Kahit mainit, pilit kong kinuha ang fire extinguisher. Kailangan ng malaking bukas sa pintuan. I risked the comfort inside just to get the extinguisher.

Kahit mainit ang lalagyanan, binalewala ko iyon. I unlocked the fire extinguisher and aim the nozzle on the fire near me. Mabilis na nawala ang apoy pero mausok pa rin. Itinapat ko iyon sa apoy na nakikita pa sa unahan at naglakad pa palayo hanggang sa maubos iyon. I reached the door to the right, mas malapit na ako sa exit kaya lang mainit ang pintuan at mahirap ding buksan.

Pilit ko iyong binuksan. Sinipa at ilang beses na binangga para lang mabuksan. Nang tuluyan ko iyong nabuksan, nagsisi agad ako. Kumapal lalo ang usok dahil mas malaki ang apoy doon. Hindi pa ako nakakalapit, halos mapaso na ako sa init. Mabilis kong binalik ang pagsarado roon at pansamantalang nanghina dahil sa pag-uubo at sa kapal ng usok.

Kinabahan ako. Secluded ang opisina at sinadyang walang ibang daanan dahil maraming banta sa buhay kay Lolo noon!

Naisip ko ang hinigaan kanina, ang punda nito, at ang ano mang tela na puwedeng basain. I used my phone again as flashlight to pave my way towards the office. Itinapat ko ang cellphone sa ceiling at napansin na makapal din ang usok na nanggagaling doon.

Pumasok ako sa opisina at nagsimula nang punitin ang mga balot ng sofa. Hindi ko alam alin ang uunahin ko kaya sa gitna ng pagpupunit, binuksan ko naman ang gripo ng bathroom. Hinatak ko ang balde at hinayaang mapuno. Nagpatuloy ako sa pagpupunit habang ganoon ang nasa banyo.

My phone rang again and I immediately manipulated to cancel it. Kailangan ko ng battery ng cellphone. Walang emergency light dito kaya kung hindi ako makakakita ng kahit ano, mas lalo akong mahihirapan!

Nanginginig ang kamay kong nagmanipula sa cellphone, nilagay sa airplane mode para walang kahit anong tawag na papasok.

Nang natapos sa pagpupunit, mabilis kong dinala ang buong tela at binasa ng tubig. Binuhusan ko rin ang sarili ng tubig. When I was satisfied, itinapis ko ang isang malaking piraso sa akig sarili at ang pinakamalaki'y bitbit para tabunan ang apoy.

Kaya lang, pagkalabas ko ng opisina, nakita ko na sa dadaanan ko pa lang, may gumuhong kisame ulit. Naiiyak na ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Sinubukan kong dumaan doon sa gitna ng apoy.

Ang kapal-kapal na ng usok. Nanghihina na ako nang nakarating sa pintuan. Mas lalo pa nang ibinuhos ko ang buong lakas ko para muling buksan ang pintuan. It's getting harder to breathe. Sa harap ko, mabilis kong tinabunan noong basang tela ang apoy at nakitang makakadaan na kaso bago pa ako makahakbang, unti-unting nagdilim ang paningin ko.

My next memory felt like an impossible dream. Sa gitna ng usok at nagbabagang apoy, dumating si Leandro at niyakap ako.

"Chayo!" he said with a worried tone.

Mabilis niya akong inangat at inalis sa init ng nasusunog na gusali.

My skin felt colder than usual. Dahil galing sa init, ang lamig ng ihip ng hangin ay mas lalong nadepina para sa akin.

"Chayo, I'm sorry!" I heard a muffled cry.

Maingay at medyo magulo. Inangat ako at parang inilipat sa mas kumportableng higaan at parang gumaan din ang paghinga ko.

When I opened my eyes, the first set I saw, in front of me waiting, is my father's. His tears ran down his wrinkled cheeks. Lalo pa nang pumikit siya ng mariin at niyakap ako.

"Chayo, I'm sorry," he said it again.

Nanghihina ako pero wala akong ibang naiisip kundi ang opisina, ang sunog, at kung paano ako nakaalis doon. Naaalala kong may naririnig na mga salita. Mga bumbero? At parang panaginip nang nakita ko si Leandro.

Against the Heart (Azucarera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon