••Chapter 10••

Depuis le début
                                    

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at naligo na agad ako. Nakakahiya namang paghintayin ang gwapong nilalang na yun sa baba. Pagkatapos maligo kumuha lang ako ng skinny jeans at simpleng puting t-shirt. Total sa flower shop lang naman ang punta namin kaya ayos na siguro to.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko habang nahihirapang isuot ang itim kong converse high.

"Sweetie, nagmamadali ka ata. May lakad ka ngayon?" Takang tanong ni mama.

"Yes, ma. Babalik din naman po ako mamaya. And I don't need lunch." Hinalikan ko na sa pisngi si mama at tumakbo na palabas.

Hinihingal ako ng tumigil na ako sa harap ng isang magarang sasakyan kung saan may nakaupo dung lalaki sa may hood.

"Dylan? Why are you sweating so hard?" Tanong niya habang lumalapit sa akin.

"A-ayaw kasi kitang paghintayin, nakakahiya naman sayo." Nahihiyang sabi ko.

"Silly, Dylan." Natatawang sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin para itago ang pamumula ko. But to my surprise. May kamay na pumunas sa noo ko. At ng makitang si Haru yun bigla na namang tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi pa ba to napapagod sa kakatibok?

"A-ako na. I can wipe my sweat by myself." Sabi ko habang pinipigilan ang kamay niya.

"No. I want to do it." Pinanlakihan niya ako ng mata kaya wala na akong nagawa at hinayaan na lang siya. "I'm sorry I don't have any handkerchief. I never have one. When I was a kid I thought that bringing handkerchief is a drag."

"Kailangan dapat nagdadala ka ng panyo." Sabi ko.

"I can't see the importance of it because I barely sweat. But I think starting tomorrow I will bring one." Nakangiting sabi niya.

"At ano ang nagpabago sa isip mo?" Takang tanong ko.

Pinisil muna niya ang ilong ko bago siya sumagot. "Because I found out today that my boyish and pretty Dylan sweats a lot."

"Gago!" Tinulak ko na siya at ako na mismo ang bumukas ng pinto at pumasok sa sasakyan niya.

Nang napatingin ako sa rearview mirror bahagya pa akong nagulat. My gosh! Nakalimutan kong magsuklay. Kinuha ko naman sa dala kong itim na shoulder bag ang suklay ko. Kaya naman naabutan ako ni Haru na sinusuklay ang buhok ko ng makapasok siya.

"Can I comb your hair, Dylan?" Biglang tanong niya sakin. When I look at him he showed me his puppy eyes. Mas lalo pang nag sparkle ang mala dagat niyang mata ng gawin niya yun. "Pretty please."

Napatikhim ako. "Sabi mo eh."

Matagumpay naman siyang napangiti ng ibigay ko sa kanya ang suklay ko. Tumalikod na ako sa kanya para masuklay niya ang buhok ko ng maayos.

My body shivered when he started caressing my hair first. His touch sends havoc on my body. His touch are so light like a feathers. He even comb my hair gently.

"You have a very long hair, Dylan. Are you planning to cut it?" Tanong ni Haru habang sinusuklay pa din ang buhok ko.

Umiling naman ako. "May plano pa si Mira diyan. Magpapagupit lang daw ako kapag nagkaboyfriend na ako."

I heared Haru hummed in response and continued combing my hair gently. It's just like my hair is a glass that's why he's trying his very best to be gentle so that it won't break.

"Dylan?"

"Yes?"

"When I'm already your boyfriend, I don't want you to cut it." Bakas sa boses niya na seryoso siya sa sinabi niya.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant