Chapter 49.2 - Adahi...

1.4K 27 0
                                    

Chapter 49.2

Adahi...

Jamie's POV

Alas nwebe ng umaga ng magsimula kami para sa unang araw dental mission namin, dapat nga kanina pang alas syete kaso inayos pa namin yung mga instrumentong gagamitin namin kaya natagalan, nagset up padin kami ng malaking tent para may silong naman pati mga lamesa't upuan.

Hindi lang kami purong dentista dito, may mga kasama rin kaming doktor at nurses, sa kanila muna unang dumadaan ang mga katutubong pasyente para macheck ang health status at history nila,pati vital signs, mahalaga yun bago namin sila bunutan at kung ano pang gagawin namin kasi hindi namin alam kung may highblood sila o may diabetis, kailangan may clearance ng doktor, hindi naman sila nakakapunta sa mga ospital, madalas sa albularyo lang o kaya herbal medicine lang ang iniinom.

"Magandang umaga po lola, ano pong pangalan nila?" tanong ko sa una kong pasyente.

hindi naman siya umimik at nakatingin lang sakin.

"lola?" tanong ko.

"doktora, hindi ka naiintindihan niyan, iba salita nila dito."

" ay nga pala, nawala sa isip ko." pinaupo ko nalang si nanay at sinenyas ko nalang sa kanya ang mga instructions ko kasi hindi rin naman niya masasagot ang mga tanong ko.

nakita ko namang nakahawak siya sa kaliwang pisngi niya kaya tinignan ko sa parteng yun kung anong ngipin ang may sira at kailangan ng pastahan o bunutin, bilang kakaunti lang naman ang ipin ni lola, madali kong nakita ng problema niya..

meron siyang apat na papastahan sa harap at dalawang bagang na bubunutin.

matapos ko siyang bunutan at pastahan, nilinis ko naman ang ipin niyang nangingitim na dahil sa nganga at sa tuwa niya, niyakap niya ko't hinalikan pa sa pisngi hihi naalala ko tuloy lola ko.

yung mga sumunod naman kay nanay, mga binatilyong katutubo naman na walang ginawa kundi magpacute sakin kahit sungki at bungi sila kaya si Gian napapangisi nalang tuwing napapatingin sakin.

" Hon, mukhang mabenta ganda mo dito ah?" pasimpleng bulong naman sakin ni Gian paglapit niya para manghingi ng bulak.

" ihh, lalo naman ikaw, pati nga mga lola nagpapacute sayo e hehe."

" Awtsu! haha napansin mo din? wala e, gandang lalaki ng asawa mo, kaw lang naman matagal bago naappreciate e."

" alam ko namang matagal ka ng gwapo, di ko lang talaga nasasabi, tyaka hindi naman kita minahal dahil sa itsura mo lang no."

"yun o, nakss, pakiss nga--" Ay hon! nakakahiya ano ka ba naman." ang dami-daming tao nakuha pang manghalik ng lalaking to sa labi!

" *smirk* okay lang yan, nang malaman nilang taken ka na, they can't understand unless we'll show it right honey?" sabay kindat niya sakin.

>///<

hay namaan..

"siya sige balik na ko dun."

pag-alis niya, nagtrabaho na din ako, mga batang katutubo naman ang inasikaso ko at hindi biro ang patahanin at kumbinsihin sila bago ineksyunan, hindi naman kasi sila nagpapadentist kaya takot sila pero nadadala naman sa lambing kaya okay lang.

two hours later..

" doktora ganda, pahinga ka muna, ako naman dyan, kumain ka narin pala dun ng tanghalian, nakaluto na si tata Lindo." alok naman sakin ng isang kasamahan kong si Lynette, shifting din kasi kami dito, kami ni Gian sa umaga hanggang tanghali nakatoka, yung iba sa hapon hanggang gabi.

NMSFG 2: I'm Maria Clara's HUSBAND(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon