IMPOSSIBLE is POSSIBLE

35 0 0
                                        

CHAPTER 1

(Jewel’s POV)

Marahil komplikado para sa inyo ang mga IMPOSSIBLE RELATIONSHIPS na tinatawag.

SCENARIO 1-Yun yung babae yung nagkakagusto sa isang lalaking hindi niya nakakausap, nakakatext o nakaka-chat. Pero kilala niya. Basta alam lang niya, gusto niya yung guy. WHATEVER IT TAKES.

SCENEARIO 2-Kung sa lalaki naman, yun yung gusto niya yung babae pero di niya ito magawang lapitan dahil feeling niya, hindi siya pasok sa standards nung babae, pwede ring dahil pinanghihinaan ng loob, in short TORPE.

SCENEARIO 3-Minsan pa nga, best friends kayo. Yung super close kayo, alam niyo lahat ng bagay tungkol sa isa’t isa. May tawagan, kilala ng family, may sweet gestures at kasama kahit saan. Yung tipong kulang nalang title, pero BEST FRIENDS daw sila.

Maraming ganyang eksena sa mundo.

Yung tipong alam nila na may gusto sila sa isa’t isa pero di nila maamin-amin ang feelings nila dahil wala silang sapat na lakas ng loob.

Yung iba, indenial, kesho nahihiya daw. kesho chix daw. kesho boy-next-door daw kasi ang datingan kaya dapat siya yung mag first move.

E shungahan lang ang peg niyo?

Mahirap yun, pa’no pag nakawala sila? Wala namang ibang may kasalanan nun, kundi IKAW. Alanganing ako?

Remember, walang ibang gagawa ng paraan para magkaroon ng isang titled/untitled relationship kung walang gagawa ng first move.

Kung ayaw niyo, edi nga-nga kayo pareho!

Ganyan ang eksena ng buhay ko.

Ako nga pala si Jewel Dominguez. Isang Third Year Mass Communication student sa isang University sa Manila.

May isang lalaking di maalis-alis sa isip ko simula ng makita ko siya sa campus. Ang nakakatawa lang, hindi ko alam lahat sa kanya bukod sa course niya, Tourism siya.

Siya kasi yung literal na head turner, and I must say, kinda famous dahil lahat ng kilala kong officers sa school, kilala siya, kahit magkaiba sila ng College.

Mahirap lang dahil feeling ko, napaka-imposibleng mapansin niya ako.

Hello, ang dami kayang di hamak na mas maganda, sexy at matalino sa’kin. Simple lang ako. At kuntento na ako dun.

Hinding-hindi ako magbabago, baka magalit sa’kin ang bestfriend kong si Jake.

[[ RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! ]]

Ok, bell na. Kelangan ko ng pumasok, baka ma-late pa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IMPOSSIBLE POSSIBLEWhere stories live. Discover now