Chapter 16: Plan A

98 1 0
                                    

Chapter 16: Plan A

Chris’ POV:

“Himala at napadalaw ka dito sa office ko, James.” Sabi sa akin ni Papa pagpasok ko. He was busy doing paperwork as always. Mahirap talagang magmanage ng isang kumpanya lalo na kapag ikaw ang may-ari.

“Pa, I want to move out. Lilipat ako ng bahay.” I informed him.

“Bakit?”

“I want to watch over Ashley.”

“O?”

“I want to protect her.”

“Ha?”

Ano toh? Paiklian ng sagot?

“She’s living in a condo unit just in front of our school.”

“Anak, why do you want to move there? Ashley is secured. Leo makes sure of that.”

“She’s not.”

“Paano mo naman nasabi?”

Paano nga ba?

5 years ago…

“Pwede po ba kay kuya Chris?” Isang familiar na bata na nakasuot ng uniform ng elementary ang sumilip sa classroom namin. Buti nalang at lunch break. Kami lamang ng barkada ko ang nasa room.

“Hoy, Chris, marunong ka na palang pumatol sa bata ngayon?” Biro ni Mark.

“Kuya Chris!” Nakita na ako nung bata na sa tingin ko ay nasa 6th grade. Bakit ba siya nandito? Nakakainis naman! Simula nung lumipat sila sa tabi ng bahay namin, hindi na tumahimik ang mundo ko. Kaya ayoko magkaroon ng kapitbahay na mas bata eh. Naaalala ko lang sa kanya ang makulit kong kapatid.

“Anong kailangan mo?” I asked her coldly. Ngumiti lang siya at nilabas ang isang lunchbox galing sa kanyang backpack.

“Gusto ko lang po ibigay ito sa’yo.” Sagot niya.

“Pasensya na pero--” Hindi ako nakatuloy sa pagsasalita kasi sinubuan niya ako nung pagkaing dala niya.

Who on earth cooked this disgusting food?

“Ok ba, kuya Chris? Ako po ang nagluto niyan.” She grinned. Tumawa ang barkada ko. Napipikon na ako. I glared at them. They looked away from me.

Ano ngang pangalan nitong makulit na 6th grader na toh? Cindy? Haley? Sydney?

Aagh! Basta alam ko y ang dulo ng pangalan niya eh. Mahina talaga ako pagdating sa pangalan kaya sinusumpa ko ang history.

“Pasensya na, bata, pero I don’t have the time to communicate with stupid brats like you.” I told her coldly.

She dropped the lunch box and started to cry.

Hahaha… Joke lang yun.

Ganito talaga ang nangyari. Ngumiti lang ulit siya at tinapon sa akin ang lunchbox na dala niya kaya namantsahan ang uniform ko.

“Tama nga ang sinabi nila. I’m glad I’m not one of the foolish girls who like you.” Sabi niya sa akin and she walked out.

Make me Fall in Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon