Bumili ako ng isa pero tatlo ang aking nakuha,
ginamit ko ang isang tali para sana maagapan pa.
Ang mga nagawa mong mali sa akin noong una,
sa unang beses na iyon ito'y buo pa.
Dumaan ang mga araw na ang tali ay nanatiliing nakakakapit pa,
hindi ako makapaniwala.
Dahil sa pagdaan nang mga araw, wala kang ginawa kundi magdahilan.
Kasi alam mong ikaw ay may makakapitan.
Sa pagdaan muli nang panahon, ang iisang tali ay tuluyang napigtas.
Tulad na lamang ng emosyon kong nag-huhumirintado at lumalagas.
Sa sakit na naidulot mo sa pagpipilit mong matapos,
matapos ang paulit-ulit kong binubuong pag-ibig na malapit ng malaos.
Alam mo, na sa huli,
dinugtungan ko ang taling kinapos na sa pisi.
Para sa'yo, para sa ating ikakabuti,
pinilit kong manatili.
Kahit alam kong masakit,
dahil sa pilit kong pag-ayos at pag-dikit,
hindi ko namamalayang puno na ako ng sugat,
sugat sa aking pusong puno na ng lamat.
Kaunti na lang ay bibigay na,
mapipigtas na naman ang aking pag-papasensya.
Pagpapasensya sa iyong mga nagawa,
pagpapasensya sa paulit-ulit mong pangangaliwa.
Huling tali na lang ang natitira,
at sana huwag mo ng sayangin pa.
Dahil ang aking pag-papasensya,
ay may hangganan na.
Idinugtong ko ang huling tali,
para sana ayusing muli.
Ang nasira na namang pagsasamahan,
na sa ginawa mong hindi makatarungan.
Ngunit wala, walang silbi,
walang silbi ang tali.
Wala itong kwenta para ika'y panatilihin,
panatilihin, dito sa aking tabi.
Wala itong kwenta, para sayong walang ginawa,
kundi gumawa nang masama.
Hindi nito kailanman naayos ang ating pagsasama,
dahil ikaw ang gumagawa ng ikakasira.
Hindi mo man lang binigyang halaga,
ang paulit-ulit kong pangungumbaba.
Na sana manatili ka,
at ako'y iyong ibigin ng wagas at tama.
Pero huli na,
ang huling taling binigay ko,
ay sumusuko na.
Sayo, at sa mga ginawa mo.
Huling huli na,
dahil ako, bibitaw at mapipigtas na.
Dahil ang tali ay sumisimbolo sa isang buhay ng tao,
nawawalan na ng pag-asa pag nataningan na ang kalagayan ng isang ito.
