CHAPTER ONE "Sawi High"

4 1 0
                                        

GAIL'S POV

"Oy Shantelle sure kabang dito ang daan?" tanong ko habang naka hawak ng stick panghampas sa mga Dahong nakapaligid.

"Oo nga, Bakit ba kasi ayaw niyong magtiwala!" Sabi ni Shantelle. Si Shantelle Psyche ang nagiisang may hawak ng mapa papunta sa distination namin.

"Matagal paba tayo? Ang dumi-dumi ko n-" kanina pa ako tanong ng tanong kaya siguro na bother narin sila sakin, diko namalayan na nabangga na pala ako sa likuran ni Justin ng bigla nalang silang huminto.

"Wow ang laki ng School nato!" Nanlaki ang mga mata ni Alexander at Fern sa Nakita nila. Sino nga bang hindi ma aamaze sa paaralang mukhang isang malaking Palasyo. Medyo makalawang na ang gate pero okay parin.

"Pasok na tayo guys, can't wait!" sabi ni Fern na kanina pa nag seselfie. May isang guard na nakabantay sa Gate. Medyo makulimlim sa labas ng Building kaya di mo masyadong ma appreciate ang mga design nito. Dinala kami ng guard sa isang office kung saan naroon ang principal. Atat na atat na kasi kaming magpa enroll. Sa loob ng Office may makakikita kang napaka grandeng designs at mamalahing Chandeliers. May nakatayong babae sa Window, siguro principal na namin yun.

"Oh, Hello everyone, I am Madam Vernales Zeil principal ng Sawi High for almost 40 years i spent my life here at school na para bang bahay ko na to. Anyway, You can register now." inabot niya sa amin ang isang form na agad din naman naming finilupan.

"Welcome to Sawi High!" sabi ni Madam Vernales. Napahalakhak siya pati ang guard, weird. Pumasok na kaagad kami sa dorm namin para makapaghinga.

"Hindi ba kayo na weirdohan kay Madam Vernales?" tanong ko na ikinagulat ng lahat.

"Ang cool niya kaya!" sabi naman ni Alexander. Lumabas ako kasama si Shantelle dahil sa na cu-curious ako kung ano nga ba ang nasa labas ng Building namin. Its already 6 pm kaya madilim dilim na.

"Alam mo, bumalik nalang kaya tayo? Im so scared gail!" takot na takot na sabi ni Shantelle. Diko aakalaing ganito pala ang school nato, maraming mga puno ang nakapaligid at parang ni isang studyante ay wala kang makikita. Tumunog ang Bell na diko alam kung ano ang pinapahiwatig. Biglang nagiba ang ihip ng hangin na para bang may mangyayaring masama. Bumalik
kaagad kami sa Dorm namin ng biglang maymarinig kaming babaeng sumigaw.

"ahhhhhh" nanginginig ako sa takot pero diretso lang ang lakad ko papunta sa Dorm namen. Ano nga bang nangyari kanina?

KINABUKASAN

Nagising ako ng maaga para makapaghanda ng almusal. Parehas kami ng schedule ng mga barkada ko kaya sabay sabay narin kaming naglakad sa Hallway.

"Sa tingin niyo, ano kaya ang kaibahan ng school nato sa isang ordinaryong school?" tanong ni Alex.

"Sa tingin mo ba alam ko? Huwag ka ngang tanga! One day pa kaya tayo dito. " sagot ni Fern. Ilang minuto rin kaming naglalakad papunta sa room namin. Kakaiba ito kumpara sa ibang school, may mga estudyanteng umiiyak at ang iba naman poker face. Diko namalayang pumasok na pala ang Teacher namin, normal lang naman yung klase namin na para bang walang kakaiba hanggang sa may nag flash sa Screen. Si Madam Vernales..

"Good day  everyone! I have a big announcement. We will be having our Foundation day tommorow at the Gymnasium. Don't worry di kayo mabobored dahil sa mga activities, see you there." - madam Vernales. Feeling ko magiging masaya ang party nato.

SOMEONE'S POV

Isa sa pinaka ayaw ko talaga ang foundation day, nagiging weird ang mga tao at sa Foundation day exactly napatay ang Best Friend ko, I don't know kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya basta ang alam ko lang babae ang pumatay sa kanya. Hindi ko akalaing may bagong kaklase na naman ako. I thought wala ng magpapa enroll dito dahil sa kababalaghang bumabalot sa school. Nasa huli ang pagsisi.

JUSTIN'S POV

Ni isang masayang studyante ay wala akong makita. Napaka weird talaga dito. Tumayo ako at pumunta sa front.

"Hi everyone I am Justin Montenegro, Smile naman kayo guys!" nakangisi ako  habang humahalakhak naman ang mga barkada ko.

"Walang rason para maging masaya kami." sagot naman ng isang babae na kanina pa nakasimangot.

"Oo nga, kasi minsan kapag palagi tayong masaya di na natin namamalayang niloloko na pala tayo,masyado kasi tayong  comportable." No wonder bakit ito tinawag na Sawi High. Pumasok na ang Prof namin na kaagad kaming sinabihang lumabas papunta sa Gym.

GAIL'S POV

Nakapagtataka kung bakit kami pinapunta sa Gym. Punong puno ang Gym na ikinagulot ko. Nagpalak pakan ang mga Studyante ng Umakyat na si Madam Vernales sa Stage.

"I know many of you are wondering bakit ko kayo pinatawag dito. Ngayon na Tayo mismo mag eelect ng ating SSG Officers. Any nominees? " sabi naman ni Madam Vernales.

"I nominate Daniel Gomez for President!" sigaw naman ng isang girl. Naghihiyawan ang lahat na para bang nakakita ng artista. Kaagad namang umakyat sa Stage si Daniel. Tatayo na sana ako ng bigla kong narinig ang pangalan ko. what the?

"I nominate Gail Mondragon for President!" sigaw naman ni Justin. Hinapak ko siya, pero humalakhak lang ito. I can't do this. Tumayo ako para tumakas pero Tinawag ako ni Madam Vernales, ngumuso lang ako habang paakyat sa Stage.

"Ngayon ay malalaman na natin kung sino nga ba ang karapatdapat maging SSG PRES. Gusto kong sabihin niyo sa lahat kung bakit kayo ang karapatdapat manalo as a SSG PRES."  isa ito sa mga bagay na ayaw na ayaw ko sa lahat, hindi pa naman ako marunong mag public speaking. Umuna ng sumagot si Daniel na siguradong hahangaan ng lahat. What ever.

Sawi HighStories to obsess over. Discover now