Chapter 48 - Little Drummer Boy

1.7K 30 2
                                    

Chapter 48

Little Drummer Boy

Jamie's POV

Vasquez' Residence..

Sabado ngayon at malamig ang panahon kaya nagluluto ako ng sopas para sa mag-ama ko para meryendahin nila, nasa mini studio kasi sila't tinuturuan ni Gian tumugtog si Miggy ng mga musical instruments doon kahit basic lang muna, kumusta kaya sila? hindi ko naririnig dito sa kusina at kulob yung room e, gusto ko nang silipin:)

" mam, nakakatuwa ho sina sir Gian at Miggy ano? magkasundong-magkasundo sila sa maraming bagay." sabi ni ate Loida sa tabi ko habang nilalagyan ko ng evap yung sopas.

"oo nga ya e, kahit madalas pinipilosopo ni Miggy si Gian, ang cute cute parin kapag naglalambing na yung bata sa kanya."

" kasweet nga ng batang yan mam, sabagay si sir din naman e napakasweet din sa inyo, alagang-alaga kayo nun e."

napangiti naman ako sa sinabi ni ate loida, totoo naman yun kaya hindi nakakapagtaka na ganyan si Miggy.

"Wala nga po kong masabi dyan sa asawa ko ya, oo may pagkamayabang at medyo alam niyo na ho, maginoong medyo bastos, pero pagdating sa pagiging mister at daddy, siya na siguro yung masasabi kong halos perpekto na, swerte po ako na siya yung binigay sakin ni lord."

"at kagwapo pa ho mam ano?" ngisi naman ni ate loida, nilagyan ko naman ng sahog at tinakpan ko muna yung sopas habang iniintay maluto.

"ay opo hehe naku pag narinig niya po yan abot tenga nanaman ang ngiti nun! kaya tuloy si Miggy pag sinasabihang paglaki niya mas pogi pa siya sa tatay niya, ang sagot lagi, I like that! sabay ngiti tapos namumula ang tenga sa kilig haha kagigil!"

"ay naman po mam, may dimples pa yung batang yun! tiyak maraming chiks na maghahabol dun pag nagbinata na! baka babae na ang pumunta sa bahay niyo nyan mam!"

" hay yaya talaga! kung ganun nga po, basta wag niya lang paasahin at paiiyakin at ako na po mismo ang puputol ng sungay niya, pero mukhang hindi naman po ganun si Miggy, feeling ko, tutulad siya daddy niya."

" panigurado naman po yan mam, san pa ba magmamana yan kundi sa ama niya."

"hihi opo naman, ay ya, pakuha na po ng malaking bowl at mga mangkok, okay na ho itong sopas."

matapos maluto ng sopas, nilagay na namin sa tray tapos umakyat na ko para dalhan ang mag-ama ko.

nang nasa may hagdan na ko, nakita ko namang hindi nakalapat yung sliding door kaya sumilip muna ko, mukhang busy-ing busy yung dalawa e, nakakahiya istorbohin.

" daddy watch!" sigaw ni Miggy habang pinakikitaan ng sample ang daddy niya sa drums, si Gian naman nakangiting nakikinig sa kanya.

"wow! good job Miggy boy! give me five!" tapos nag-apiran sila, ang saya naman:)

NMSFG 2: I'm Maria Clara's HUSBAND(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon