"How are you and Dan?" tanong ko sa pinsan kong si Nissa.
"I don't know. He's kinda cold this past few weeks. Parang wala siyang oras para sa 'kin lagi."
"Kinausap mo na ba siya about it? Baka naman nanggagago na yang boyfriend mo ha."
"I haven't talked to him yet. Probably he's just busy for the finals kaya wala siyang masyadong time. Nakakatext ko naman siya paminsan minsan eh." pagtatanggol naman niya.
"Just make sure about that couz. If you found out that he's doing funny business behind your back, don't hesitate to call back up, alright?" sabi ko sa kanya at ngumiti.
Tumigil siya sa pagsip ng cocktail niya at napatawa. "Ikaw talaga! Don't worry. If I found out na niloloko ako ni Dan, i'll call you. I need assistance in cutting his balls and feeding them to my dogs." pareho na napatawa kami ng malakas sa sinabi niya.
Lumakas na ang music dahil dumadami na ang tao sa bar. Napapaindak ako sa dance music na pinapatugtog. Dumadami na ang sumasayaw at nagsisimula ng maging siksikan sa dance floor.
"Pang-ilang shot mo na yan Mandi? Nakakarami ka na yata." pasigaw na sita ni Nissa ng nilapag ng bartender ang order kong bloody mary. Halos di na kami magkarinigan sa lakas ng music sa bar.
"Panglima ko palang naman 'to eh. Tsaka relax couz, last day na ng first sem kanina, walang pasok bukas." pasigaw at patawa din na sagot ko sa kanya.
Pareho kaming fourth year college student at isang sem nalang gragraduate na kami. Niyaya ko siyang lumabas because I feel like celebrating. Confident kasi akong mataas ang makukuha kong mga marks sa lahat ng subject ko at mamimaintain ko ang full scholarship ko sa university hanggang paggraduate ko.
"Chill lang couz, di pa ako lasing. Halika muna. Let's dance." dagdag ko at hinila ko siya sa dance floor. Wala na siyang nagawa kundi magpatianod nalang. Nakipagsiksikan kami at humanap ng magandang pwesto sa may bandang gitna ng floor at nagsimulang sumayaw.
I love dancing. Narerelease ko ang stress na nararamdaman ko when I dance. I love losing myself to loud music. Almost thirty minutes din kaming nagsayaw bago niya ulit ako hinila pabalik sa kinauupuan namin kanina.
"We need to go home. May family gathering tayo bukas, remember?" pagpapaalala niya.
"Yeah, I remember. It's just eleven couz, I wanna stay here a little longer. Dinner naman yun, right?" sabay sinyas ko sa bartender ng isa pang shot. "If you wanna go home couz, you can go. I'll stay here. I'll be fine."
"You sure? Panu ka uuwi? Wala kang dalang sasakyan." pag-aalala niya. "Nah! Don't worry about it. Cabs are lined-up just outside the bar. Makakauwi ako." ngiti ko sa kanya kasabay ng paglapag ng bartender sa shot ko.
"Alright. Just don't forget to text me when you get home. Take care, okay? Don't drink too much."
"Yes ma'am." at nag mock salute ako sa kanya pagkatapos ay nakipagbeso beso saka na siya umalis.
Nilagok ko ang aking shot at umoorder ulit ng isa pa. Pagkalapag ng bartender sa shot ko ay linagok ko ulit ito agad at tumayo at naglakad pabalik sa dance floor.
Sumasayaw na ako ng naramdaman kong may lumapit at sumayaw sa likuran ko. Di ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagsayaw. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nang nawala yung sumasayaw sa likod ko.
May lalakeng sumiksik at sumayaw ng bahagya sa harap. Hindi ko masyadong makita ang muka niya dahil sa medyo madilim at ang dancing neon lights sa dance floor ang tanging ilaw sa loob. Inilapit niya ang kanyang muka sa aking kaliwang tenga. "Hey" bati niya at inilayo ang muka niya at ngumiti.
Matangkad siya at mabango, may bahid ng konting beer at usok ang amoy niya pero nakadagdag lang yun sa appeal ng bango niya. Halata din na gwapo siya. Mukang may halong foriegn blood. Ngitian ko siya at tumigil sa pagsasayaw. Tumigil din siya at inilapit ulit ang muka sa aking tenga?
"You alone?" tanong niya. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tenga at sumagot "Yes." Inilayo ko ang aking muka at inilayo ng bahagya ang aking katawan at nagsimula ulit sumayaw. Ngumiti siya. Ang sexy naman ng ngiti nito.
Tumalikod ako at medyo isinandal ang katawan sa kanya. I started to grind. Inilapit niya ulit ang kanyang labi sa aking tenga at may sinabi. "You're good at dancing, aren't you?" seductive ang boses niya.
Napangiti ako at umikot paharap sa kanya. I smiled at him seductively and put my hands around his neck.
He then put his hands on my waist and pulled me closer to his body.
Mas naamoy ko ang mabango niyang katawan. Napakagat siya ng bahagya sa kanyang ibabang labi. Ano kayang lasa ng labi mo? It looks so tempting.And without thinking. I kissed him.
He did not respond at first but when I started moving my lips, he followed my rhythm. At first, the kiss was slow but then, he slowly took over the kiss. He deepened the kiss and I closed my eyes. He touched my lips with his tongue, seeking for entrance, I happily opened my mouth for him.
He traced my upper teeth and played with my tongue. A moan escaped my mouth. Ang sarap niyang humalik. Sa sobrang sarap parang nanghina ang mga tuhod ko. Hinigpitan ko ang pagkapit sa kanyang leeg at mas inilapit niya ang kanyang katawan sa katawan ko.
Nakakaaddict siyang halikan. Ayoko nang itigil pero bigla kung naalala. He's a stranger. Napabitaw ako sa pagkakakapit sa kanya at bigla ko siyang itinulak. Sa gulat ay napabitaw siya sa pagkakahawak sa baywang ko at sinamantala ko yun para makipagsiksikan sa crowd. Nagmadali ako paalis sa dance floor at paalis sa bar.
Pagkalabas ng bar ay tumakbo agad ako kung saan may mga nakaparadang taxi at sumakay agad. Pag andar ng taxi ay nakita ko mula sa bintana ang lalakeng nakasayaw at nakahalikan ko sa dance floor na kalalabas lang sa bar at nakatingin sa sinasakyan ko.
