Chapter 16: Plan A

Magsimula sa umpisa
                                    

“Haha… wala ka pala Chris eh.” Sabi ni Bryan sa akin. Tumawa ang barkada ko. Nakakainis! Hindi ako makakapayag na ipahiya ako ng isang babaeng mas bata sa akin!

“By the way, I’m Ashley. In case, makalimutan mo ulit.” The girl added and she went out of the room.

And that’s what happened in our first conversation.

End of flashback…

“She can’t cook so she’s not secured and she’s childish. Hindi niya alam kung nasa panganib na siya.” I informed Papa.

“Well, she’s not a child anymore. And, I know marunong siya magluto. Tinuturo kaya yun sa high school.”

“What if I say someone likes her and will do anything to win her heart?” Nagbago ang expression ni papa. Yes, victory!

“Fine, bukas na bukas din, lilipat ka sa condominium na katapat ng school niyo.” He finally decided.

Oh yeah! Plan A is ready to be executed!

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Ashley’s POV:

Nakakainis naman ang panaginip ko! Bakit ba napanaginipan ko ang first conversation namin ni Chris? Oo, hindi ako marunong magluto! So, what?

I got up from my bed at dumiretso sa bathroom. After taking a bath, sinuot ko na ang college uniform ko and I headed to the kitchen. Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang pizza na pinagpyestahan namin ni Mei kagabi. May natira pang 3 slices so I’m saved.

Inaamin ko. Hindi kasi talaga ako marunong magluto. You know, I really tried but cooking is not really for me. Kailangan kong maghanap ng yaya ASAP. And I’m serious here, baka magmukhang gubat ang condo unit kung ako lang ang nandito. Furthermore, kailangan palitan ang pintura ng mga pader. Ang panget kasi ng white eh!

Anyway, after eating, I brushed my teeth and took my small bag from the desk beside my bed. Isang notebook at tatlong ballpen lamang ang laman ng bag. Ayoko kasing mabigatan and it’s the second day of the semester. Wala pa yang masyadong textbook at pwede naman akong humiram nalang sa library.

I went outside and locked the door. Nagulat ako kasi yung mga new neighbors ko may inaabangan kasi nasa labas sila at may hinihintay silang lumabas sa katapat na pinto ng tinitirahan ko.

“Anong meron?” I asked them. Ok, yung dalawa sa kanila na mukhang freshmen college ay nakatira sa katabi nung unit ko at yung tatlo naman na higher years ay doon sa tapat nila.

“May lumipat kasi dito na lalaki kaninang madaling araw.” Sabi sa akin nung isang freshman.

“Ang gwapo niya tapos mukhang mayaman at matalino pa.” Dagdag nung pinakamatangkad.

“Baka naman bakla. I mean we’re all girls here in this floor.” I commented.

Nadisappoint sila. Asus, ako pa ang masisisi sa pagsira ng araw nila.

“Well, who knows. Wala ba kayong class?” I asked. Umiling lang sila habang nakatingin pa rin doon sa katapat kong pinto. I just sighed and left them. Dumiretso ako sa main lobby at sumakay na sa elevator.

I arrived at class on time. Nandoon na rin si Mei. Noong last period ko na ng morning classes, pumasok si Lynx sa classroom. Nagsitinginan naman ang mga girlaloo. I mean sikat si Lincoln Co kasi siya ang anak ng may-ari ng university na ito and he’s handsome too.

Make me Fall in Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon