Mabuti na lang at nakita ko kaagad ang pinto palabas. Finally ay makakatakas na rin ako dito.


Tumakbo ako palabas ng pintuan pero bigla akong natumba dahil sa may tumamang kidlat sa akin. Halos mapasigaw ako sa sobrang sakit, tinignan ko ang taong gumawa nito sa akin at hindi nga ako nagkakamali na si Zeus ito, dahil siya lang ang may kayang gumawa nito.

"I said I won't let you escaped, you didn't listen to me. Look at you now, you look pity and weak." madiin na sabi nito sa akin.

Kahit na nanghihina ay sinubukan ko pa ring tumayo at tumakbo.

"Still trying to escape?" sabi niya at tumakbo papunta sa akin.

A lightning appeared on his hands and it formed like a whip.

Ipinaikot ikot niya ito sa hangin bago ipunta sa akin. The lightning whip circle around my ankle, wrapping it. Hinila niya ito na sanhi ng pagkatumba ko.

"No, no, no." Sinubukan kong kumapit sa sahig nagbabakasakaling may makapitan.

Hinila niya ang whip kasama ako, halos magdugo ang tip ng mga daliri ko dahil sa pilit kong kumakapit kahit gumagasgas na ito sa sahig.

Bumitaw ako sa sahig at pinatamaan siya ng ice spikes, biglang naglaho ang lightning whip niya dahil sa pagkadistract.

Agad akong tumayo, hirap man ay pinilit ko paring tumakbo hanggang sa makaabot ako sa dulo ng bangin at mabatong ilog na ang nakikita ko sa ibaba.

Mabilis siyang nakahabol sakin at tumigil sa di kalayuan sa akin nang mapansin na humakbang ako paatras malapit sa bangin"You will die if you jump there." warning niya sa akin at sinenyasan ako ng stop.

Dahan dahan akong naglakad palikod hanggang sa maapakan ko na ang pinakadulo nito.

"I would rather die than being tortured by you people." galit na sabi ko sakanya.

Mom, dad I love you.

Ipinikit ko ang mga mata ko at umatras ulit hanggang sa mahulog ako.

Ginamit ko ang water ability ko para ipunin ang mga tubig na magsisilbing cushion ko sa pagbagsak, pero dahil sa nanghihina na ako at walang natitirang lakas ay hindi parin ito naging sapat.

Naramdaman ko na lang ang masakit na pagbagsak ng katawan ko sa tubig at ang pagtama ng ulo ko sa bato. Nawalan na ako ng malay.



---

Nagising ako sa gilid ng isang lawa, umuulan ng nyebe at nababalutan rin nito ang kapaligiran pero dahil sa isa ito sa ability ko ay hindi man lang ako nakaramdam ng lamig.

Where am I?

Lagi na lang akong napapadpad kung saan saan iniisip ko kung panaginip ba ito o hindi kaya kinurot ko ang sarili ko upang makasigurado at dahil sa nakaramdam ako ng sakit ay nasiguro ko na hindi nga ito panaginip.

Hawak hawak ang ulo kong dumudugo ay tumayo na ako at nagsimula ng maglakad upang mahanap ang daan pabalik, hanggang sa mapadpad ako sa gilid ng nagnye-nyebeng gubat.

May isang itlog na kasing laki ng ulo ng isang tao ang nakalagay roon, sa gitna ng itlog ay may mala-crystal na kulay asul na bato. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ang may ari ng itlog na to dahil sa kakaibang itsura nito at wala man lang kahit ano ang nagbabantay rito.

Maya maya lang ay bigla itong napisa, inabangan ko ang paglabas ng nilalang mula sa kanyang itlog upang malaman kung anong klaseng nilalang ito.

Unang lumabas ay ang puti nitong pakpak na kasing kulay ng niyebe, sunod ang mga kamay nitong may matutulis at mahahabang kuko, pagkalabas ng ulo nito ay dun ko nalaman kung ano ito.

"Frost dragon"

Meron itong kulay asul na mata at makaliskis na katawan, bigla itong bumahing at lumabas ang mga ice particles sa bunganga nito. Tumingin ito sa akin at pinagmasdan ako. Nabigla ako ng umalis ito sa pwesto nito at naglakad papunta sa akin. Ikiniskis nito ang ulo nito sa paanan ko na para bang ako ang kinikilala nitong ina.

Muntik ko ng makalimutan na kung ano o sino ang unang makita ng dragon ay iyon ang tuturingin nitong ina.

Ako ang una niyang nakita kaya akala niya ay ako ang kanyang ina.

What have you done Josephine? Hindi ka pa nakakabalik sa Winterhold may bagong problema ka nanaman.

Sa huli ay pinili ko paring kunin ang dragon, pero bigla itong bumalik sa itlog. Ang akala ko ay ayaw nitong sumama sa akin pero yun pala ay kinuha niya lang ang bato sa itlog saka bumalik ulit sa akin. Ibinigay niya sakin ang bato at pumatong sa balikat ko, ibinulsa ko na ang bato at nagsimula muling maglakad.



***

Sorry kung natagalan sa pag update, sana magustuhan niyo.

(Sorry na agad kung may typo o wrong grammar, hindi ako perpektong writer okay.)

Note: Don't forget to vote and comment.





KillerKnight

The Hidden GoddessWhere stories live. Discover now