko nalang siya.

"Get inside" Utos sa akin ni Prince at sumakay ako ng kotse niya. Buong biyahe nakatulala lang ako,  hindi ko nga namalayan na nakalayo na kami. Bigla nalang akong bumalik sa realidad nang malamang paalis na kami ng Maynila.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?" tanong ko kay Prince.

"Prince! Prince! Saan nga tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kaniya.
Palundag lundag ako at nagwawala. Rarapin niya ba ako? Napahawak nalang ako sa katawan ko. Bata pa ako!

"Prince huhu~ Prince, saan mo ko dadalhin? Bata pa ako!"sabi ko habang niyuyugyug ko siya. My beautiful body~ Bakit ba kasi ako sumama sa kaniya? Huhu! Marami pa akong pangarap. Gusto ko pang mahanap si Lolo.

"Huwag ka ngang malikot. Mababanga tayo nito!" Napatigil ako sa pagyugyug sa kaniya at tumahimik nalang sa upuan ko.

Hindi pa nga kami nagkakabalikan ni Red eh. Alam ko namang hindi niya sinasadya yun. Hindi ko pa siya napapatawad. Ayokong mamatay na may bigat na dinadala. Napayuko nalang ako sa kaba. Mawawala na yung Virginity ko. Okay nayun, gwapo naman si Prince. Kung sa kanya kuman isusuko yung bataan, atleast sure akong magandang bata yung mabubuo. HEHEHE!

Hoy Althea! ang landi mo!Napayuko nalang ako dahil sa kalokohang naiisip ko. Pagkatapos ng ilang minuto, huminto na yung kotse. Mas lumakas yung tibok ng puso ko. Gosh! Ito naba yun?  Mawawala na ba talaga yung virginity ko?

Narinig kong bumakas yung pinto ng kotse sa kabilang side. OH EM GEE! Is this the end? Huhu~~ My beautiful and precious body~~ Talagang mawawala na siya.

Pumikit ako dahil sa sobrang kaba. Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto sa side ko. Hinawakan agad ni Prince ang kamay ko.

"Hoy Prince! Huwag mo akong rapin! Bata pa ako! Bata pa tayo! Hindi pa ako ready magka anak. Gosh! Mahal gatas ngayun pati pambayad sa diaper nagtaas na!Kaya huwag na nating gawing ito."sabi ko habang hinihila niya ako. Nagpupumiglas naman ako habang hinihila niya. Napatigil siya sa mga sinabi ko, kaya inagaw ko agad ang kamay ko.

"Pffft---You're funny---HAHAHA. Do you think---HAHAHA--- I will rape you? HAHAHA---pfft---Sorry hindi kita type. Ang pangit mo kaya" Nainis ako sa sinabi niya kaya tumayo ako at akmang aalis na nang hinawakan niya yung kamay ko.

"Saan ka pupunta Babe? Akala ko ba may gagawin tayo? Pfft---HAHAHAHA"sabi niya na halatang nagpipigil ng tawa. Nakakainis edi ako na ASSUMERA! Ako na nagassume. Sarap nitong sapakin.  Grabe kong makapanglait. Kung siya kaya laiitin ko, palibhasa gwapo---Tssk.

"Manahimik ka nga! Aalis na ako, kaya bitawan mo ako." naiinis kong ani.

"Wait Babe! Hindi ba may problema ka? Dito mo ibuhos lahat!"sabi niya sabay turo sa dagat. Yeah, sa dagat niya ako dinala. Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon. Marahil kailangan ko nang tanggalin ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

Umupo kami sa buhangin. Sobrang lamig dito, mabuti nalang at medyo balot yung katawan ko dahil sa uniform kong pangtrabaho.

"Let go of all your problems" Iyan yung unang sinabi ni Prince nang makaupo na kami sa may buhangin. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Ang gwapo niya talaga, pero mayabang at tsaka antipatiko.

"Paano?" nagtatakang tanong ko. Tumayo siya at lumapit sa dagat.

"I hate you Dad! Why did you left us? Why did you hurt Mom?"sigaw ni Prince. Ramdam na ramdam ko yung galit niya. Tumayo narin ako at lumapit.

"Bakit mo ako sinaktan? Bakit mo ko iniwan? May nagawa ba ko masama? AHHHHHH! Hindi parin kita makalimutan at ngayon babalik ka? Ano naman bang gagawin mo? Sasaktan mo na naman ba ako? Alam mo bang hindi ka parin makalimutan ng lintek na pusong to! Mahal na mahal parin kita Red Monlaxy." sigaw ko habang tinuturo yung puso ko. Rinig korin na may sinisigaw si Prince pero hindi ko marinig dahil sumisigaw ngarin ako. Napaupo ako at humagolgol sa iyak naramdaman koring umupo na si Prince. Napatingin ako kay Prince, masaya ako na may taong nasa tabi ko ngayon. Kahit hindi kopa siya gaanong kakilala, magaan na ang loob ko sa kaniya.

Nagkatinginan kami at magkasabay na tumawa. Hindi ko alam pero kusang bumuka yung bibig ko at tumawa. Marahil dahil narealize ko na para akong tanga kanina na nagsisisigaw kahit na walang kausap.

Napagdesisyunan muna namin ni Prince na dumito na muna kahit mga ilang minuto lang. Pagkatapos ay nagpasya na kaming umalis. Tahimik lang kami sa buong byahe, wala lang hindi ko trip magsalita.

Nang nakalayo na kami ni Prince sa dagat tinanong niya sa akin kung saan ako nakatira. Sinabi ko rin naman sa kaniya yung address ko, sinandal ko yung ulo ko sa may gilid then tinitingnan lang yung daan. Sana yung buhay ng tao parang gabi, tahimik. Pero napatawa ako bigla, naisip ko kasi na mas maraming nangyayaring gulo paggabi.

Pagkalipas ng ilang minuto huminto yung kotse ni Prince. Tumingin ako sa labas nasa bahay na pala ako. Lumabas ako at naglakad papunta sa other side ng kotse. Lumabas rin si Prince sa kotse niya.

"Ahmm---Prince, thank you!"sabi ko na nahihiya pa.

"You're always welcome babe" Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Gago talaga toh!

"Alis na ako"sabi niya

"Ahmm---Prince!"

"Ye--" bago pa man niya matapos yung sasabihin niya. I step forward and kiss his cheeks.

He was stunned for a minute. I don't know why he was stunned. It was just a smack of kiss at sa pisngi lang naman yun, nailang tuloy ako.

"Sige, akyat na ako. Bye!"sabi ko at tumalikod na. Naglakad ako papunta sa pinto nang bahay ko. Bago  ko paman mapihit yung doorknob, narinig kong sumigaw si Prince.

"Thanks for the kiss!" I don't know but a smile was plastered in my face. Pinihit ko na yung pinto at pumasok.

What a great Day!

©introvert_wizard

Follow me on my social media accounts:

Facebook: Timothy Jeon

Twitter: @timothyjeon23

My other Wattpad Account: @introvert_wizard

THE THREE MAFIA HEIRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon