Chapter 5 - Collide

Magsimula sa umpisa
                                    

     Abala si Zach sa pagpapatuyo ng kanyang buhok. Wala syang ibang tela sa katawan bukod sa tuwalyang ginagamit nya sa kanyang ulo. May pakanta-kanta pa sya habang pinapatuyo ito. Pagkatapos ay ang kanyang mukha naman. At pagdating sa kanyang dibdib, napunta ang mata nya sa akin.

     Unti-unting lumaki ito (ang mata nya) at natigil si Zach sa pagkanta. Ilang segundo pa ang nabanat na parang goma hanggang sa mapigtal ito.

     "Bosero!" sigaw ni Zach bago sinara ang pinto.

     Kumalabog ito sa harapan ko, ang ingay na linikha nito ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Sa ikalawang pagkakataon, hindi ko kailangan ng kape upang tuluyang magising.

* * *

     Muling uminit ang mukha ko paglabas ni Zach ng banyo. Ngayon ay may suot na syang pang-ibaba at nakapatong na ang asul nyang tuwalya sa kanyang balikat. Sa may kama na ako umupo, ang kape ko ay nasa nightstand. Hindi ko kayang ubusin ang kape sa may lamesa malapit sa kanya.

     Hindi ako nagsalita, nagpatay-malisya sa nangyari. Ganun din si Zach. Pumunta sya sa may kusina para magtimpla ng sariling kape, na ininom nya sa may lamesa. Makalipas ang ilang higop, bigla nyang linapag ang tasa.

     "Pwede ba," sabi ni Zach. "Mamatay ako sa katahimikan nating dalawa. Nagpapanggap pa tayong hindi iyon nangyari pero iyon naman ang iniisip nating dalawa."

     Muntik ko nang mabuga ang kapeng nasa bibig ko. Pinilit ko ang sarili na lulunin ang mainit na tubig na ngayon ay mapakla na sa panlasa.

     "Wag ka ngang umarteng birhen dyan," asar na sabi ni Zach. "Para namang unang beses mo na makakita nun," natigil sya sandali, "parang unang beses na makita yung akin."

     "Pwede rin ba," sabi ko. "Hindi ko ginusto ang parehong pagkakataon na yun."

     Binigyan ako ni Zach ng matalim na tingin. "Pero nakatapos kang maligo nung una at hindi ka pa talaga aalis kung hindi ko sinara yung pinto kanina. Gusto mo rin yung nakita mo no?"

     "Ulol!" tugon ko. Feeling naman nito. Nakatapos akong maligo dahil kailangan kong matapos na maligo. "Hindi lang ako makapaniwala na may mga caucasian na maliit."

     Napanganga si Zach at dahan-dahang napatingin sa pundyo nya. "Anong maliit?"

     Inikutan ko sya ng mata. "Lakas mang-asar pero pikon," sagot ko. "Tsaka ikaw nga yung huwag umarteng birhen. Daig mo pa ang nahipuan. Ikaw na nagsabi, nakita ko na yan dati, anong pinagkaiba nun ngayon at galit na galit ka?"

     Sasagot pa sana si Zach nung may kumatok sa pintuan. Tumayo sya na parang inaasahan ito. Pagbalik nya sa may lamesa may dala na syang dalawang supot ng pagkain mula sa fastfood.

     "Bumili na ako ng almusal natin, pasasalamat sa pagpapatulog mo sa akin dito—kahit na sapilitan." Sinabi nya ang huling bahagi nang pabalang.

     "Ibang klase ka ring magpasalamat," tugon ko.

     "Magluluto sana ako kaya lang puro hotdog lang laman ng fridge mo. Tumayo ka na dyan," utos nya. "Ipaghahain pa kita?"

     Dahil sa pagkalam ng sikmura ko sa amoy ng pina-deliver ni Zach, tumayo na ako para kumain sa may lamesa. Natapon na sa likuran ng isip ko ang nangyari kanina dahil sa pagkain.

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon