*Here we go, come with me
Theres a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, i'm a rocketeer.*
"Oh please, another 5 minutes."yung unang niyayakap ko nilagay ko sa tenga ko at binaon ang mukha ko sa unang pinapatungan ng ulo ko.
#Lets fly,
Up, up here we go up, up here we go Let's fly up, up here we go, go
Where we stop no body knows, knows.*
" Uggh, five minutes, five minutes lang."inabot ko yung alarm clock ko sa bedside table ko at pinatay ang alarm nito. Astig ng alarm clock ko noh?
May ringing tone, napanalunan ko lang yan sa isang raffle draw sa supermarket. :D
Pabalik na sana ako sa mahimbing na tulog ko ng may isang halimaw na kumatok.
"Hoy Rodriguez second week of june na, yung bayad mo sa rent! 1 week delay ka na ah.!"shet heto na naman sa singilan ng rent. Ang kulit naman ng landlord namin, sinabi ng hindi pa ako makakabayad dahil sa delay rin ang sweldo ko! " Hoy aba Rodriguez alam kong nanjan ka pa buksan mo itong pinto at mag bayad kana ng rent mo!."
Hindi ko sya pinansin at hinayaan ko lang sya magkakakatok at sumigaw sa may pinto ko habang ako naman ay nagbibihis na ng uniform ko at binuksan ang bintana ko, tumalon ako mula sa second floor. Ooops hindi po ako si superman.
Kinaya kong tumalon mula sa ikalawang palapag dahil sa ang apartment ko ay hindi naman ganun kataasan kahit na nasa second floor sya. Saka sanay na akong tumalon dito para tumakas sa singilan. Mala spiderman ba patalon talon na lang.
Hay pasukan na naman. Shet naman oh Hindi ko alam kung ano meron sa bago kong school. Alam nyo ba kung saan ako papasok? Sa Willford Academy. Sounds sossy right? Well school talaga sya ng mayayaman. Ang sabi, school siya ng mga anak ng mga sikat na personalities or mga models sila or actors. Pero wag nyo isipin na mayaman ako, sikat ako at maganda ako. I'm the total opposite, as in X and Y ang situation.
"All freshmen please proceed to the gymnasium. All freshmen please proceed to the gymnasium."
"Sakto lang pala ang dating ko, magsisimula na ang opening ceremony."naglalakad na ako on my way sa gymnasium, medyo masikip ang daan since halos lahat ng estudyante patungo sa gymnasium kaya naman bgla ako nadanggil ng isang babae.
" Err ano ba look were you going nga.!" Sabay inirapan ako. I expected this, ineexpect ko na na ganto mga estudyante dito---mga mapang mata at mapagmataas. After all, they are spoiled rich brats.
Sa loob ng gymnasium, nakaupo n ako sa assigned seat ko, may nbers kasi ang bawat upuan at may assigned numbers acvording sa name. Medyo bandang dulo ako since "R" ang start ng surname ko.
"And thats end of my speech. Now i would like to present to all of you this years student council president. Let's a warm of applause to Mr. Cross Sanford."
Nagpalakpakan at nakipalakpak na din ako, sa totoo lang nabobored na ako dito sa opening ceremony na ito. Ang nakakainis pa ang landi landi nitong dalawang katabi ko.
"Oh gosh! Sabi ko na nga ba si prince Cross ang student council president natin eh! He's so smart talaga at ang gwapo pa so perfect.!"
"Oo nga eh, oh! Prince Cross marry me." "Stupid. He'll marry me."
"No. He'll not. He'll marry me."
Tae. He'll marry a horse so you two should shut up. Asar naman oh, ano to anime.? Pinagkakaguluhan nila ang isang SC president. Tinignan ko yung Cross na nagsasalita sa may unahan, Mmm...May itsura..I can't deny he's handsome. What to expect diba? Puro mga models ang nandito sa school na to so puro magaganda at gwapo talaga ang andito. Pero he looks arrogant or maybe because his rich. I think rich people kasi are arrogant, view in life ko eh.
"That's all, thank you." Another palakpakan na naman habang bumababa sya ng stage pagkatapos ng speech niyang hindi ko na inabalang pakinggan.
After that may mga speeches echos pa ulit na sobrang boring, natapos yung ceremony after an hour, pinapunta na kami sa kanya kanyang klase. 1B ako, umupo ako sa pinakasulok sa tabi ng bintana, walang napansin sakin, if ever meron man kinikilatis lang ako, titignan nila ako ng masama, or may pandidiri tapos tatawa sila. Oh sige na, sorry naman kung panget ako noh? Sorry ha? Geez.
Dumating na yung teacher namin at tulad ng kinagawian tuwing first day of class, pupunta kami isa isa sa unahan para magpakilala na hate na hate ko.
"Hi I'm Reah Rodriguez, Eya for short, that's all." Tapoa na ako sa pagpapakilala at aalis na sana ako kaso may biglang nagtanong.
"Ezcuse me." Tumigil ako sa paglalakad at tinignan yung babaeng nagsalita, may pandidiri sa mukha nya, "Why are you ugly?" "Ang ganda mo kasi." I smiled at her at bumalik na sa upuan ko. Unang una palang expect ko ng tatawagin akong pangit na syang sanay naman na ako. Pangit namn talaga ako, malapad ang noo, maliit ang ilong na hindi naman matangos, pero hindi sobrang pango, chopped lips, may pimples, dry ang balat, sabog ang buhok at pandakekoy pa. O di ba, panet?
Pero pagbalik ko sa upuan ko may isa na namang nagtanong sa akin. " How come you're enrolled yo this school, I'm pretty sure your not a model and if you're not a model you're not qualified to the school's qualification."
"I don't know either." I just said that to end up the conversation. Actually, model ako, pero ayoko sabihin sa kanila kung ano minomodel ko.
Sobrang nakakahiya kasi. As in.
Last period na, self motivation class na, yes sa wakas matatapos na ang klase! "Ok class before I leave you i want to give each of you a dairy to write on."
After that commotions followed. "What!? Thats so gay, mam." "Baduy."
"Urgh, Works."
"Geez, what are blogs for.?" "Old age much." "Dairy!? Ano tayo elementary!?"
"Hey, hey, you, sit down,Ssshh, quiet." Nagsiayos na sila ng upo at tumahimik. "This dairy is your final requirments at the end of the school year. With out compiling this I'll mark you a good 70 in your card, Now we don't want to fail right.? So be good, and write on yoir dairies."
She start to pass the dairies to each one of us. The dairies are all different by design, the one I recieve was a spiral notebook, with light brown background with leaves, flowers, and spring birds on it and also butterflies.
I find it cute and comfortable to write on. I feel ezcited to feel up this tuloy!. I've never touched a dairy kasi in my life. When the bell rings, inayos ko na ang gamit ko tapos sinakbit ko n yung backpack ko sa likod at nagsimula ng maglakad sa corridor habang hawak hawak ko pa ang dairy, natutuwa kasi akong buklat buklatin ito tapos inaamoy amoy ko pa yung pages. I love the smell of notebools and books kasi eh. Habit ko kasing umiyin sila lalo n pag luma na ito.
"Excuse me miss." Napatigil ako sa paglalakad at pag aamoy ng may humarang sa harapan ko. Isang nilalang na ubod ng gwapo, napapaligiran ng aurang nakakahumaling, nakakaadik na amoy nya, at yung ngiti nya nakakapanlaglag ng panty, napatunganga ako sa kinatatayuan ko, dahilan para i-wave nya yung kamay nya sa harapan ko. "Ah, miss, excuse me? hello?"
I snap back. "Ah, Ano yun.?"
Tae. Mukha lang akong tanga kanina sa pagtitig sa kanya. Shet. I almost drooled at him. Thats so embarassing, lumalandi ako masyado. >_<
"Pwede bang itanong kung anong oras na.?"
"Oras na para mahalin mo ako...." Wala sa sarili kong sinagot ang tanong niya. "Ha!?"
"Ay, gaga, wala, sabi ko 5:07 na." Sabay takbo ko paalis sa sobrang hiya ko. Sinabi ko ba talaga ang mga salitang yun. OMG!
---------------------------------------
Dear Dairy,
First day ko sa Willford Academy, School ng mga model, madaming mga antipatiko. Pero shet lang kanina sa corridor may bameet ako na nilalang na naguumapaw sa kagwapuhan, nakakakilig kasi tinanong nya sa akin ang oras, kaso tae naman palpak yung sagot ko, nakakahiya! Pero ang pogi nya talaga!
Ps: ang landi ko ngayon, nakakahawa ang kalandian ng mga estudyante dito infairness.
--------------------------------------------------------
Dairy ng Panget
Written by Haveyouseenthisgirl
Property of Haveyouseenthisgirl.yolasite.com
Note: inuulit ko po..hindi po ako ang author ng story na ito...sana magustuhan nyo po ang story ni haveyouseenthisgirl...Dairy ng Panget..and please don't forget to vote po...
