Una't huling kabanata

582 9 1
                                        

Ang lamig ng simoy ng hangin.

Naglalakad kami.. sa.. gilid ng kalsada, sa tingin ko. Kumakain kami ng Siomai na paborito ko habang nagkekwentuhan. Ang dami naming napag-usapan na wala kaming ibang ginawa kundi tumawa nang tumawa.

Ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya.

"Uwi kana."

Sabi nya sakin ng may ngiti mula sa kanyang mapupulang labi. Matangkad syang lalaki at ang tangkad ko naman ay hanggang balikat nya. Sa tingin ko six footer siya kasi ang height ko ay 5'6.

"Ang bilis naman, ayoko pa."

Sabi ko sa kanya at umarteng nagtatampo. Napahalakhak sya sa ginawa ko at tinapik ang aking ulo.

"Marami pang mangyayari, umuwi ka na. Magkikita tayo ulit wag kang mag alala."

Nagising ako sa sigawang narinig ko. Mga bagay na nababasag, mga tunog na may nasasaktan. Nag aaway na naman siguro ang aking ama't ina, syempre, dahil na naman sa sugal. Hindi ko maintindihan kung bakit pa sila nag aaway eh pareho naman silang sugalero.

Bumangon ako ng may ngiti sa mukha at binalewala ang nangyayare sa sala. Wala kong pakealam, ayokong masira ang araw ko dahil sa kanila.

Naghanda na ako sa pagpasok ko sa eskwelahan.

Lagi akong pinaguusapan ng mga estudyante, dahil ang uniform ko ay butas-butas dahil sa kagat ng mga langgam at ipis, medyo naninilaw narin ito. Ano bang magagawa ko, eh ayaw ako bilhan ng bago kesyo buo pa naman daw at kasya pa.

Natapos ang klase at naglalakad na ko pauwi ng bahay upang makatulog na agad at managinip ng masaya.

Gusto ko na ulit siya makasama, nawawala lahat ng problema't lungkot ko kapag nasa tabi ko siya.

Para kong baliw pero, ang saya managinip.

Nakauwi ako ng bahay, naligo bago humiga para oresko ang pakiramdm ko, ngunit sa kasamaang palad hindi ako makatulog.

Umiyak ako ng umiyak dahil hindi talaga ako makatulog. Nilibang ko na ang sarili ko't lahat lahat pero wala pa din.

Naging ganto lagi ang takbo ng gabi ko, halos mag iisang linggo na at hindi ko pa din napapanaginipan ang lalaking nagpapasaya sakin. Baliw man ako sa paningin nyo pero dito ako masaya.

Noong sabado, kinwento ko sa aking kaisa-isang kaibigan na si Lisa ang tungkol sa sitwasyon ko pero ang sinabi ko ayaw kong mahuli sa klase o mas malala eh lumiban kaya kailangan ko talaga ng solusyon sa insomia ko. Meron daw silang sleeping pills, iniinom nya iyon noong may matinding insomia sya.

Napatalon ako sa saya at atubiling nagbihis upang magtungo sa bahay nila.

Umuwi ako sa bahay, alas sais ng hapon, hindi na ako kumain dahil excited na kong matulog, uminom ako ng sleeping pills at di ko na namalayan ang pagtulog ko.

"Kamusta?" bungad niya sa akin at ngumiti sa akin.

"Oh my god! Namiss kita! Hindi ko ata kakayanin ng wala ka." sabi ko sa kanya at agad syang niyakap

"Tara, umuwi na tayo sanyo."

"Ano?! Ang bilis naman! Ayaw mo na ba sakin?"

"Hahaha sumama ka nalang muna kasi sakin, pupunta tayo sa bahay nyo."

Isang bahay na simple lamang, kulay green ang gate at naririnig ko ang kantahan mula sa loob nito, pumasok kami sa loob at nakita ko ang mama't papa ko, masaya silang magkatabi sa sofa at nagkakantahan

"Oh! Mari! San ka ba galing anak? Kanina ka pa namin hinahanap. Birthday na birthday mo ngayon, naghanda kami dito sa bahay pagkatapos naman ay lalayasan mo lang kami!" sabi ni mama, lumapit siya sa akin at hinagkan ako sa aking noo. "Pumunta ka na do'n sa kusina at kumain na kayo ng kasama mo!"

Nakita ko kusina.. ang aking.. ang aking Lolo't Lola. Ang pinakamamahal kong ama't ina ng aking ama. Silang dalawa ang nagluluto ng mga handa.

Tumakbo ako nang umiiyak patungo sa aking Lola at niyakap siya ng sobrng higpit. Bakit parang totoo ang lahat?

Ang saya-saya namin, ayoko nang umalis pa dito! Dito na lang ako!

Nagising ako sa mga kalabog na narinig ko, sumilip ako sa labas at nakita ko na namang nagbubugbugan ang aking mga magulang, narinig ko pa ang sanhi ng away nila ay pareho silang natalo sa sugal at ubos na ang pera, wala silang mahanap na paraan para sa pagkain kaya naman nagsisisihan na sila.

Umalis ako ng bahay, pumunta sa isang parke at doon nag stay ng buong araw at walang kinain. Gabi na noong umuwi ako sa bahay, natulog, at wala akong napanaginipan.

Araw-araw, ang takbo ng buhay ko ay ganto. Binubully sa school, binubugbog ng magulang, halos hindi kumakain.

Nagsasawa na ako, sawang-sawa na ako sa ganto.

Kinabukasa nagising ako sa pagkakatulog mula sa isang malakas na sampal na dumapo sa mukha ko. Nakita ng aking nanay ang sleeping pills ko.

"Ano to? Ha? Para makatakas ka sa mga dapat gawin mo dito sa bahay ha! Napakabatugan mo bata ka! Wala ka na ngang silbi, palamunin ka pa!"

Pinalo ako nang pinalo ni mama, wala tigil, ang dami kong pasa, ang dami kong kalmot, ang sakit ng ulo ko dahil sa pag iyak ng matindi.

Kinagabihan, nakita ko silang nagiinuman sa kusina, sumalisi ako at dumiretso sa kanilang kwarto, nakita ko doon ang gamot ko at kinuha yon, uminom ako para makatulog na't sumaya para naman mabawasan itong paghihirap ko.

"Kamusta?" sabi niya sa akin, may ngiti muli sa kanyang mga labi.

"Ano nga ba ulit pangalan mo?"

"Ako si Jack, Mari."

"Jack.. Alam mo bang.. Mahal na mahal kita! Salamat kasi lagi mo kong pinapasaya."

Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya, naging pula ang aming paligid ngunit wala akong pake dahil ngayon, hindi ko na sya iiwan.

"Wala kang dapat ipagpasalamat, ito ang desisyon mo." tumugon siya sa mga halik ko, at ramdam ko ang bawat ngiti sa aming mga labi habang naghahalikan at nagyayakapan.

"Kamusta kayo Tita?" ani ni Lisa.

"Okay lang ako anak, kain muna kayo ng mga kaklase mo magpapahanda ako sa papa ni Mari."

"Tita, ano nga ba ulit ng nangyari? Parang ang bilis ng lahat."

"Overdosed siya sa gamot iha."

Nakakabingi ng hikbi sa bawat pag-iyak ng aking ina sa tabi ng aking kabaong.

My Forever DreamOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz