Beomgyu's | 14

645 32 3
                                    

"Huy! Ang lungkot mo tignan kumakain mag isa, samahan na nga kita, naaawa ako." Biglang sumulpot sa harap ko si nica habang sinasabi yan.

Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng makita ko siya na nasa harapan ko ngayon na sinasabayan ako kumain. Ewan ko ba, pero kada na lang nakikita ko siya bigla bigla na lang tumitibok ng mabilis ung puso ko. Pero at least na cocontrol ko pa ren.

"Baliw." Tanging sagot ko lang ang sinabi ko at kumagat sa kinakain kong sandwich.

"Anyway, na pag isipan mo na ba?" Tanong niya, dahilan na napa kunot noo ako.

"Ang alin?" Tanong ko pabalik. Tinaasan niya ako ng kilay at nag salita. "What the heck? Kahapon ko lang sayo sinabi sa chat, nakalimutan mo na agad?" Ani Nica.

"Ung about kay Guanlin hihi." Dagdag niya at kinilig.

Tinignan ko lang siya ng walang ekspresyon. Napansin niya yon kaya tumigil siya at kinunotan ako ng noo.

"Luhh? Bat ang seryoso mo jan? May problema kaba?" Ani Nica na umiling ako bilang sagot.

"Eh bat ganyan mukha mo? Di ka ba papayag?" Tanong niya.

Aaminin ko na ayoko pumayag, dahil hindi naman sa nag seselos ako, kasi un nga ayoko siya masaktan. Kilalang kilala ko si Guanlin, madami na siyang napag laruan na babae dito sa school kaya ayoko naman mangyari kay Nica yon.

Napa buntong hininga na lang ako at sinimula mag salita. "Sorry pero di ako papayag." Wika ko na lumaki ang mga mata niya.

"After all i have done to help you with whatsoever, tapos ngayon na ako ang nang hihingi ng tulong di mo ako tutulungan?" Ani Nica, na nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi naman sa gano--"

"Simple lang naman ang hinihingi ko. Pero kung ayaw mo then i will do it by my own." Sabi niya at umalis.

At dahil don ay naka ramdam ako ng onting guilt sa sarili ko.

Hyper。최범규Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon