Introduction

3 1 0
                                    

INTRODUCTION


   "WHAT is that? Ano yan?" Tanong ko kay Jina. Masyado siyang focus sa laptop niya. Nag-sleepover pa kami kung ganito lang din naman pala.

Tumingin siya sa akin at tinuro yung space sa tabi niya. Ngumuso ako at saka humiga ng padapa sa tabi niya. Tinignan ko yung screen ng laptop, and my jaw literally dropped. Paano ba naman, ang ganda kaya ng website!

"Gawa mo yan?" I asked in awe. Tumingin naman siya sa akin ng masama. Kaagad na napataas ang kamay ko. Nagtatanong lang naman e.

Umiling lang siya. "Hindi. Masyado ka talagang outdated. Sabagay, hindi mo nga pala hilig yung underground websites."

Kaagad ko siyang binatukan ng mahina. Ang alam ko kasi illegal ang underground websites. Baka naman mahuli siya! O kaya kung anong mangyaring masama sa kanya.

"Ganito kasi yan Leni. Tignan mo. Eto yung bagong uso sa underground websites. Ang ganda diba? Goldinia ang tawag diyan."

Umupo ako ng padekwatro at saka bahagyang yumuko para makita pKaa din yung screen ng laptop. Kahit hindi ako interesado, curious pa din naman ako - wait, pwede ba yun?

"Ang sabi-sabi, ang Goldinia daw ay ibang mundo. Mas mayaman at tago pa kaysa sa Mariana Trench. Madami daw sikreto kaya madaming nagda-dive." May tinuro siyang maliliit na box sa dulo ng website, nagb-blink yung mga yun. "Yan. Yan yung number ng mga divers. See that? More than thousand na, pero wala pa ding nakakapagdive ng malalim. Nasa surface pa lang sila ng Goldinia."

"So, don't tell me susubukan mo yan?" Tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. Tumingin lang siya sa akin at ngumisi. I heaved a deep sigh. Bakit ko ba siya naging kaibigan? Baka mapasama kami nito, e.

"I won't tell you then." Bulong niya, sapat lang para marinig ko. "Magla-log in na ako. Panoorin mo nalang ako at manahimik diyan."

Hindi na ako umimik pa. Wala din naman akong magagawa. Gusto niya yan, e.

WELCOME TO GOLDINIA!

🔵 Tap to log in or create a new account

Pinanood ko lang bawat galaw niya. Pinindot niya yung bilog na kulay asul. Pagkatapos niyang pindutin, wala namang nangyari. Parang naka-freeze lang yung screen.

"Anong nangyari?" Tanong ko. Baka naman kasi virus yan! Nakakunot ang noong tinignan niya ako bago nagkibit-balikat, pagkatapos ay tumingin ulit sa laptop. I shrugged as well at naghintay nalang. After five minutes or so, nag-black ang screen ng laptop shortly, mga five seconds siguro. Five seconds din akong nagpanic.

🔲 ᴘʟᴇᴀsᴇ ᴛʏᴘᴇ ʏᴏᴜʀ ᴇᴍᴀɪʟ ᴀɴᴅ ᴘᴀssᴡᴏʀᴅ ғᴏʀ ʟᴏɢɪɴ.

🔲 ғɪʟʟ ᴜᴘ ᴛʜᴇ ғᴏʀᴍ ғᴏʀ sɪɢɴ ᴜᴘ.

"May account ka na diyan?" Tanong ko. Umiling lang siya ng bahagya habang patuloy sa pagta-type. Pinindot niya yung pangalawa. Ah, so wala pa nga talaga siyang account.

Fill up the form.

Email:
Phone Number:
First Name:
Last Name:
Age:
Birthday:
Date and Time:
Password:

Ang dami namang ifi-fill up. Puro personal pa. Paano kung phishing website 'to? Edi patay na. O kaya, virus? Naku, lagot. Finill up-an lang ni Jina yung kailangan. Pero ang kumuha sa atensyon ko ay yung nakalagay sa baba. Maliit lang siya pero capslock.

NOTE: YOUR ACCOUNT IS YOURSELF. DON'T TRY TO FAKE YOUR IDENTITY. WE KNOW EVERYTHING ABOUT YOU, SO COOPERATE. CLICK THIS 🔹IF YOU WANT TO GO BACK.

Hindi ko alam pero nagtaasan ang balahibo ko. Ang creepy! Feeling ko tuloy ay may nakatingin sa amin ngayon, kahit na pakiramdam ko lang talaga yun. Bago ko pa mabasa yung ibang nakalagay, nag-direct na sa ibang page yung website. Kulay gold lang siya at may nakalagay na malaking...

ʏᴏᴜ ᴡɪʟʟ ʙᴇ ᴅɪʀᴇᴄᴛᴇᴅ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ʜᴏᴍᴇᴘᴀɢᴇ.

"Okay na?" Tanong ko. Tumango siya ng tatlong beses. Ang dali lang naman palang makapasok dito e! Ang akala ko ay may full security o kaya kung anu-anong chechebureche pa.

After one minute siguro, na-direct na naman sa isang page. Kulay gold yung homepage at parang sa Facebook lang. Pero hindi din nagtagal, biglang nagkulay black yung screen, at may kulay white na text, may choices din.

ᴘʟᴇᴀsᴇ sᴇʟᴇᴄᴛ ᴀ ᴠᴏʟᴜᴍᴇ ᴜsɪɴɢ ʏᴏᴜʀ ᴠᴏɪᴄᴇ.

ᴍᴜᴛᴇ🔈
ᴍᴇᴅɪᴜᴍ ᴠᴏʟᴜᴍᴇ 🔉
ғᴜʟʟ ᴠᴏʟᴜᴍᴇ 🔊

"Hindi pa pala tapos..." Bulong ko sa sarili ko. And, ano daw? Using your voice? I shivered, at nilibot ang paningin ko sa kwarto ko. Para kasi talagang may nanonood sa amin. Namili naman si Jina, pinili niya ay yung medium volume.

ᴛʜᴀɴᴋ ʏᴏᴜ ғᴏʀ sɪɢɴɪɴɢ ɪɴ! ᴘʟᴇᴀsᴇ ᴡᴀɪᴛ ғᴏʀ ᴀ ᴍɪɴᴜᴛᴇ. ʏᴏᴜʀ ᴀᴄᴄᴏᴜɴᴛ ɪs ʙᴇɪɴɢ ᴠᴇʀɪғɪᴇᴅ.

◾◽◽◽◽◽◽◽◽◽ 10%
◾◾◾◽◽◽◽◽◽◽ 30%
◾◾◾◾◾◾◽◽◽◽ 60%
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◽ 90%
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾ 100%

ᴠᴇʀɪғɪᴄᴀᴛɪᴏɴ ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇ! ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ ᴛᴏ ᴛʜᴇ ᴡᴏʀʟᴅ ᴏғ ɢᴏʟᴅɪɴɪᴀ. ᴄʟɪᴄᴋ 🔴  ᴛᴏ ɢᴏ ʙᴀᴄᴋ ᴀɴᴅ 🔵 ᴛᴏ ᴄᴏɴᴛɪɴᴜᴇ.

Pinindot ni Jina yung kulay blue, as usual. Ilang beses niyang pinindot dahil parang nag-hang yung laptop, ni wala man lang movements. Ayaw din gumalaw nung mouse.

"One, two, and three, time's up." Sabi ng boses sa laptop. Ang lalim ng boses niya at parang robot pa, kaya ang creepy talaga. Tumingin ako kay Jina at wala namang reaksyon yung mukha niya pero alam kong parehas na kaming natatakot at kinakabahan.

After few minutes of silence, biglang nagliwanag ang paligid. Tinakpan ko kaagad ang mata ko kasi nakakabulag sa sobrang liwanag. Parang hinihigop ang katawan ko. Nakaramdam ako ng hilo at nagdidilim na din ang paningin ko ngunit may narinig pa akong mga nagsasalita.

"Good job, Nemes. Nemesis will conquer the world and Goldinia will fall,"

"What if Nightfall know about this?"

"They wouldn't unless they are here in Humdrums World."

"I know. Humdrums are too important to them, I heard."

"You're wrong. They despire ordinary humans."

"I'm nervous. Still. We'll be dead if they'll come here."

"Don't be. Why are you so scared?"

"For they are the golds of the night."

END OF INTRODUCTION

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Golds of the NightWhere stories live. Discover now