CHAPTER 9: PREY

1 0 0
                                    


Kinabukasan ay nasa Train si Yorina kasama si Nori dahil nagpsama ito pamimili sa kanya . Nasa loob sila ng train ng may biglang pumasok na babaeng nakahood

"Cane"tawag niya

"Oh Yorina , Nori mukhang Masaya kayo ah" sabi nito , pumaling si Yorina kay Nori

"Nori hindi muna kita masasamahan mag-uusaap lang kami ni Cane " sabi nito

Pumunta sila sa lugar kung saan nagtatago si Cane At ang kuya niya ngunit hindi alam ni Yorina na sinundan pala sila ni Nori , nang makadating na doon ay nakita niya ang kapatid ni Cane na may Cancer sa katawan .

"Susumbatan mo ba ako ngayon dahil ipinahamak kita noon" cane

"hindi yun ang ipinunta ko dito Cane , sumama ka sa akin dadalhin ko kayo sa HQ para magamot ang kapatid mo" sabi ni Yorina

" HQ ibig sabihin myembro ka ng Undertakers Yorina"tanong nito

"mahabang storya sumama nalang kayo sa akin" sbi nito at nagtransform to Queen

" sa tingin mo ba hahayaan ko kayong makaalis ??' sabi ng lalaki sa likod ni Yorina

"Aira Paanong ??' tanong ni Yorina

"Nakasunod lang kami sayo Yorina " sabi nito " Kunin sila '' sabi nito

" hindi ako makakapayag" sabi ni Yorina at nilabanan silang lahat samantalang ang kapatid ni Cane ay nakuha ni Aira at ikinonnect sa Kataphrak combat tatamaan na sana ito ni Yorina ng bigla niyang nakita ang Cable na nakakabit sa kapatid ni Cane kaya hindi niya ito nalabanan at bumagsak siya sa lupa , nanghihina na din siya

" Patayin mona siya Yorina yun nalang ang paraan " sabi ni Cane kaya napatingin siya dito

" Ayoko na siyang mas mahirapan pa Yorina gawin muna" sabi nito at kahit nanghihina ay nilabanan at tinapos niya ito , pagkatapos noon ay umalis na sina Aira at iniwan ang dalawa , napaiyak nalang si Yorina

"wag kana umiyak mas makakabuti yun sa kanya tara na kailangan mong dalhin sa HQ na sinasabi mo" sabi nito kaya pinakapit niya si Cane sa kanya at pumunta sa HQ at pagdating niya doon ay sinalubong siya ng mga kaibigan niya.

" Yorina anong nangyari" tanong ni Kare , hindi pa man nakakaimik si Yorina at dumating si Yoriko na may galit sa mata at hinila patayo si Yorina

"Pumatay ka ng may Cancer huh Yorina? " galit na tanong ni Yoriko habang hawak hawak padin ang sugatan na si Yorina

" Yoriko ano ba nasasaktan mo na siya"- awat ni Hiroshi pero hindi sila pinansin nito

" SUMAGOT KA YORINA'" sigaw nito kay Yorina, napaiyak na lamang si Yorina sa Takot na nararamdaman niya sa oras na yun

"Hindi ko sinasadya Yoriko patawarin mo ako" iyak nito sa binata

"pagagalingin dapat siya Yorina hindi Papatayin Naiintindihan mo ba Huh Nilabag mo ang batas natin Yorina alam mo ang parusa nan" sabi nito na para bang hindi niya mahal ang babaeng kausap niya

"Yoriko " tawag ng mga taga Undretakers pero hindi sila pinansin nito

"Buo na ang desisyon ko Hindi kana kabilang ng grupong ito Yorina makakaalis kana"sabi pa nito, tumayo si Yorina kahit nahihirapan dahil nauubusan siya ng dugo ay hinabol parin niya si Yoriko at niyakap kaya naman napatigil ang binata

"Mahal na mahal kita Yoriko ,Mahal mo rin naman ako diba Yoriko" sabi nito tinanggal ni Yoriko ang pagkakayakap nito sa kanya at iniwan na ito

Lahat ng tao doon ay nakita ang nangyari , naawa sila kay Yorina dahil bukod sa sugat na natamo niya ay naalis na siya sa Undertakers

"Yorina" tawag ni Hakura pero hindi nalang niya nilingon ito gusto niyang mapag-isa para makapagisip dahil pakiramdam niya ay tinalikuran nanaman siya ng lahat ng tao

HQ

Pinuntahan ng apat si Yoriko sa opisina nito

" anong pumasok sa isip mo Yoriko huh bakit ginawa mo yun" sabi ni Kare

" Walang mali sa ginawa ko" sbi nito

"Wala alam mo bang nasasaktan ngayon si Yorina ng dahil sa ginawa mo"sabi ni Hakura

"Wala na akong magagawa doon nilabag niya ang batas" matigas na sabi nito

Iimik pa sana ang dalawang babae ng pigilan ito ni Hiroshi

"Tandang tanda ko pa ang sinabi mo na gagawin mo ang lahat maprotektahan lang siya pero sa ginagawa mo ngayon binigyan mo ng dahilan si Zero na kunin si Yorina sayo at buhayin si Rhean sa Mundong ito .." sabi ni Hiroshi

" Sana nag-isip ka muna bago gumawa ng desisyon hindi lang si Yorina ang pinahamak mo ngayon kundi pati ang mundong prinoprotektahan natin Yoriko:"sabi ni Karuso at umalis na sila ,naiwan si Yoriko na natahimik na lamang dahil sa sinabi ng mga kaibigan..

BOND OF HEARTSWhere stories live. Discover now