Tuluyang lumabas si papa, napaupo naman sa sahig si mama habang malakas na umiyak.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang pagbuhay ng sasakyan ni papa at ang mabilis na pag-alis nito.

Nagmadali akong bumaba upang yakapin si mama.

"Sorry, ma. sorry." umiiyak kong sabi.

Mahigpit akong niyakap pabalik ni mama at halos ilang minuto rin kaming umiiyak lang. 

Iniharap ako ni mama sa kanya at gamit ang dalawang palad ay hinawakan niya ako.

"Okay lang si mama, ang mahalaga andito pa kayo. Okay lang si mama, promise." Nangingilid man ang luha ay tumayo siya. 

"Magliligpit na muna ako, baka magsing na si Lorence, magtataka 'yon bakit makalat." isa-isa niyang pinulot ang mga natirang gamit ni papa at diniretso 'yon sa basurahan.

Tahimik ko pinulot 'yong basag na bubog kahit na paminsan minsa'y maluluha ako sa bigat ng nararamdaman.

Mabilis na sumapit ang gabi, nagpatulong si mama na magluto ng hapunan.

Nang magising si Lorence ay malinis na ang bahay, hindi rin siya nagtanong kung nasaan si papa dahil sanay naman kaming hindi siya kasama.

Pagkatapos kumain ay paggawa ng assignments ang pinagkaabalahan namin ni mama at Lorence. 

"Huwag ng magpuyat, Loureen. Kukunin ko 'yang phone mo." sabi ni mama na umalis na rin matapos kong tumango.

Andito na ako sa kwarto at nagsscroll sa cellphone ko.

Matapos kong panoorin 'yong isang video sa facebook ay natulog na rin ako.

Kinabukasan, lunes na at may pasok sa school. Ayoko sanang pumasok kaya lang alam kong hindi ako papayagan ni mama na umabsent.

Hangga't maari ay gusto ni mama na huwag kaming maapektuhan sa kung ano ang problema nila ni papa.

Pagkarating ko sa school ay nakipag-kuwentuhan lang ako sa mga kaibigan ko at pinilit na mag-participate sa klase.

Nang mag-uwian ay agad akong nagpasundo kay mama, wala naman akong gagawin pa sa school, umuwi na rin si Myra, bestfriend ko.

Sana'y naman akong tahimik sa bahay dahil tatlo lang kami ang nakatira doon, kaya lang, iba ang dulot ng katahimikan ngayon.

Ilan araw na rin matapos mag-away sila mama at papa, hanngang ngayon hindi pa bumabalik si papa. Madalas naman, kapag nag-aaway sila ay kinabukasan uuwi siya. Pinilit ko nalang huwag isipin. 

Matapos namin kumain ay pumasok na si mama sa kwarto nila o niya, hindi ko alam. Inaya ko na lang si Lorence na manood sa TV dahil wala kaming assignment.

"Ate, kelan uuwi si Papa? Last week kasi sabi niya uuwi siya bago mag-monday eh." tano ni Lorence, walang kamalay malay na maghihiwalay na sila mama.

Hinaplos ko 'yong buhok niya at umakbay sa kanya. "Hindi ko alam eh, baka busy lang." simple kong sagot, kahit ako hindi ko rin alam.

Mabilis na dumaan ang mga araw, linggo at buwan.

Akala ko noong una ay magpapalipas lang ng galit si papa saka ay uuwi rin, pero isang hapon, may dalawang lalake na naka-suit ang pumunta sa bahay, hinahanap si mama.

Healing The Deep Bruise (Hacienda Estrella Series #2)Where stories live. Discover now