Chapter 5 - Collide

Start from the beginning
                                    

     "Nagpa-deliver na ako kanina habang nakanganga kang matulog," sabi ni Zach habang linalabas sa supot ang mga pinamili. Gumapang sa ilong ko ang sarap ng tapsilog at panibagong baso ng kape.

     Kinuha ko ang para sa akin at sinimulan ang pagkain. "Excuse me, hindi ako nakanganga matulog."

     "Nakanganga," diin ni Zach, "at tulo laway pa."

     Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Di ko na makukumpirma, naghilamos na ako kanina. Malamang nang aasar lang to. "Hindi naman ako takot sa multo," bawi ko.

     Natigilan si Zach. Binigyan ko sya ng matagumpay na ngiti.

     "Hintayin mo, Eros," banta ni Zach, "magpaparamdam din sayo yung mga bata."

     "Hindi nga totoo yang mga bagay na yan," tugon ko. "Isa pa, hindi nasunog tong apartment dati. Highschool pa lang ako naghahanap na ako ng pwedeng matuluyan sa paligid ng La Trinidad. Nakita ko ang pagtayo nito mula sa bakanteng lote hanggang matapos."

     "Okay, sabihin na nating walang sunog na naganap dito," sabi ni Zach, "pero paano kung may mga espiritong nagambala sa pagtayo nitong apartment? Lamang lupa?"

     "Ewan ko sayo," pagsuko ko sa kanya. Kinaway ko ang hawak na kutsara sa mukha ni Zach para tapusin ang pag-uusap namin. "Ginagamit mo sa mali ang imagination mo."

     Tahimik na kaming nag-almusal. Matatapos na kami sa pagkain nung magsalita ulit si Zach.

     "Dahil hindi ako handa," sabi nya.

     "Ano?" tanong ko.

     "Wala," sagot ni Zach na may nakakalokong ngiti.

* * *

     Pagkatapos kumain ay bumalik na si Zach sa unit nya. Sa wakas, ganap na kapayapaan. Sa akin na ulit magdamag ang kwarto ko.

     Kinuha ko ang script ng Mahiwagang Batis para muling pag-aralan si Anselmo. Hindi pa rin ako makapagdesisyon kung paano sya bibigyan ng buhay. Sinuyod ng mata ko ang buong kwento, naghanap ng maliliit na detalye para makatulong.

     Wala. Katulad pa rin ng dati. Hindi ko inaasahan na magiging ganto kahirap ang sandaling role ko sa play. O baka naman ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko?

     Abala ako sa pagbabasa sa may lamesa nung bumukas ang pinto ng unit at pumasok si Zach.

     "Ano na naman?" tanong ko.

     "Sungit naman nito," kumento ni Zach. Dumiretso sya sa lamesa, umupo sa harapan ko. "Anong tanghalian mo?"

     Minata ko ang mini-fridge. "Hotdog."

     Napasimangot sya. "Seryoso? Saan mo nga pala linuluto yan?"

     "Sa rice cooker. Steam," sagot ko. "Ano bang ginagawa mo rito? Kung magpapa-deliver ka ulit okay lang naman sa akin."

     "Abusado," sabi ni Zach. "Hotdog tanghalian natin."

     "Natin?"

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now