Chapter 36 Welcome Home

Start from the beginning
                                    

"All flight going to Manila is now boarding..."

Agad ko nang binilisan ang lakad ko at agad na kumuha ng passport para nakapasok agad ako sa loob. Pero bago yun, kinuha ko muna ang shades then mask ko para walang makakilala sakin.

"Going to Manila passport please," sabi ko at agad naman tumango sakin yung flight attendant na nag-aasikaso ng mga passport. May kinalikot muna siya sa computer bago niya ako binigyan ng passport, ibinigay ko din kaagad ang credit card ko.

"Thank you Ma'am, next" umalis na agad ako at hinabol ang hininga ko dahil hindi ako pwedeng maiwanan ng airplane.

Bigla na lang ako napatigil ng may humawak sa may palapulsuhan ko. Tiningnan ko kung sino pero nakita ko si Bryan na wala man lang pandepensa. Lahat napatingin samin ang mga tao dahil sa gulat na makita si Bryan.

Tiningnan ko ang nag-aalala niyang mukha.

"Where are you going? Bakit hindi ka man lang nagsabi na aalis ka?" Tanong niya sakin habang hawak pa rin ang palapulsuhan ko.

"Magtakip ka ng mukha mo, marami na ang nakakakilala sayo baka mapa-balita ka pa, tayo." Sabi ko at ibinigay ang extra mask ko. Na ipinagamit din sa kanya nung last na magpunta kami ng resto.

"I'm sorry I forgot, nag-alala kasi ako sayo."

"Ibinalik na ni Sky ang anak natin sa condo ko. Kailangan kong bilisan dahil kinikutuban ako." Pagkasabi ko nun agad niya akong hinila ng walang pakundangan. Pinigilan ko siya dahil wala naman siyang passport.

"T--teka, wala ka pang passport." Nakita ko ang pagngisi niya. At ipinakita sakin ang...

"Tadah! Sinundan kita, hindi mo ba alam na nasa likuran mo lang ako?" Pagkasabi niya nun, napahawak na lang ako sa bibig ko.

"Hindi ko namalayan, medyo nag-alala kasi ako kay Brix." Sabi ko tapos ngumiti na lang sa kanya. Nginitian naman niya ako pabalik at hinila niya ulit ako ng sabihin nang announcer na in 10 minutes aalis na ang airplane papuntang Manila.

***

Nakarating na kami dito sa Manila, Aquino's Airlines. Bumaba na kami ni Bryan ng airplane.

"Bilisan natin" kinakabahan kong sabi ko.

"Huwag kang mag-alala, nag-rent ako ng van para mapabilis ang pagpunta natin pauwi." Sabi niya kaya hindi ko na napigilan na mapangiti ng malaki. Mabuti na lang at dumating si Bryan kundi baka hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

"Thank you" I mouthed. Nag-‘your welcome’ naman siya sakin. At naglakad na kami papunta sa van na naghihintay sa labas ng Airport.

Nang may tumigil na van sa harap namin ay agad na hinawakan ni Bryan ang kamay ko at binuksan niya ang slide door ng van bago niya pa ako inalalayan na makapasok sa loob ng backseat ng van.

"Thanks ulit," sabi ko bago naman siya ang umupo sa tabi ko.

"Let's go na po Manong" sabi ni Bryan kaya naman pinaandar na nung driver ang van at nagbyahe kami pauwi ng condo.

ILANG oras din ang ginugol namin nang makarating na kami sa tamang destinasyon. Agad binuksan ni Bryan ang slide door ng van bago siya bumaba at ako.

"Thanks po Manong" sabi ni Bryan bago sinarado ang pinto.

"Hihintayin ko na lang po kayo sa may parking lot Mr. Bryan." Pagkasabi nun ni Manong ay tumango muna si Bryan bago niya pinaandar ang van papuntang parking lot.

Napatingin na lang ako kay Bryan.

"Kinakabahan ako, ang lakas ng kutob ko Bryan," inilingan lang ako ni Bryan bago nilapit niya ako sa kanya bago niyakap. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa noo ko.

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Where stories live. Discover now