Chapter 1

3.5K 112 10
                                    

Sa mga huling pagkakataon, muling inayos ni Edward John Barber ang buhok at ang tie ng suot na suit bago kumatok sa pinto ng condo unit ng sinusundo.

Ilang segundo ang nagdaan bago bumukas ang pinto. Sa kabilang dako ng pinto nakatayo si Marydale Entrata o mas kilalang Maymay sa malalapit sa kanya. Nakalugay sa kanang balikat nito ang mahaba at maitim nitong buhok at ang mala modelo nitong katawan ay nakasuot ng isang beige colored na evening gown.

Isang malaking hamon kay Edward na panatilihing sa mukha lamang ng dalaga tumingin. Kaibigan niya si Maymay, period. Isang katiting na bagay na maaring maging rason na magbago ang friendship nila ay iniwasan niya. Hindi man sya magaling sa mga relasyong pag ibig,  pero para sa kanya sagrado ang pagkakaibigan.

Nang tingnan niya ito sa mata, kita niya ang mga eyebags at pamumugto niyon.

Naninikip ang dibdib niya sa nakita.  Gusto niya itong yakapin ng mahigpit na mahigpit. Ayaw niya nakakakita ng taong nalulungkot. Kahit hindi ganun kalapit, may obligasyon siya dito. Sa grupo nilang anim na kinabibilangan ng mga magkasintahan na sina Marco at Vivoree at Elise at McCoy tapos sila ni Maymay. Ngayong officially engaged na sina Elise at McCoy,  ramdan niya na mas mapapadalas ang pagkikita nila ni Maymay dahil sila nalang ang single sa grupo.

Nang bumaba ang tingin sa mga paa niya, nagulat ito. "Yan ang susuotin mo? Hindi bagay sa pupuntahan nating event, black tie party yun. Edward naman, eh!"

"Whatever! I love these guys." pertaining his converse shoes. "And besides, McCoy wouldn't mind. I already spend money to rent this suit though I feel uncomfortable in it. He should give me some slack with the choice of shoes."

"Besides, bumagay naman sa tie ko. Ganyan ka ba dapat makiusap sa knight in shining armor mo? Sa Prince Charming mo?"

"Eww! Prince Charming?" biro ni Maymay.

"Yeah! Just for tonight, I will be your prince."

Isa lang ang pakiusap sa kanya ng iba pa nilang kaibigan. Ito ay protektahan si Maymay sa mga tsismosa sa party at iwasan na mapag usapan muli ang break up nito. Isang linggo lang ang nakaraan ng umalis ang ex boyfriend nitong si Tanner papuntang Singapore upang doon na manirahan at magtrabaho. At dahil bago lang, usap usapan pa rin ito sa circle ng mundong ginagalawan nila.

Isa pang dahilan kung bakit yun ang isinuot niyang sapatos ay para ipakita sa mga pasosyal na kaya niyang maging iba.

"Kung ikaw ang prince ko ngayon gabi, kailangan mag usap kami ni fairy godmother. Nagkamali yata sya ng ibinigay." sabi Maymay.

"Ouch!" pagdadrama ni Edward na may pahawak pa sa didib na ikinangiti ng dalaga. Maganda ang smile ng dalaga. Ang pagiging seryoso nito minsan sa buhay ang gusto niyang baguhin dito.

"Let's go, my princess. Ienjoy na natin ang gabi." nagbow bago inilahad ni Edward ang kamay sa dalaga.

"Tara na,prince. Bago ka pa maging frog uli." nagtatawanan silang pumasok sa elevator.

Habang naghihintay na magsara ang pinto, namangha si Edward nang pamasdan niya ang kabuuan ng condo ng dalaga. Wall to wall carpet saka ang mga palamuti na ginamit ay talagang elegant.

Mahirap makakuha ng unit sa condominium nato dahil may kamahalan at ayaw niyang alamin kung magkano ang renta ng dalaga. Para sa kanya, pare-pareho lang naman hitsura ng bawat unit.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon