“ ikaw kasi,bakit ba ang daldal mo?! alam mo namang nandito ang girlfriend ni kiel “-pabulong na tanong ni rollan kay jayson,nagbulungan pa!! dinig ko din naman..
“ sorry naman tol! Nakalimutan ko “-jayson
“ ah,cass “ tawag sakin ni rollan
“ yes!! “
“ huwag mong pakaisipin yung narinig mo kanina,wala lang yun “ tinignan ko si kiel,nakatanaw lang ito sa labas nang bintana,parang ang lalim nang iniisip
“ ganun ba!! huwag kang mag-alala hindi naman yun ang iniisip ko,alam ko namang ako lang ang mahal ni kiel “ binigyang diin ko’pa yung salitang AKO LANG ANG MAHAL NI KIEL kaya biglang napabaling sakin ang tingin ni kiel
“ mabuti naman!!sensyan na talaga.. “-rollan
Ngumiti lang ako at binaling na din ang tingin sa bintana,pero ramdam kong nakatingin pa din sakin si kiel,ganun pa man mas ninais ko nang manahimik kaysa ang magtanong,kung sino man si kate sa buhay niya alam ko isa lang siyang nakaraan
Nakarating kami sa tagaytay,sa rest house nila Mark kami mag-istay,ang ganda nang resthouse tapos ang laki pa,yung paligid niya sagana sa ibat-ibang klaseng bulaklak,pag dito ka tumira talagang malilimutan mo ang iyong problema
“ hug’s ako nang magdadala niyan “ tawag sakin ni kiel,patakbo itong lumapit sakin at kinuha sakin yung dala kong bag,dalawang araw kami mag-istay dito,susulitin kasi namin yung bakasyon bago magpasukan ulit
Wala akong imik habang sumusunod kami kay Mark,wala rin naman siyang imik sakin,hindi ko tuloy alam kung pano mawawala ang ilangan namin sa isat-isa siguro kasi naiisip niya pa din yung kaninang narinig ko
“ kiel “ pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa
“ hmmm “
“ ah..wala “ hindi ko kayang tanungin siya,parang hindi pa’ko handang makarinig nang sagot na makakasakit sakin
“ kung iniisip mo pa din si kate,wala yun isa lang siyang kaibigan “ napatingin ako sa kanya at tumungo,mukha naman kasing totoo yung sinasabi niyang kaibigan niya lang yung babaeng yun,sa ngayon hindi ko na muna iisipin kung sino man siya sa buhay ni kiel
“ ano ba!! bwisit ka!! “ napatingin kaming lahat Kay Alexa nang bigla itong sumigaw
“ bakit ba galit na galit ka sakin? “-jayson
“ eh,,ang gago mo kasi “-Alexa
“ ako pa ang gago?! Ikaw nga itong gago na basta nalang akong iniwan “-jayson
“ natural!! iiwan kita eh nuknukan mo nang babaero!! gago ka!! “-Alexa
sabay-sabay kaming napatanong sa isat-isa nang “ may relasyon sila? “
“ tangna!! kaya naman pala mukhang malalagkit ang tinginan niyo kanina!! “-mark
“ malagkit mong mukha mo!! “ magkapanabay na sigaw ni Alexa at jayson
“ mukhang gugulo tayo ngayon! “ –kiel
“ oo nga!! “ sang-ayon ko
YOU ARE READING
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
ספרות נוערYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!
CHAPTER:36:TAGAYTAY TRIP(part 1)
Start from the beginning