9.14

18 4 0
                                    


--*--

2017.03.08

-September 14.

-Ilang ulit kong inisip at patuloy na iniisip kung ano bang meron sa petsang 'yan. Kada maiisip ko ang petsang yan, lagi lang nitong pinapagulo at bibubulabog ang isip ko. Lagi lang akong pinagiisip kung ano ba talagang meron don. Hay, nakakapagod isipin yung bagay na alam mong meron pero wala naman pala talaga. Ano ba 'yan.
Itutulog ko nalang ito. Sana, malaman ko na rin sa susunod kung ano talaga ang meron sa petsang iyan.




2017.05.16

-Dalawang buwan na din nang isulat ko iyong saloobin ko tungkol sa petsang bumabagabag sa isip ko. Matapos kong isulat 'yon, nag research ako sa mga nangyari noong September 14. May nakita akong mga namatay sa petsang iyon. Meron ding mga ikinasal, may mga ipinanganak, at iba pa. Pero hindi ko nakita doon ang sagot na hinahanap ko sa katanungan sa isip ko. Hindi ko padin alam kung anong meron sa September 14.









2017.06.14

-Napakasaya nang araw na 'to para sakin. Nag propose ang boyfriend ko sa akin! Sa wakas, nakahanap na din ako ng taong magmamahal saakin habang buhay❤






2017.08.28

-Napaaga ang petsa ng aking kasal. Dapat sa ika 7 nang Nobyembre pa ito gaganapin, kaso baka daw hindi na umabot ang aking lola dahil sa kanyang sakit kaya sa susunod na buwan na gaganapin ang aking kasal. Hindi ako nakapagsulat ng isang entry noong nakaraang buwan dahil busy kami sa pag aasikaso ng kasal namin. Sa totoo lang, hindi ko na iniisip kung anong meron sa September 14, sa tingin ko kasi malapit ko nang malaman ang kasagutan sa tanong na iyon.


...




2017.09.14

-Ngayong ang araw nang aking kasal. Nalaman ko na din ang sagot sa malaking katanungan sa aking buhay. Bawat bagay sa ating mundo ay may malaking sikretong tinatago. Nalaman ko na... ang tunay na petsa ng aking kaarawan ay 1990.09.14
Buong buhay ko, ay isang... kasinungalingan. At... 2017.09.14 din ang araw nang aking... kamatayan.


[Forensic Examination]
Cause of death: Car Accident
- The car they're using was driven by her husband including the victim inside the car. The car fell on a cliff, the Husband did survive by jumping off the car before the car completely fell on the cliff while the wife didn't survive and fell, together with the car on the cliff.

Date of death: 2017.09.14
Time of death: Approximately 5:14 pm

*
















Don't forget to vote, after you read this! ^_^

Maraming salamat!

SHORT STORYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ