Chapter 23

1.3K 82 19
                                    

Habang nagmamaneho patungong res taurant, naiimagine na ni Edward ang libreng bakasyon. Kasama si Maymay sa beach na suot ang isang kakarampot na bikini.

Hindi mawala ang ngiti niya sa labi. Siguradong magiging masaya ito. Ang kapatid at mga kaibigan nito ay magbobonding habang sila din ni Maymay ay magienjoy.

At kasisimula palang ng gabi. Hindi na niya maimagine ang hitsura ng dalaga pag nakita ang plano niya for dinner.

Talagang nagkakaintindihan sila. Pwede nilang maenjoy ang bakasyon with no strings attached. Just some fun under the sun. Pwede din niya itong ayain kumain sa labas. Katulad lang ng normal na relasyon yun nga lang hindi kasama yung mga nakakatakot na part. Tulad ng salitang relationship at commitment. Yun ang mga salitang hanggang ngayon may allergy pa rin sya.

Ilang block lang naman ang binaybay nila mula sa bahay ng ina. Ipinarada na niya ang kotse sa parking lot. Sa tabi niya, halos malaglag ang panga ni Maymay ng makita ang restaurant.

"Ohmygod! Kala ko ayaw mo ng mga French foods." nanginginig ang boses na sabi ng dalaga.

Ngumiti lang siya at inabot ang kamay nito. "Well, diba gusto mo ng French foods, may beach view, may nakasuit na waiters at iba pa?"

Ang Barber Challenge ay tapos na. Kailangan na niyang magstep up ng laro at dalhin ang dalaga sa mga dates na maienjoy nito kagaya ng minsang nabanggit nito ang sikat na French restaurant.

Lumiwanag ang mukha ni Maymay at dali-dali itong lumabas ng sasakyan bago pa man niya mapagbuksan ang pinto. Then napalakpak pa ito sa tuwa habang nakatingin sa kanya.

"Paano ka nakakuha ng reservation?" tanong nito.

Kinindatan ni Edward ang dalaga. "Well, I have connections, remember?"

Kumapit ang dalaga sa braso niya at buong giliw ng ngumiti."Well, thank you sa paggamit ng connections mo para sa akin."

Hinalikan niya ang ulo nito. Ang halimuyak ng buhok nito ang kanyang naamoy. Sa totoo lang, hindi naman niya alam kung kailan o anong pagkakataon gagamitin yun. Besides hindi naman siya gaanong naghirap. Ang lead guitarist ng bandang minamage ay nagtatrabaho din bilang assistant chef ng nasabing restaurant. Sa una ay nalito ito ngunit tumulong din ng hingin niya bilang pabor ang pagpareserve doon.

Parang may spring sa paa ang dalaga ng pumasok sila. Siya man ay hindi rin mapigilang mag anticipate at maexcite para sa gabi. Nagawa niya. Nagawa niyang pasayahin si Maymay. At hindi pa siya gaanong naghirap.

"Parang angkop tong lugar para sa bridal shower ni Elise. Tingin mo?" umikot ito para tingnan siya.

Kumunot noo si Edward. "Wala naman akong maibibigay na opinion sa kanyang bridal shower. Besides,  ikaw ang expert diyan."

Pinaikot ni Maymay ang mata. "Pero ikaw ang bridesman. Syempre may point din ang opinion mo."

"Ah,eh. Ayokong magsalita baka wala akong masabing maganda. At bago ka pa magsalita, hindi ako aatend. Pero matutulungan ko kayo sa male strippers."

Natawa lang si Maymay pero nang narating na nila ang pinto binuksan yun ni Edward. Nang makapasok na siya, agad itong lumapit sa counter upang ibigay ang pangalan.

"Right this way." sabi ng maître d na kumuha ng dalawang menu sa stand at itinuro sila sa dining hall. Sumunod dito ang dalaga habang si Edward naman ay sa hulihan.

Napasinghap pa ang dalaga nang marating nila ang kanilang mesa. Floor-to-ceiling glass windows na nakudungaw sa dagat ang nakuha ni Edward. Sa hindi kalayuan, makikita ang historic lighthouse ng lugar nila.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon