Naitungo ko ang aking paglalakad at sa ibaba ko itinutok ang tingin at medyo binilisan ang lakad kaya may mga nakakabangga akong mumurahin ako tanging sorry lang ang nasasabi ko at nagmamadali na ulit.

Ng Nasa hallway na ako sa first floor ng aming department ay may nakabangga akong matigas at medyo malambot na bagay, at dahil hindi ako nakatingin saaking harap ay hindi ko napansin ang tao sa aking harap.

Hindi ko parin tinataas ang aking ulo. “S-sorry.”

Maglalakad na sana ako paalis ng hawakan ng kung sino ang braso ko para iharap sa kanya.

Isang lalaking malamig at madilim na mga mata ang tumambad saakin hindi ako makatingin ng diretso sa kanya kaya ilang segundo lang ay ibinaba ko na ang aking ulo para humingi ulit ng pasensya para makawala na, siguro ay nagalit sya sa pagbangga ko sa kanya kaya ganto sya.

Damn ang lapit ng mukha nya saakin, my heart beat erratically, nakakahiya baka namumula ako! nilingon ko ang hawak nya saakin at pilit na kumakawala pero hindi ko nakayanan dahil mas lalo nyang idiniin ang malalapad na kamay pero tama lang para hindi ako masaktan.

“Babe, let her go, nakakahiya.”si Christine sa gilid, hindi ko ito namalayan dahil sa lalaking ito lang ang buong atensyon ko.

Kahit hindi ko tignan ay nakatayo pero naiinis ito habang ang ibang students ay dito na nakatingin at pinag-uusapan nanaman kami.

“Xedrick b-bitawan mo ako.”

Kahit isang salita ay walang lumabas sa kanya nagtataka na ako sa inaasta nyang hindi ko maintindihan o pagpapapansin ba o ano.

Tinanggal nya ang kapit saaking braso at hinawakan naman ang palapulsuhan ko marami ang napasinghap sa ginawa nya, my eyes widened as he pull me out of the crowd. Hindi ko mabasa kung anong iniisip o ano ang mga nasa mata nya, pero pakiramdam ko ay may kakaiba.

Sa isang peaceful mini garden nya ako dinala dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko, at ako ay hindi magawang itaas ang ulo hindi ko sa hindi malamang dahilan.

Nakabawi ako at dahan dahan syang tinignan, ganoon parin ang kanyang mga mata nag-iigting ang mga panga. Ibang iba sa dating Xedrick na nakilala ko, hindi ko na sya halos kilala.

Kinuha nya ang bag na nakasabit sa kanyang likod at binuksan iyon at may kinuhang kahon. nanlaki ang aking mga mata ng napagtanto kung ano ang bagay na 'yon.

Inilahad nya 'yon sa aking harap kaya nanlalaki at dahan dahan ko syang nilingon.

“Take this, My phone number is already registered inside.”Mababa ang kanyang boses ng sabihin 'yon
na at parang nanuot saaking tainga ang boses nya. Kahibangan.

Ilang minuto ng nakalahad ang kamay saaking harap hawak ang latest cellphone sa pinakamahal na brand, hindi ko alam kung tatanggapin ko 'yon dahil hindi parin ako nakakabawi sa gulat.

Tatanggapin ko ba? hindi ko alam.

Mahal ang cellphone na yan hitsura pa lang ng kahon, nakakahiya rin tanggapin dahil kaya ko namang bumili. Pangalawang beses na nya itong ginagawa I never saw this coming again.

Kinuha nya ang nanginginig kong kamay at inilagay saaking palad hindi ko mabawi ang aking kamay sa sobrang pagka bigla sa ginawa nya.

He released a sighed. “Please take this, you're memory's inside so don't worry”

Hindi ko alam kung bakit ang sarap sarap sa pakiramdam ng kanyang boses.

Pero teka, asan ang sim kong luma?

Aish! kung ano ano na lang ang pinagsasasabi ko! hindi na talaga 'tong maganda!

“Yung sim nasira, I'm sorry.”nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nya.

“Ano?!”Nandon ang mahahalagang contacts ko! hindi pwedeng mawala 'yon, pero wala akong magagawa kung wala na talaga gagawa na lang ako ng paraan.

Napabuntong hininga ako para pakalmahin ang aking sarili.

“T-thank you,”nahihiyang sabi ko at mabilis naglihis ng tingin pagkakagat ng aking labi ng makita ang bahagyang pag ngiti nya, ng ngumiti sya ay pakiramdam ko ay bumalik ang dating sya.

“You're welcome... Always.”

Mas lalo syang napangiti ang ngiting nagpabihag saakin Two years ago, ang ngiting gustong gusto ko ng makita.

Hindi ko alam kung manhid ba sya kaya hindi nya maramdamang ayaw ko na ngang lumalapit sya saakin sa isiping 'yon ay namuo ang inis pero makita ang mga ngiti nya ay unti unting napapawi.

At hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako sa kahibangan kong 'to, but I hope so. Hayaan nyo muna akong mas hangaan at mas mahalin sya kahit ngayong araw lamang at pinapangako kong kakalimutan ko na sya pagkatapos ng araw na 'to.

Still YoursWhere stories live. Discover now