Chapter Fifteen

1.5K 39 4
                                    

Chapter Fifteen

Kelly's POV

Dalawang araw ng nakakalipas nang makipagkita ako kay Andi. Nakapirma na rin ako sa kontrata. Good for 6 months ang kasunduan namin ng agency niya. On call lang naman ako kaya ayos lang.

"Good Morning Ma'am." The guard greeted me. I smiled bilang pagtugon and I walked inside.

Guess where I am right now? Hmmm. I'm here where Jacob's working.

Naalala niyo pa ba ang unang punta ko dito. Nang sabihin ko na magloloan ako. Nah! Hindi ko na gagawin yon. I have a better plan.

"Hi, Can I talk to Mr. Salvador, your manager?" I asked the teller. I know he's here pupunta ba ko dito kung wala. May informant ako dito.

"Wait, I'll check kung andyan po siya. What's your name, Ma'am?"

"Kelly Jene Park." I said and umalis siya para tingnan siguro kung nandyan ang boss niya. Ako nga alam nandyan siya tapos ang worker dito hindi alam. Tsk. It's not a good attitude. If I where him. I'll fire that girl.

"Ma'am, nandito pa si Sir. Follow me." Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. I rolled my eyes bago sumunod sa kanya.

Maya maya kumatok siya sa pinto at binuksan ito ng may nagsalita sa may loob.

Tiningnan naman ako ng teller na sinasabing pumasok na daw ako. Kaya humakbang naman ako papasok.

Nang makita ako ni Jacob ay tumayo siya sa pagkaka upo at ngumiti. I smiled back.

"Hi, Kelly what brought you here?" Tanong niya habang lumalapit siya sa akin.

"I want to tell you something." I answered.

Tumango tango naman siya. "Upo ka." Sabi niya habang nakatingin sa upuan sa tapat ng kaniyang table. Umupo naman ako at umupo na rin siya.

"I want to tell you personally na hindi ko na itutuloy ang pagloloan ko." Sincere kong sabi. He smiled at me and nodded.

"I'm really sorry, Jacob. Hindi natuloy ang project na gagawin ko." Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa may table.

Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. What? It's just a simple gesture.

"Uhh. Its okay, Kelly. Do you want something? Juice? Coffee?" Pasimpleng niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ko.

He's hard to get ha! He's challenging me.

"Hmm. Juice please." Naka ngiting sabi ko.

"Aira!" Tawag niya kung kanino man. May babae namang pumasok sa office.

"Yes, Jacob? By the way tumawag si Sandra hinahanap ka na naman." She rolled her eyes. I smell something. Hindi niya rin siguro ako napansin dahil hindi man lamang niya ko sinulyapan.

"I'll call her later. Please pakitimpla na rin si Kelly ng juice."

"Hi, Ma'am Good Morning." Kita sa mukha niya na ngayon nga lang niya ko napansin.

Ngumiti ako at inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Hi, I'm Kelly and you are?" I asked her.

Nagulat siya sa ginawa ko. Nakipagkamay rin naman siya at ngumiti ng makarecover sa gulat.

"I'm Aira Santos, Ma'am. Secretary po ni Jacob -- este ni Sir Jacob." Sagot niya. Mukhang close sila ni Jacob. Hmmm..

I can feel it. May galit siya kay Sandra the impakta. Sabagay mukha pa lang noon kagalit galit na.

Revenge for My Bestfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon