Chapter 6 - Bad Day

Start from the beginning
                                    

     "Ano bang alam mo?" iritableng tanong ni Yna, ang isang perpektong kilay ay nakataas. "Ang dami naming kailangang ma-develop. Yung eye contact namin, kung paano namin dapat kausapin ang isa't isa—"

     "Guys," pagkuha ko sa atensyon nila. "Hindi kayo nakakatulong pareho."

     Hinarap nila ako. Si Chris ay nakahalukipkip habang si Yna ay nakapamewang.

     "Ang kailangan ko ngayon," sabi ko, "katahimikan."
 
 
 
Nahanap ko ang katahimikan na iyon sa unit ko. Lumipas ang ilang oras sa auditorium na parang hindi alam ni Direk na may Eros na nag-eexist. Lahat ng pahapyaw sa mga eksena ng bawat isa ay maganda ang kinalabasan bukod sa akin. Lahat ay naulit–bukod sa akin.

     Maghapon akong nanood sa kanila. Sabagay, ganto lang naman talaga ang ganap ko. Pagkatapos ng dalawa kong eksena sa umpisa–ang pagpapakita ko ng pagmamahal kay Elena at pagsira dito–hihintayin ko na lang silang matapos.

     Sinamahan naman ako ni Chris sa ilang oras na iyon. Mabuti na lang din nandun sya, hindi ganun kasama ang pakiramdam ko habang nakaupo at pinanonood sila. At kapag wala namang eksena si Yna ay sinasamahan nya ako sa pagmumukmok, minsan ay hila-hila nya si Mich, ang gaganap na Karen.

     Pagkatapos ng rehearsal ay binigyan kami ni Direk ng mga bagay na kailangan naming pagtuunan ng pansin, kailangang baguhin at dapat na i-improve. Nung mga sandaling iyon ay mag-isa na naman ako.

     Pagdating ng hapon naghiwalay na kami ng daan pauwi ni Chris matapos ang ilang ulit nyang tanong sa akin kung ayos lang ako. Dumaan muna ako sa isang karinderya para bumili ng hapunan bago dumiretso ng bahay.

     Napalipas ko ang hapon na kausap ang hangin. Kunyari ay nasa harap ko si Elena, hindi si Yna kundi ang Elena na kausap ko nung audition–hindi rin si Zach, yung legit na Elena sa imagination ko.

     Sa palagay ko ay maayos naman ang ginagawa ko.

     Hindi ko lang talaga mapigilan ang kaba kapag marami nang tao. Wala naman akong problema nung una. Kung hindi lang dahil sa bunga ng ginawa ni Zach hindi ako maiilang na umarte sa harap ng maraming tao at malamang hindi ako si Anselmo.

     Natigil ako nung tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesa upang tignan kung bakit. May mensahe mula sa hindi kilalang numero.

     'Kaya mo yan. May tiwala ako sayo.'

     Pft. Kanino pa nga ba? Sya lang naman ang nagte-text sa akin. At sobrang luma na ng style nya. Ang uso ngayon ay  gumawa ng dummy account sa social media para ipang-stalk at chat anonymously. Alam ko naman na dahil sa nangyari kailangan ko ng mga ganitong salita. Pero iba ang dating kapag nanggaling sa taong wala akong ideya kung sino kahit na may gusto pa sa akin ito.

     'Sino ka ba?' reply ko.

     Kung sino man sya, isa sya sa mga nasa rehearsal kanina at nung nag-audition ko. Malamang kakilala ko to o isa sa kanila ang namigay o nakuhaan ng number ko.

     'Nasabi ko na sayo dati,' sagot nya kaagad.

     'Wala akong natatandaan na pangalan,' tugon ko.

     'Tagahanga. Tagasuporta.'

     Imposibleng si Chris dahil harap-harapan nyang sinasabi ang mga ganitong bagay sa akin. Imposible rin na may gusto sya sa akin at hindi sya creep.

      'Ang weird ng ginagawa mo sa totoo lang, para kang stalker. Kung ano mang balak mo wala akong intensyon na makisakay. Kapag hindi ka pa nagpakilala iba-block ko na ang number mo.'

The Bathroom Love Affair (Published Under Pop Fiction)Where stories live. Discover now