Chapter 1

41 3 0
                                        


Thank you very much blackroguex, for the nice cover. This part is for you. ❤😊

"Eat only fruit, don't forget that Faber. Okay?"

Tumango ako sa sinabi ni Mommy dahil ilang beses ko nang narinig ang katagang iyan. I suffered from a rare disease which I only allowed to eat fruits. Kapag kumain ako ng ibang pagkain, nagkaka-rashes ako at sumasakit ang tiyan pagkatapos masuka ang bawal na mga pagkain.

Humalik ako sa pisngi ni Daddy nang makababa ako sa sasakyan. Hindi rin ako umaaasahang may nakaabang na mga kaibigan sa gate. Inilayo ko ang sarili sa mga tao maliban nalang sa pamilya para hindi maging pabigat.

Isang tao lang ang gusto kong mapalapit sa'kin.

Si Demax.

Isa siya sa mga hinahangaan ko dahil sobrang talino niya at pagdating sa pagbabasketbol. As in, very much.

Kaya naman nang nakita ko siyang papalapit sa'kin habang sinusuklay niya ang kanyang gamit ang kamay niya at kakatapos lang nila magbasketbol, kinabahan kaagad ako. Isang beses lang kami nag-usap, hindi ko matandaan ang pinag-usapan namin dahil lutang ako noon.

"Mag-isa ka lang?" Tanong niya.

"H-ha?" Lumingon ako sa magkabilang gilid ko para makumpirmang mag-isa lang ba talaga ako bago ako sumagot.

"Ah! Oo."

"Una muna ako, uhaw e. "

Sinuklian ko siya nang ngiti at hindi na sumagot pa. Wala akong maisip na sagot bukod sa 'ah..'  'oo'  'gan'on ba'.
Ilang minuto nang makalabas siya ay lumabas rin ako. Binuksan ko ang bag ko para kunin ang prutas na siyang tanging baon ko bukod sa pera. Napapikit ako nang hindi ko makita sa bag. Hindi pwede! Nagugutom pa naman ako dahil sa pag-uusap namin ni Demax. Nooooo!

Naglakad-lakad ako, nagbabasakaling baka nahulog iyon sa dinadaanan ko kanina. Pero nang nakarating ako sa pinakalikod ng campus kung saan merong mga puno, ay nawalan na ako ng pag-asa. Hindi pwedeng hindi ako makakain dahil magugutom ako tapos 'pag nagutom ako, mamatay ako!

Pabalik na sana ako nang makasinghot ako ng amoy ng prutas. Humakbang ako, paunti-unti hanggang makakita ako ng lalaking inonsenteng kumakain ng strawberry. Ang buhok niya ay mala-korean pati mukha niya. Pero 'di ko gusto ang mga iyan. Mas gusto ng mga hotties.

Sa tingin ko'y hindi niya napansin na narito ako kaya humakbang ako papalit sa kanya. Nakayuko pa rin siya habang kumakain. Nang makalapit ako sa kanya ay hindi pa rin niya inaangat ang tingin niya sa'kin. Snob.

"Hoy."

Nainis ako nang hindi niya ako pinansin. Tinampal niya ang kamay ko nang nagtangka akong kumuha ng strawberry mula sa tupperware.

"Magnanakaw." kalmado niyang tugon sabay patuloy ng kain at kyut niya. Hmp! Hindi ko gusto ng kyut na matakaw.

"Hindi ako magnanakaw, kinukuha ko lang."

Napaangat siya ng tingin at nakakunot ang noo niya. Para tuloy siyang kuting na inagawan ng pagkain. Kyut! Pero gusto ko 'yong mala-hollywood star.

"Stupid."

Napasinghap ako sabay duro sa kanya.

"A-ano!? Ako pa ang stupid!? Ikaw nga 'tong matakaw e."

Hindi siya sumagot bagkus ay sinara ang tupperware sabay bitbit noon. Napaatras ako nang tumayo siya dahil ang tangkad niya. Maputi ang kanyang balat, singkit ang mga mga mata, mataas ang pilik mata, mapula at manipis ang labi.

Indubitable FancyWhere stories live. Discover now