"Parang familiar siya sakin." tanging sagot ko lang.

"Paanong pamilyar eh mukhang bago lang dito yun."

"Di ko alam Stacey it's just parang nakita kona siya somewhere."

"Naweweirduhan na ko sayo teh." napapailing na sabi niya.

"I'm just telling the truth here." iritadong sabi ko sakanya.

"Chill kalang tara na nga at baka nagsisimula na ang Exam." sabi niya tsaka hinila na ako.

Pero di ko pa din makalimutan ang pamilyar na mukha na nakabangga ko kanina.

Pakshet ginugulo mo masyado isip ko.

Makilala lang talaga kita pagsisihan mong inisnob mo ako.

"Wag mong sabihin na crush mo yun." nakangising sabi ni Stacey.

"Are you fucking crazy."

"Malay ko bang naiinlove kana." pang-aasar niya pa.

"Pwede ba Stacey tigilan mo na ko." singhal ko sakanya tsaka iniwan siya.

"Hey wag mo kong iwan." sigaw niya pero di ko na siya pinansin.

Bahala ka diyan sa buhay mo.

Naglakad na ko papuntang room ng sumalubong sakin si Andrea.

"Goodmorning Criszette." ngiting-ngiti na salubong niya sakin.

Ningitian ko lang siya tsaka hinanap ng paningin ko si Kuya.

Oo nga pala!

Di nga pala namin ka-grade level yun.

"Kuya naman ih. Nasaan ba kasi si Andrei." batid kong boses ni Serena yun at paniguradong nandiyan na sila ng abno niyang Kuya.

"Malay ko. Tayo kaya ang magkasama mula pa kanina." iritadong singhal ni Keiron sa kapatid.

"Tsk nagtatanong lang naman ih. Malay koba kung alam mo diba." nakasimangot na sagot ni Serena."Tsk bahala ka nga diyan isusumbong nalang kita kay Ina at Ama at sasabihin kong sinusungitan mo ko." sigaw ni Serena sakanya tsaka umalis at pumunta sa upuan niya.

Ang aga-aga ng magkapatid na to e.

Maya-maya pa nagdatingan na rin yung iba at nag-ingay na.

Syempre ang maiingay na barkada ni Keiron este ang maingay na si Miguel at Joshua.

Tapos sinabayan pa ng bunganga ni Andrea at Serena.

Maya-maya dumating na si Prof. Gema ang Class Adviser namin.

"Okay class in just few minutes magsisimula na ang 1st semester exam natin. Ginagawa ito para sa magiging rank niyo next semester at bagong kabibilangan niyong section which is may apat na klase ng rank. Ang una ay Epic I." saglit na tumigil si Prof. Mukhang hiningal.

Mala-Mobile Legends ayos to.

Mukhang mageenjoy ako.

This is just my first year while kuya was in the second year dahil nga mas matanda siya samin.

"Ang Epic I ay eto ngayon kung nasaang rank ka ngayon which is nagsisimula palang kayo. Next is Epic II for the next semester kaya kailangan maipasa niyo ang exam na to. Dahil once na maibagsaka niyo to ay uulit at uulit kayo sa Epic I. And next was Epic III for second year in the first semester and pagnagsecond semester na sila Epic IV na pagnareach mona yan iba naman ang kahaharapin mo for 3rd year and 4th year which is doon niyo na malalaman pagnarating niyo na yan. Ang 3rd year at 4th year ay hindi dito sa Ainabridge nagaganap kundi sa isa pang Academy ang Academy ng Amiandre." paliwanag pa niya. Kaya pala halos uunti lang estudyante dito nasa Amiandre pala ang 3rd year at 4th year.

"Ah yun nga po kwento samin ni Ina at Ama." sagot ni Jameson.

"Kaya ihanda niyo na mga sarili niyo sa exam na ating sisimulan maya-maya lang." nakangiting sambit ni Ma'am.

"At bago tayo magsimula gusto ko lang ipakilala sa inyo ang bago niyong kaklase." nakangiting announce niya pa.

Sa araw ng exam talaga naks ang lakas mo dre.

Nakita kong sinenyasan ni Prof yung estudyanteng mukhang kanina pa nag-aantay sa labas.

Halos manlaki mata ko ng makita siya.

Siya yung nabangga ko kanina ah.

"Ikaw yung nakabangga namin dati ni Criszette diba." nagulat ako sa boses ni Keiron.

Kaya napalingon ako sakanya.

Oo nga noh kaya pala parang pamilyar siya sakin.

"Ah eh ako nga yun. Hi guys I'm Drake from Amians." nakangiting sabi niya at yung ngiting yun ang nagpataas ng balahibo ko.

Parang may mali e. May mali talaga.

Di ko madistinguish e.

"Ayos kalang Criszette." kulbit sakin ni Stacey napailing nalang ako dahil nakatitig sakin si Drake at di ko alam kung namamalikmata lang ako pero ang itim ng aura niya.

Oo nakangiti siya pero yung aura na bumabalot sakanya puno ng galit at hinagpis.

Takte.

Pagikaw nakilala ko at nalaman ko kung anong itinatago mo.

I'll be your worst nightmare dude.

Tsaka ningisian ko din siya pabalik.

'May oras ka para maggive up at umuwi sa Zaynadarks.'

Napansin ko ang pagbabago ng mukha niya pero pinili niyang wag ipahalata ito.

You never understimate.

A Criszette Unique Montefalco.


The Cold Princess of Ainabridge AcademyOnde histórias criam vida. Descubra agora