ANG PLANONG PAGLIGTAS NG MGA DIWANI AT REHAV

Start from the beginning
                                    

LIRA:Ito na nga ang sinasabi ko bes magkakagulo talaga!

MIRA:Inaasahan na ko na yang mangyari,puntahan na natin sila Ama!

LIRA:Sige!

Nang makalabas na sila sa palasyo pinaalam agad nang magpinsan kung ano nang nangyari sa loob sa iba nilang kasama kaya nang makapasok tinulungan nila agad ang mga nakatatandang Sang'gre na lumaban sa mga kawal niyebe.May hawak na mga brilyante ang mga magkakapatid,makapangyarihan din sina Mira at Lira at sa tulong nang kanilang ibang kaya madali lang nila nadaig ang mga kawal ni Agatha. napadesisyonan nilang maghiwahiwalay upang gawin na ang sunod na plano na hanapin at iligtas ang mga diwani at ang rehav ngunit hindi sumama ang magkakapatid dahil meron pa silang kailangan harapin ang mga Mashna.

PIRENA:Hindi ka talaga nadala sa inyong mga kapalpakan kung tutuosin pang ilang talo muna ito,kung ako pa sa inyo aatras nalang ako!(Pangaasar nang Hara)

GURNA:Huwag ka munang pasisiguro Pirena pagkat wala pa kayong nakikita kung ano pa ang kaya namin gawin!

DANAYA:Meron pa pala kayong kayang gawin akala ko wala na!

ANDORA:Ngunit bago pa namin iyon ipakita nais muna naming maaliw.Inuutusan ko ang iyong mga isipan na kakalabanin ninyo ang isa't-isa!

Ngunit hindi naman tumalab ang kapangyarihan ni Andora sa mga Sang'gre pagkat nilabas nila ang kanilang brilyante nang tangkain nang mashna na paglaruan ang kanilang mga isipan.

ALENA:Akala mo siguro na mapaglaruan mo pa kami katulad nang dati!

FLASHBACK

Nang humingi ang magkakapatid nang basbas kay Emre sa kanilang nais na lagyan nang pananggalang ang bawat kaharian may dinagdag na kapangyarihan ang bathala sa mga brilyante upang mas lalo pa nila itong magagamit isa na noon ang mas patalasin ang kanilang isipan nang saganon ay hindi na ito mapaglaruan at utusan nang kahit na sinong nilalang.

SA KASALUKUYAN

ANDORA:Tanakreshna!

AMIHAN:Mabuti pang tapusin na natin ang laban na ito ngayon din!puro kayo salita!

CRISELDA:Hara ipatikim niyo na sa kanila ang inyong bagong kapangyarihan!

Gamit nang bagong kapangyarihan ni Agatha na makalikha gumawa siya nang isang higante na iisa lamang ang mata at nakakatakot ang wangis at may hawak na sandata.

DANAYA:Pashnea anong klaseng nilalang iyan!

PIRENA:Isa iyang bungisngis,ang nilalang na iyan ay mahilig paglaruan ang mga Enkantado kaya ring buhatin nang nilalang ito ang kahit ano kaya mag-ingat tayo sa ating pakikipaglaban.

AMIHAN:Sa tingin ko kaya natin yan labanan gamit ang ating mga brilyante at sandata.

ALENA:Oo,kaya nating labanan iyan ngunit hindi muna tayo,magpakampante pagkat sa tingin ko ay malakas din iyan.

Sa pagharap nang nilalang sa mga Sang'gre ay gumawa ito nang nakakatakot na ungol saka inutusan ito ni Agatha sa paslangin ang magkakapatid.

Sa pagharap nang nilalang sa mga Sang'gre ay gumawa ito nang nakakatakot na ungol saka inutusan ito ni Agatha sa paslangin ang magkakapatid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

YBRAHIM'S PROVERBS

Noong napagdesisyonan namin na maghiwahiwalay aming napag-usapan na kami nang aking anak kasama ni Aquil ay sa timog bahagi nang palasyo maghanap habang ang grupo nila Azulan at Mira kasama ang Rehav nang Adamya ay sa Hilaga samantalang ang dalawang Mashna ay sa kanluran.Naisip din namin kung hindi namin makita ang mga diwani at Rehav sa Silangang bahagi kami magkitakita.

Kagaya nang aking inaasahan may mga kawal na nakabantay.

KAWAL:Mga Vedalje!

Tumakbo ito papalapit sa amin at nilabanan naman namin ang mga ito pagkatapos nagsimula na kaming maghanap pagkalipas ang ilang sandali ay naikot na namin ang lahat nang mga silid at piitan dito ngunit wala ang mga diwani at rehav doon kaya pumunta nalang kami sa silangan.

AZULAN'S PROVERBS

Sa hilagang bahagi nang palasyo naman ang walang masyadong nakabantay kaya napatumba namin ito na hindi nila napapansin.Naglakad lakad kami hanggang naikot namin ang lahat nang bahagi nang parteng ito nang palasyo ngunit hindi namin mahanap ang aking bunso at ang mga kasama nito napagdesisyonan naman na pumunta nalang sa silangan para doon magkitakita.

HITANO'S PROVERBS

Pashnea! wala ngang kawal na nakabantay rito mga kubor naman na gawa sa niyebe ang nabantay at ako pa ang ginawang pain na makipaglaban sa mga ito mabuti nalang na ako isang ivtre na kaya hindi na ako mapapaslang kaya madali lang sa akin na labanan ang mga ito.Sa aming pag-iikot sa bawat silid,sulok,at posibleng mapagtaguan nang mga bihag wala pa rin ang aming hinahanap kaya nagivictus nalang kami patungong silangang bahagi nang kaharian.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now