Interview with Detective Conan
LittleThinkerGirl: Hi, guys. Since wala pang nagsu-suggest at nagse-send ng questions sakin. Ako muna ang pumili ng i-interviewhin natin ngayon. Ok lang kung uulitin yung character na i-interviewhin basta iba yung mga questions sa naunang interview. And now ang kasama natin ngayon ay si Detective Conan. Hi, Conan!
Conan: Hi!
LittleThinkerGirl: Ano sa tingin mo ang da best na kaso no nahawakan mo?
Conan: Hmm… Ang da best na kaso? Wala pa. Halos lahat naman ng kasong nahawakan ko ay nakaka-excite!
LittleThinkerGirl: Eh… Kung ikaw ang papipiliin? Ano yung kasong da best hawakan para sayo?
Conan: Ah! Yung gusto ko eh, yung bawat minuto may namamatay! Ayun yung kasong talagang da best hawakan!
LittleThinkerGirl: Grabe ka naman. Parang mas natutuwa ka pa pag may namamatay.
Conan: Ano ba yan! Ikaw na nga tong nagtatanong ng kung ano ano sakin, ikaw pa tong nagrereklamo sa sinasagot ko!
LittleThinkerGirl: Hehe… Sorry. Ok. Next question. Sa tingin mo, magiging sikat parin si Kogoro kapag hindi mo na sya tinutulungan sa pagi-imbistiga?
Conan: Sa tingin ko magiging ok naman sya. Kapag ginagamit nya utak nya sa pagi-imbistiga. Pero as if naman na ginagamit nya utak nya, diba? Hahahahahaha!!!!
LittleThinkerGirl: Hahaha! Correct ka dyan!!! Hahahahaha!!! Ok. Next question. May feeling ka ba kay Haibara?
Conan: Ano?! Wala, noh! Si Ran lang ang nasa puso ko! Wala nang iba pa!
LittleThinkerGirl: Weeeeehhhhh? Nahihiya ka lang kaya ayaw mo i-admit!
Conan: Hindi ko nga sya gusto no! Change topic!
LittleThinkerGirl: Conan and Ai, sitting in a tree! K-I-S-S-I-N-G!
Conan: Tumigil ka nga!
LittleThinkerGirl: Fist comes love! Then comes marriage! Then comes baby in a baby carriage!
Conan: Ayako na! Walk out na ako dito! *walkout*
LittleThinkerGirl: Hayaan mo! Kapag na-interview naming si Ai, sasabihin ko crush mo sya!
(mula sa malayo) Conan: Ampo***!
LittleThinkerGirl: Hala! Bad ka! Rated PG lang tayo! Ok, bye everyone! Remember, wag kayong mahiya na i-send sakin ang suggestions at questions nyo! Ipo-post ko agad ang chapter na yon para sa inyo! Bye!
YOU ARE READING
Interview with Cartoon Characters
HumorMga kuwelang interview kasama ang ating favorite cartoon characters! Suggest and send a question now!
