Chapter 18

2.9K 55 4
                                    

Ace's pov

*ring*

*ring*

*ri-*

Kabwisit 'tong alarm clock! Ang ingay! Tsk.

Bumangon ako at pumasok na sa banyo. Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maligo. Nagbihis ako ng leggings na black, long sleeve na gray. Nagsapatos rin ako na kulay black.

Ang buhok ko naman ay sinuklayan ko. 'Di ko na ginawang pony tail, at iba pa.

Bumaba na ako at pumunta ng kusina para magluto.

-------

Finished!

Konti lang ang niluto ko. Fried rice, adobo, sinigang, bacon, tocino at hotdog. Gumawa ako shake na may chocolate, strawberry, pine apple, at mango flavor.

Tutal, dito kakain 'yung mga boys at 'yung ibang girls.

"Wooh! Kapagod!" Bulong ko sa sarili ko.

Umakyat ako para gisingin ang tatlong magaling kong pinsan.

Una kong ginising si Gail. "Gail, wake up!"

Walang sumagot. Kumatok ako ulit ng tatlong beses.

"Gail!" Ayaw mong sumagot ha?

Hmmmm... Tsk. Let's see.

"Gail! Si Thris may ibang babae!"

Nabigla ako nang may narinig akong parang may nabagsak na bagay sa loob.

Pero ang mas ikinabigla ko ay agad bumukas ang pinto.

"A-ANO?! BWISIT NA THRIS NA 'YUN! NASAAN NA SYA NGAYON?! ACE, SABIHIN MO!" Galit na sigaw ni Gail sa akin na agad ko namang binatukan. Napa-aray naman sya sa dahil sa sakit.

"Pfft... I'm just joking. Don't be serious." Kung pwede lang tumawa ng malakas, ginawa ko na.

Pawis na pawis kasi sya at hingal na hingal. Parang galing sa gera. Hahahah!

"A-Ahmm... A-ano? G-Ganun ba? Ah Eh..." Utal nyang sagot at napaiwas ng tingin.

"Ih Oh Uh? Ano 'to? Ha?" Asik ko at napacrossed-arm.

"'G-Geh! L-Ligo muna a-ako, ha? Hintayin n-nyo na lang a-ako!" Tarantang sagot nya at agad sinera ang pinto.

Ayieee! Si Gail! Pumapag-ibig! Heheheheheh...

Ginising ko na rin si Lynn at Cass para makakain at para 'di malate.

---------

Andito ako ngayon sa office. I mean, office ng Ms. Campus Queen. Kahit ako ang Ms. Campus Queen, nagtatrabaho rin ako.

'Kala nyo sa akin, tamad? Well, minsan.

d°.°?b


Ako ang gagawa ng mga games at iba pang booths sa paparating sa festival.

8:43 am palang at marami pa akong gagawin. Kaya una, gagawin ko muna yung sa festival.

Meron booth, games, contest at iba pa.

Napatigil ako sa pagtatype sa keyboard ng may kumatok.

"Pasok!"

Pumasok ang isang cute na lalaki. Parang nasa 4-6 years old sya.

"Hi ate!" Nakangiting bati nito sa akin at kumaway pa. Pilit nyang umupo sa upuan at sa huli nakaya nya naman ito. Umakyat rin sya sa mesa kaya kung titingnan, nakaupo sya sa mesa na naka side view pero ang mukha nya ay sa akin naka harap.

Evner Academy Of Magics [COMPLETED || UNEDITED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora