Chapter 6

243 8 1
                                    

DANIEL

"Mr paranoid bestfriend!" Tawag sakin ni Julia at Miles sa malayo. Tsk mga pang-asar talaga 'tong mga 'to -.- "Uuwi ka na? Di mo man lang kami hihintayin? Porket wala si Kath?"

"Sorry. Dadaanan ko sana siya eh. Di pa rin kasi siya nagtext. Ang dami ko ng texts at missed calls mula pa kaninang umaga pero di naman niya sinasagot"

"Sama kami" Nagnod na lang ako. Naglalakad na kami palabas ng school ng bigla siyang nagtext. Mabuti naman!

From: Pards'Katreng :)

Huyyy. Daming missed calls at messages? Namiss mko agad? Sweet mo naman! :p Doncha worry nakauwi na ko and wag ka na palang dumaan sa bahay. Im fine so wag paranoid okie? :)

"Ah hindi na pala. Nagtext na siya eh"

"Mabuti naman. Para di ka na napaparanoid." Nakangiting sabi ni Julia "Ano bang text niya, pabasa naman kami" At biglaang hinatak ni Miles ang phone ko at binasa nila ni Julia ang text

"Ayiiiiiiiie" Etong mga baliw na 'to. Nang-asar pa :3

"Anong ayie ayie kayo dyan" Kinuha ko sa kanila ang phone ko at naglakad na ko

"Uy Dj, saglit naman. Eto naman! Bakit parang ng highblood mo ngayon?"

"Hindi ah. Maglakad na lang tayo!" Sabi ko sa kanila at naglakad na lang kami. Ang kukulit ng mga 'to. Paano natatagalan ni Kath 'to? Kung sa bagay, si Kath din ubod ng kulit eh. Tsk tsk

Nakauwi na ko ng bahay kaya naman naisipan kong itext si Kath dahil hindi ko siya nareplyan kanina dahil kina Julia

To: Pards'Katreng :)

Pards, saan ka nga pala nagpunta? Btw nakauwi na ko. Gusto sana kitang daanan eh.

Nakapagbihis na ko ng pambahay at itong babaeng 'to eh di pa din nagrereply. Tsk. Ano bang meron ngayong araw at bakit di siya nagrereply? Samantalang dati pag nagtetext ako nagrereply naman agad siya. Kaya nag-aalala talaga ko dito eh.

Naboboring na ko kakahintay sa reply niya pero wala pa din. Tumayo ako sa kama at hinagis ko yung phone ko sa kama ng biglang nagring kaya nagmadali akong bumalik sa kama para tignan.

From: Quen

Tol, sama ka? Gala tayo! :D

Si Quen lang pala. Akala ko naman si Kath -.-

To: Quen

Kayo na lang tol. Tinatamad ako ngayon eh.

Im inlove with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon