••Chapter 5••

Börja om från början
                                    

"Gagu! Ao, marunong ka palang mag English? P*ta hindi kami na inform." Sabi ni Kiddo sabay tawa nila ni Jamm.

"T*ngina mo! Ano akala niyo saken, illiterate?" Sagot naman ni Ao at nakisabay na din sa tawa nung dalawa.

At dahil sa tawang yun nakuha nun ang attensyon nina Levi at Riou-san. Iba talaga ang bunganga ng mga to. Parang mga nakalunok ng megaphone.

"Oh! Dylan-chan! Riou niisan, look it's Dylan-chan!" Sabi ni Levi na kumakaway pa saken kaya napakaway na din ako.

"Luh! Mga pre, papunta sila dito. At parang close sila ni Dylan... ka inggit naman." Sabi ni Kiddo na matamang nakatingin sa papalapit na dalawang mga lalaki.

"Gosh, Dylan, kilala mo ba yang kasama ni senior Levi?" Tanong naman ni Mira na kita na ang dalawang puso sa mga mata.

"Dylan-chan!!!" Nagulat ako ng bigla na lang ako yakapin ni Levi ng makalapit sila sakin.

"Levi-kun?"

"Ahaha!" Napakamot na lang siya sa ulo niya ng makabitiw siya sa yakap. "Sorry, I'm just too happy to see you."

"Ohayo, Dylan-chan." Good morning. Nakangiting sabi ni Riou-san.

Kagabi ko pa nahahalata to. Tuwing ngumungiti ang mga magkapatid na Alexandrov nagiging magkamukha sila. Hindi mo naman kasi masasabing magkakamukha silang lahat. Si Haru at tsaka si Riou-san ang magkamukha. Habang sina Ayato naman at Yusei-san. Si Levi naman parang pinaghalo nilang apat. Pero kapag ngumiti sila nagiging magkamukha sila.

"Good morning, Riou-san, Levi kun. Anong ginagawa niyo dito sa mall?" Tanong ko sa kanila.

Riou-san chuckled. "It's our bonding actually. We all came here but we kinda separate ways. We're with Haru but he bought something."

"Hinihintay niyo ba siya? Kung ganun dito na muna kayo umupo." Offer ko sa table namin.

"Salamat." Sagot ni Riou-san at tumabi sa tatlong loko-loko.

At dahil mas malapit sa kanya si Kiddo grabe agad ang react ni Kid. Nakayakap ang isang braso ni Ao sa beywang ni Kid at dun naman kumakapit si Kid. Habang si Jamm naman nakapulupot ang mga braso kina Kiddo at Ao. You know parang pinoprotektahan niya ang dalawa. Grabe din kung makatingin ang tatlong to kay Riou-san.

"Pare, wag kang mag-alala poprotektahan ka namin ni Ao sa gwapong nilalang na yan." Sabi ni Jamm.

"Oo nga. Baka anghel yan at sinusundo ka na. Wag kang mag-alala, brad, hindi ka namin ibibigay." Sabi naman ni Ao na ikinatigil nilang tatlo at nagkatinginan.

"Sa langit ako pupunta? Hindi ko inaasahan yun ah." Komento ni Kiddo.

"Bobo! Off limits ang mga kagaya mo sa heben! Mag tiyaga ka na lang muna sa impyerno, brad." Sabi naman ni Jamm.

"Yeah. Kokontakin pa namin si San Pedro kung pwede ka bang pumasok sa langit." Sabi pa ni Ao.

"Mga sira! Eh may contact number ba kayo ni San Pedro?" Tanong ni Kiddo.

"Wala eh." Sabay na sagot nina Ao at Jamm.

"Haay... naku! Text mate kami nun." Pagmamayabang ni Kiddo na sinakyan naman nung dalawa.

Napabaling naman ang attensyon ko kay Levi ng tumawa siya sa tabi ko. "You have a funny friends, Dylan-chan."

Ngumiti lang ako kay Levi. Eh hindi ko naman mga kaibigan yan. Salot lang ang mga yan at sumama sama pa samin ni Mira.

"Hello, Levi-senpai, I'm glad to see you here." Sabi ni Mira habang galak na galak na nakatingin kay Levi.

"Hi! My pleasure." Then there goes Levi's cute smile.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu