Reflection 8

24.1K 745 402
                                    

Reflection VIII

 

-Ryan-

                This is the life I choose. Pero bakit hindi ako masaya?. There is an imaginary hole in my heart and I don’t know how to fill that. Para akong isang puzzle na kulang ng isa kaya hindi mabuo. Or a labyrinth na walang pintuan palabas.

                I was scribbling something on a smooth paper pero wala naman doon ang focus ko. Dapat ginagawa ko na ang mga plate ko na ipapasa ko sa Professor dahil malapit na deadline niyon but here I am nakatingin sa hangin na para bang sa pamamagitan lang ng pagtingin doon magkakaroon ako ng X-Tray Vision at makikita ko ang invisible air.

                I put my right hand under my chin and look at the window. May dalawang ibon akong nakita na nakadapo sa sanga and guess what they were doing?. Son of a bitch! Bakit sa mismong harapan ko pa nila naisipang mag-flirt!. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang urge ko na batuhin sila ng kinuyumos na papel.

                Man, I really had a major problem in my head dahil pati nananahimik na ibon pinag iinitan ko. Ah, siguro nga totoo ang kasabihan na Misery loves company. And I am the miserable person who wants to drag every damn couple I see.

                The door in my room opens, sumungaw ang bunsong anak ni Ate Cielo na si Nash. He’s four years old by the way. Ang cute cute nya dahil yung pisngi nya sobrang taba, his lips were full na kahit babae maiinggit at yung buhok nya parang cherubim sa pagka-curl. Para syang 4-years old version ni Baby Zion yung anak ni Richard Gutierrez and Sarah Lahbati.

                Hindi ko tuloy maiwasang mangiti ng makita sya. Alam kong eighteen pa lang ako and a teen pero kung ako ang tatanungin gusto kong magkaroon ng anak na katulad nya. Nakakatawa lang dahil si Jade ang biglang pumasok sa isip ko.

                  Too bad huh, imposible na kasing mangyari.

                “What’ you doing Unca YaYan?.” Nash asked me.

               See? He is an angel. Matatas na magsalita si Nash kahit four years old pa lang, yun nga lang medyo nahihirapan syang bigkasin ang pangalan ko kaya imbes na Ryan ay ‘Yayan’ ang tinatawag nya sa akin.

               Dito muna ako kanila Ate Cielo nag sstay for the mean time habang wala pa kong nakikitang Apartment. Pinagamit muna ni Ate Cielo ang kwarto ni Nash sa akin habang nandito ako. About sa boarding house naman na tinutuluyan ko noon, para na kasi akong tinabangang bumalik pa doon. Siguro dahil na rin sa wala akong privacy na higit kong kailangan ngayon.

                Kung andito si Jade, siguradong iinisin na naman nya ako. “Unca YaYan? hindi ba iyan ang version ng Rock and Roll kapag may na-eextrang Tribo sa pelikula, alam ko madalas nila iyon kantahin habang sumasayaw sa bonfire. Unca Yayan…” and then tatapikin nya ng ilang ulit ang bibig to create a sound. Yung sound na para kang kumakanta sa harapan ng electric fan.

              Tatatasan ko lang sya ng isang kilay habang si Nash naman manghang mangha  sa ginagawa nyang sound. Napapatapik nga rin ito sa bibig eh.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon