Prologue

315 11 8
                                    

Hatred

ALL RIGHTS RESERVED 2014. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law. Plagiarism is for Losers! 

-AilaRin

 Prologue

I admit I was a fool.

"Oh goodness! Anong ginawa mo sa project ko?" 

Hindi ko sinasadya. Natapunan ko ng orange juice ang book report niya. May tumulak sa akin kaya hindi ko nahawakang mabuti ang orange juice. Hindi ko kasalanan pero ayos lang ito, palagi naman ganito ang buhay ko. Sanay na rin naman ako.

"Sorry! Pasensya ka na talaga. Hayaan mo, ako na lang gagawa ng book report mo!" 

Napakabobo ko noon para sabihin na ako na lang ang gagawa ng book report niya. Nakakainis ang dati kong sarili! Eh wala pa nga siyang nagagawa doon sa report niya, isang page pa lang iyon. Kung alam ko lang na nagpaloko lang pala ako. 

"You should! Tinapunan mo iyan kaya dapat lang na ikaw umayos niyan. I need to pass that one after dismissal. Meet me at the rooftop."

At dahil wala akong alam noong mga panahong iyon, dali-dali akong tumango sa kaniya. Kung alam ko lang na may gagawin pala sila sa akin na hindi maganda...sana hindi ako nagpaloko. 

"Sige! Bugbugin niyo pa 'yan! Sampalin mo pa! Pinahiya niya ako kanina! Tinapunan niya ng juice ang book report ko at namantsahan ang mamahalin kong bag!"

Wala akong nagawa noon kundi umiyak at sumigaw. Pilit akong nagmakaawa sa kanila na 'wag akong saktan pero 'di nila ako pinakinggan. Mga wala silang puso. Natapunan ko lang naman siya pero kung parusahan niya ako parang ang laki ng kasalanan ko. Tinapos ko yung book report niya pero eto pa ang napala ko.

"You even have the guts to come home at this hour, stupid kid?! Do you know what time is it?"  

Mas lalo akong nalungkot nang umuwi ako sa bahay namin. 1:30 AM na noon dahil pagkatapos nila akong bugbugin ay ginamot ko pa ang mga sugat ko. Tiyak mapapagalitan ako kapag nakita akong duguan at sugatan. Pero eto nga, pinapagalitan na ako. Hinatak ako ni mommy palabas ng mansion at pinagsaraduhan ako ng pinto. Wala akong nagawa kundi matulog sa labas. 

Akala ko kasi kaya nila ako hate na hate ay dahil sa pagiging makulit ko noon.

"Mom! Tara punta tayo sa park! Sige na! Sige na! Pleaaaaaase!"

"No! Manahimik ka d'yan, dito ka lang sa kwarto at 'wag kang lalabas! You're an annoying kid!"

Little did I know, my whole life is really covered with hatred from the very beginning.

"You're a bad luck! A black sheep indeed in our family! Die! Die!"

At ngayong alam ko na ang lahat, sisiguraduhin kong ako naman ang magpapaikot sa kanila.  

"Handa ka na ba sa plano mo?! This is the time you've been waiting for all your life, don't waste the chance okay? Just remember, I'm at your back."

"Of course, I'm ready! Sa tagal ko ba namang pinag-planuhan ang bagay na ito... ngayon pa ba ako aatras? I'm no longer that weak fool they used to know because they changed me into a wise demon."

A smirk was plastered on my face..."It's time for exposing my Hatred."

HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon