Chapter 7

792 20 3
                                    

Chapter 7

 

 

              Lumabas si jhon at saktong papalapit si manang issa. Agad nyang

sinalubong ito. Itatanong nya ang mga nakita nila ng nagdaang gabi.

              "Manang issa magandang umaga po." bati ni jhon

              "Magandang umaga naman" sagot ni manang issa

              "May itatanong po kasi ako"

             "Ano ba yun?"

           "Meron po kasi kami nakita kagabi na libing. Ganun po ba dito sa gabi ang libing?"

           "Libing? Wala namang may patay dito ah?"

           "Meron po talaga kami nakita"

            "Alam mo iho tanggapin na natin na may mga bagay talaga dito sa mundo natin ang

hindi kayang ipaliwanag"

            "Ah ganun po ba? Maiba po ako gawa na po ba ang service namin kasi hindi na po

namin matatagalan ang isa pang gabi dito. Mahina po kasi kami sa mga ganyang bagay"

naiiling na sabi ni jhon

           "Naku iho mukhang bukas pa magagawa yung service nyo, pero gagawin daw

lahat nila para magawa nila ang service nyo. Pasensiya na kayo iho sa lugar namin

ha? Kung hindi maganda ang nagiging  karanasan nyo." paumanhin ni manang issa

           "Hindi po ayos lang po yun, nagpapasalamat nga po kami kasi pinatuloy nyo kami sa

bahay ninyo." 

           "Wala sa akin iyon iho."

          "Sige po sabihin ko na lang po sa kanila na baka bukas pa magawa ang sasakyan"

           "Mabuti pa nga iho"

           At tumalikod na si jhon para pumunta sa mga kasamahan nito.

          "Mamayang gabi issa kukunin na natin sila" sabi ng nilalang na nasa likod ni manang

issa

          "Opo kamahalan!" YUmukod na sagot ni manang issa

                

**********

Mga Taghoy Sa Hating GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon