Hindi ito kumibo but her face reaction shows she's not convinced at all.

"I'm not buying it" matigas nitong tugon pamaya-maya.

"pero iyon ang totoo" aniko sa nahihirapang tinig.

"at papaano mo ipapaliwanag ang pagpayag sa punyetang body shot na iyon?!How could you let her kiss you just like that? huh?" paninita nito.

Umawang ang bibig ko but then I didn't find my own voice to defend myself lalo pa at may nagsisimulang sumigid na sakit sa aking dibdib.

Namaywang ako and closed my eyes kasunod ng pagbilang ng isa hanggang sampu.

Calm down, Rush. You need to calm down cause if you're not...

I sighed deeply at nag-angat ng tingin directly to Bree.

"bakit?" malumanay kong tugon. " ako lang ba? Ikaw .??.. paano mo nagawang halikan sa katawan ang punyetang Xian na iyon? Bakit sa kanya ka tumabi? bakit nakipagharutan at bakit ka nagpayakap sa kanya sa mismong harapan ko??? " sunod-sunod na tanong ko.

"hindi mo ba alam na nasaktan ako? At nasasaktan pa din ako ngayon habang iniisip ko kung paano mo ako binalewala. If only you allow me to explain everything ay hindi tayo hahantong sa ganito, Brianna "

She hissed.

"and now your blaming me???!" she exclaimed "I can't believe this"

I frustratedly shook my head.

"because I told you that I can explain everything but you didn't let me" I voice out punong puno ng hinanakit. "I love you. You know that, and its hurting me to know na ganyan lang ang tingin mo sa akin despite all the good things that I did to you." dugtong ko in disappointment at sa naghihirap na tinig.

Pinanliitan ako nito ng kanyang mga mata.

"hindi lang ikaw ang may karapatang masaktan, Rush. If you're saying that I took you for granted, well at least quits na tayo dahil in case you didn't know ay pinagmukha mo rin akong tanga. " panunumbat nito.

I remain silent, I cannot response on her dahil sa nagsimulang pag sikip ng aking dibdib. Pasimple ko iyong hinawakan.. trying to massage it when Bree continues.

"you know what, kahit kailan hindi iyan ginawa sa akin ni Blue" she points out with disappointment in her voice.

I pause at tila naramdaman ang isang malakas na pagbundol sa aking puso.

I was lost of words dahil animo sinampal ng napakalakas sa aking narinig.

Malungkot ko itong tinitigan.

" ngayon ko napatunayan na kahit magkahawig kayo at inakala kong mas lamang ang kabutihan mo ay may ugali pa rin syang nakakahigit sayo" dugtong ng kaharap.

Nanatili ang pagtitig ko sa kanya hoping na bawiin nito ang mga naunang sinabi pero bigo ako dahil kitang kita sa mga mata nito ang galit. Ang frustration. Ang halo halong negatibong emosyon na nuon ko lang nakita.

Paano mo ako nagawang ikumpara sa isang taong wala na?

Himutok ko na mas pinili kong hindi isatinig.

I swallowed the lump that abruptly formed under my throat just to ease the immeasurable pain and stared deeply in her eyes.

Pinangilidan ako ng luha but that didn't halt me to react.

"stop comparing me to her" I muttered sa hirap na hirap na tinig. Mas lamang ang himig na pakiusap duon na binahagian ng pagmamakaawa.

Bree hissed and smile sarcastically.

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now