Chapter 8

762 20 3
                                    

Chapter 8

 

  

            NAgkagulo na ang lahat. Hindi alam kung saan susuong.

            "Shit lumabas na tayo!" sabi ni marvin na parang litong lito

           "Pano tayo lalabas kung nasa labas yung mga bangkay na yon!" sabi ni predge

          Narinig nila ang mga yabag na ang ibig sabihin ay nakapasok na ang mga ito at

malapit na sa kanila. 

          Blag! Lahat ay napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas.

         "AHHHhhhh!" Sigawan ang lahat

        Kanya kanya na ng takbo ang lahat pero kahit san sila tumakbo ay may mga bangkay

ng lumalapit sa kanila! Kaya lahat sila ay nagsisiksikan sa gitna!

        "Ayoko na! Ayoko na! Hindi totoo to! hindi totoo to!" umiiyak na sabi ni jessa

       "Hawakan mo lang kamay ko ako bahala sayo poprotektahan kita sa abot ng aking

makakaya!" sabi ni predge at hinawakan ang kamay ni jessa

        "Anong gagawin natin?" sabi ni gretel habang nakayakap kay marvin

        "Kailangang may gawin tayo! Mamamatay tayong lahat kung wala tayong gagawin!"

sabi ni marvin at hinawakan ang kamay ni gretel

        "Gretel pag sinabi kong takbo, tatakbo tayo naiintindihan mo?" sabi ni marvin kay gretel

       "Ewan, hindi ko ata kaya tumakbo. Nanginginig ang mga tuhod ko!"

      "Hindi pwede kailangang kayanin mo kung ayaw mong makain ng mga bangkay na yan!

       Dahil sa takot na baka nga kung anong gawin ng mga bangkay sa kanila ay tumango na

lamang siya

       Nang malapit na ang mga bangkay.

      "Takbo" At tuluyan ng hinatak ni marvin si gretel papalabas.

       Binunggo nila ang lahat ng makita nilang mga bangkay. At pag nahahawakan sila nito ay

binubugbog ito ni marvin. Ngunit parang walang nangyayari sa ginagawa nito. Nakakatayo

ulit ang mga ito at pilit silang sinusundan. Pagkakataon naman nila yon para tumakbo.

     Tuluyan na silang nakalabas ng kubo ngunit mas higit na madami ang mga bangkay sa

Mga Taghoy Sa Hating GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon