Chapter Three: Freshmen's Night

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ang aga-aga nakabusangot ka? May problema?" 

"Ah wala, masama lang gising ko"  totoo naman eh dahil sa naalala ko na naman yung bwisit na mayabang na makapal ang mukha ng lalaking iyon.

"ahh. Bak---" Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya sakin dahil alam niyang ayoko ng may nangungulit sa akin kapag masama gising ko..

*buntong hininga* siya

Lay POV:

Naglalakad ako papasok ng school ng makita ko si Zhianz na magkasalubong ang dalawang kilay. Ano kaya nangyari? May problema kaya?

Sumabay ako sa kanya sa paglalakad papuntang room...

"Good Morning!" hindi niya ako pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad

""Ang aga-aga nakabusangot ka? May problema?" tanong ko at baka sakaling pansinin na niya ako at hindi ako nagkamali....

"Ah wala, masama lang gising ko"  bakit kaya??

"ahh. Bak---" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng maalala kong ayaw niya pala ng may nangungulit sa kanya kapag hindi maganda ang gising. *buntong hininga*

Nang makarating kami sa room agad siyang umupo ...

"Anong nangyari dun?" tanong ni Lia sabay nguso kay Zhianz

Nagkibit-balikat nalang ako saka umupo. Hindi ko naman siya masasagot dahil hindi ko rin alam kung anong nangyari.

"Mukhang hin----" magsasalita pa sana siya kaso dumating na yung teacher namin kaya umupo nalang din siya

"Good Morning Class!" bati ni Mrs. Dizon

"Good Morning too Ma'am!" bati namin pabalik

"Class, ireremind ko lang kayo about sa pagwe-welcome sa mga fresh mamaya..." oo nga pala mamaya na yun "....magi-start yung party ng 5 pm to 9 pm lang... and dahil kayo ang nag-organized, required kayong umattend mamaya sa party para mag-asist sa mga freshmen at para makapagsaya kayo bilang bawi sa pagod ng one week" paliwanag ni Mrs. Dizon

"Yeeeeees!! Party party!!"

"Wooooohooooo!!"

"Excited nako mamayaaaaa!!"

sigaw ng mga classmates ko..

"Class. Class" natatawang suway sa amin ni Mrs. Dizon at tumigil naman sila

"Ah Mrs. Dizon, ano pong isusuot namin? " tanong ng isa kong classmate. Oo nga noh

"Ah yeah, muntik ko ng makalimutan buti na lang pinaalala mo. Anyway, yung isusuot nyo is semi-formal. At dahil ngayon lang naiannounce sa inyo, napag-usapan namin sa office is half day lang ka-----"

The NBSB meets the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon