Chapter 4

59 4 5
                                    

Nasa sasakyan kami ni Robie ngayon. Hindi ko alam kung saang lupalop niya ako dadalhin. Nabalot kami ng katahimikan sa kotse niya.

"Saan ba tayo pupunta?" putol ko sa katahimikan at syempre curious ako kung saan niya ako dadalhin, baka reypin ako neto sayang beauty ko.

"Malapit na, 'wag ka ngang masyadong mainip." sagot niya.

Hanggangg sa nakarating kami sa isang malaking restaurant. Puno ito ng color red things like roses,hearts at iba pa. Sa daanan may mga red petals na nakakalat. Napakaromantic ng mood.

"February na ba dito? Masyadong excited yung may ari neto ha." I said and he chuckled.

"Sa amin to, at ako ang nagpahanda ng mga yan." He said. My jaw drop. Hindi ko alam na may ganun silang restaurant.

"Kaloka, ang laki naman! Nung resto ha?" I joked and he chuckled.

"Tara pasok na tayo." May nag open ng pinto pagpasok namin. May isang table na bilog na kulay red at dalawang chair sa gitna ng resto.

Pina-upo niya ako sa upuan malamang, then umupo na rin siya sa harapan ko. Medyo na awkward ako , hindi ko din alam kung bakit, pero may pag kahalong kilig.

" Alam mo naman siguro kung bakit kita dinala dito diba?" Sabi niya. Oo nga no? Bakit nga ba?

" Dahil magkaibigan tayo?"

"Hindi."

"Magkaklase tayo?"

"Hindi rin."

" Dahil maganda ako?" I jokingly answered, ngumiti lang siya.

"Maliban dun."

"Eh ano, bukod sa maganda ako, pangalawa, maganda ako? at ang last maganda ako?" I said and he chuckled.

"Alam kong maganda ka."

"Thank you."

" Kaya nga kita dinala dito dahil may gusto ako sa'yo." I felt my face blushed.

Medyo napalingon ako sa gilid ko, hindi ako makatingin ng diretcho kay Robie. Siguro ay na-feel niya na medyo nailang ako kaya tinawag niya na yung waiter . The waiter gave me the menu.

" Anong gusto mo?" He asked me.

" Tuna carbonara and water only." I said to the waiter.

" Bakit water lang?"

" Edi sana lumaklak nalang ako ng asukal kung ice tea." I said and he chuckled.

" Ang cute mo talaga." He smilingly said.

Inorder niya din ung inorder ko. Hindi ko na siya tinanong kung bakit, maliit na bagay.

The food arrived, and we eat. Natapos kaming kumain pero wala kaming napag usapan.

" May pag-asa ba ako sa'yo ?"

" Ha? "

" Ang sabi ko may pag-asa ba ako sa'yo?"

I felt my blushed again.Ok anong sasabihin ko? Ayoko naman siyang masaktan, besides crush ko siya pero hindi ko akalain na may ganitong tanong . Naloloka na ako dito.

" Ah.. eh."

" Ok lang naman kung wala." He sadly said as he bowed his head.

" Oo naman. Pero syempre hindi agad-agad. Pero may nanliligaw din kasi sa akin." I said , syempre ayoko namang paasahin yung tao.

" Sino?!" He raised his voice. "Sorry"

" Ok lang , si Crys." I calmly said.

" Ahh " He sighed.

" Ano kaba, ligaw palang naman, yung itsura mo naman mukang natalo na agad." I said. At parang nabuhayan siya.

" Pero Em , hindi ako magpapatalo sa kanya , I can prove it." He said looking into my eyes while holding my both hands.

This love must be crazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon