Napangiti na lang ulit ako at naglakad na kami kung nasaan yung gown.

"Dito po Ma'am," sabi nung babae na nauna na pala sa amin. Pumasok kami ni Bryan kung na'san ang iba't ibang mga wedding gown.

"Saan dito?" Bulong ko kay Bryan kaya naman nagtaka ako sa inasta niya. Parang siya yung excited sakin ahh..

"Basta.." bulong niya sakin at binigyan ako ng isang ngisi na nagpangiti sakin. Ibang ngiti yun ahh... Haha.

"Pwede niyo na po ito isukat Ms. Sheena sa fitting room," nanlaki ang mata ko sa wedding gown na nasa harapan ko na. Napaka-ganda! Napatingin na lang ako kay Bryan at tumatawa lang siya sa naging reaksyon ko. Binigyan ko na lang siya ng - seriously?-look- at ang loko tinawanan na naman ako!

Lumapit na ako sa wedding gown na isusukat ko na ngayon. Ang galing pumili ni Bryan ng gown para sa bride niya. May taste nga siya.

Napapangiti na lang ako dahil sa iniisp ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napapangiti na lang ako dahil sa iniisp ko. Sigurado akong bagay sakin ang gown na 'to. Ang iniisip ko lang...ano ang magiging reaksyon ni Bryan kapag suot ko na ito?.

"Isukat mo na yan, maghihintay ako dito sa labas ng fitting room." Nagitla ako sa nagsalita. Si Bryan pala. Pinuwesto niya ang isang upuan sa tapat ng fitting room at naupo doon habang nakapangalumbaba.

"Oh really?" Natawa na lang ako sa itsura niya na napaka-seryoso.

"Baka ngumanga ka huh, 'wag ka mabibigla kapag lumabas ako sa fitting room" warning ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin at saka siya tumango at winasiwas pa ang kanang kamay niya na para bang pinapapasok na ako sa loob ng fitting room.

"I get it," sabi ko at nagpatulong ako kay Ms. hindi ko alam ang pangalan na pumasok sa fitting room habang dala niya yung gown. Sinara niya ang isang malaking kurtina at tinulungan nita akong isuot itong gown.

Napatingin na lang ako dito sa salamin sa loob nitong fitting room. Kumurba ang sukat nito sakin at fit talaga, hindi maluwag, hindi masikip, sakto lamang. Napahawak na lang ako sa dibdib ko, bigla ba naman akong kinabahan! Hahaha..

Nakatitig lang ako sa salamin habang inaayos pa ni Ms. ang kung ano man dito sa likod ng wedding gown na 'to.

"Ms. Sheena, gusto niyo po bang ayusin ko ang buhok niyo bago kayo lumabas?" Napatingin ako dito kay Ms. at nakangiti lang siya sakin.

"Sure," sang-ayon ko at dun niya na ako inayusan ng buhok. Napapangiti na lang ako dahil sa itsura ko ngayon. Hindi ako makapaniwala na malapit na ako ikasal sa lalaking kinaiinisan ko noon, at halos mabatukan ko dahil sa kakulitan niya. Hindi ko nga inasahan na sa isang artista na may sayad ang ulo ako napamahal ehh... Hahaha!

"Okay na po Ma'am, pwede na po kayong humarap dito sa may kurtina," sabi ni Ms. at humarap na ako dito nga sa kurtina. Nakita ko ang paghawi ni Ms. sa malaking kurtina kaya ngumiti na lamang ako, hanggang sa makita ko na si Bryan na nakapangalumbaba pa rin.

Tumingin ako sa itsura niya at dun na lang ako napatawa dahil sa gulat na gulat at hindi makapaniwala angel ekspresyon ng mukha niya. Napahawi tuloy ako sa buhok ko..

"Di ba sabi ko 'wag kang nganganga kapag nakita mo na ako suot 'to di ba?" Natatawa kong sabi at dun na lang siya naalimpungatan kakatitig sakin. Tumayo siya at lumapit sakin. Ipinulupot niya ang dalawang braso niya sa bewang ako at saka ako inilapit sa kanya. At dun na lang ako napahawak sa dibdib niya.

"Sabi ko sayo may taste ako di ba?" Sabi niya kaya naman napangiti ako.

"Oo na, akala ko lang kasi wala kang alam sa fashion," sabi ko kaya nagtawanan na lang kaming dalawa. Inilapit niya pa ako sa kanya habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa bewang ko.

"Your so damn beautiful, my wife!" Bulong niya sa tenga ko kaya hindi ko napigilan na mapatili. Nakiliti ako sa ginawa niyang yun ahh...

"Thank you, my husband.." bulong ko pa, napatitig na lang ako sa mga mata niyang mapupungay. Puno nang pagmamahal at masaya ang nakikita ko sa mata niya dahilan para mag-init muli ang mukha ko. Di ko alam pero parang bumalik ako sa dati. Ang pagiging dalaga.

"Your always welcome darling," natawa na lang ako sa sinabi niya. Pansin ko lang na paiba-iba ang nga tawag niya sakin ahh... Hahaha.

Nanlaki na lang ang mga mata ko ng hagipin niya ang labi ko at hinalikan ako ng marahan. Napangiti na lang ako at ipinikit ang aking mata at hinalikan din siya pabalik.

"I love you Sheena,"

"I love you too Bryan..."




***

Claire's note: Yeah! Lab-lab na ba ngayon? Hahaha! Don't forget to comment your feelings on the comment box thank you!!! <3

Using this hashtags-- #AAKAB2  you can post a kilig moments ni Sheena at Bryan sa Twitter named Clairemoon142 yey! Hahaha follow me din po! Mueh mueh!

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Where stories live. Discover now