Chapter 11: The Picture

56 19 5
                                    

Jane's Pov:

Lunch na namin ngayon. Usually, sabay sabay kaming magto tropang kumain. Syempre di lang si Kiry kaibigan ko dito.

Si Kim yung girl best friend ko. Kaibigan den namin si Danica kaso mas close talaga kami nito ni Kim. Si Danica kase tsaka si Niel mag m.u. kaya mas madalas silang magsama.

Si John naman parang boy best friend ni Kiry. Pero close kaming lahat.

Anyways, di kami sabay sabay makakapag lunch ngayon. Maaga kasing naglunch sina Kiry, Niel at Danica. Magkakagrupo kase sila sa reporting eh. Magrereport kasi ngayon sila sa AP namin kaya maaga sila naglunch para makapag practice.

Si John naman, inaya namin kaso matutulog daw muna sya kaya kami na lang ni Kim ang nag sabay.

"Anong ulam mo?", sabi sakin ni Kim.

"Pakbet. Ikaw?", sabi ko naman pagkabukas ko ng baunan ko.

"I'm sure hihingian mo ko pag nalaman mo yung ulam ko", sabi nya sakin at ngumiti ng parang timang.

"Ano nga kase?", sabi ko at tinangkang agawin yung baunan nya kaso di ko naagaw.

"Charan!", sabi nya pagbukas nya.

"Wow! Dinuguan! Pahingi", sabi ko.

"HAHAHAHA! Sabi na eh! Sige basta pahingi din ng pakbet", sabi nya.

"Sige ba!", sabi ko.

Naglagay kami sa mga baunan namin ng ulam ng isa't isa. Pagtapos namin magdasal ay kumain na kami.

"Hmmm! Ang sarap!".

Pagkatapos naming kumain ay nagpasana ako sa kanya sa cr.

"Beh, samahan mo nga ko sa cr. Naiihi ako", sabi ko.

"Sige arat!", sabi nya at tumayo na.

Habang pababa kami ng hagdan ay nag uusap kami.

"Musta?", tanong nya.

"Musta? Anong musta?", nagtataka kong tanong.

"Tssss...", sabi nya habang umiiling.

"Pshh! Labo mo naman", sabi ko.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang cr.

"Beh, pahawak muna ng cp ko", sabi ko at binigay ang cp ko.

"Geh! Pa selfie ah!", sabi nya at nag pout.

Pumasok na ko ng cr at umuhi. Pagkatapos kong magbuhos ay lumabas na din ako.

Paglabas ko ay antalas ng tingin sakin ni Kim at ang creepy ng ngiti nya.

"Anong problema mo?", sabi ko.

"Hh! Sabi ko na nga ba eh. May tinatago ka sakin", sabi nya at inukutan ba namab ako.

"Ano ba yun Kim? Para kang tanga", ano bang pinagsasasabi neto. Kinakabahan ako ah!

"Ano toh?!", sabi nya at inilapit sa mukha ko ang cp ko kung saan nakalagay ito sa gallery - sa screenshots - sa picture na ini sreenshot kong post kagabi.

Maybe This Time (Book 1)Where stories live. Discover now