(Ang pag tatapos)

Start from the beginning
                                    

Rinig ni Mikey mula sa likod niya. Dahan dahan nawala ang mga patak ng ulan sa kaniya ng payungan siya ni Daniel na kasama niyang nag tungo dito.

"Meron. Diba naging kaibigan mo siya? Naging bahagi rin siya ng buhay mo. Hindi kaba na lulungkot para sa kaniya?"-Mikey
"Nalulungkot"

Mabilis na sagot ni Daniel.

"Pero masaya kasi ligtas na tayo lalo na ang pamilya ko. Matagal rin nilang hinawakan ang buhay ko saka ng pamilya ko kaya malaking bagay sa akin ang mawala sila para ikaliligtas ng nakararami"-Daniel

Natahimik naman si Mikey sa sinabi ni Daniel.

"Dapat ganun karin"-Daniel

Pinunasan ni Mikey ang luha niya at hinarap ang binata.

"Mukhang walang dahilan para iyakan ko siya kasi di niya naman ako minahal diba?"-Mikey

Napabungisngis naman si Daniel sa sinabi ni Mikey.

"Wag na wag kang mag hahabol sa mga taong hindi interisado sayo at ginagamit ka lang para makuha ang gusto nila"-Daniel

Di na naka imik si Mikey sa sinabi ng binata.

"Minsan kase isipin moring makiramdam sa iba kasi ang tunay na nag mamahal sayo nasa paligid mo lang. Kapatid mo... Magulang mo... Mga kaibigan mo..."

"Saka yung nasa harapan mo"-Daniel

Dahan dahan umatras si Daniel at nag lakad paalis.

"Siraulo"

Bulong ni Mikey saka habol dito at sunod.

Dumating ang isang gabi na kumpleto ang lahat sa mansyon ni Jiyo. Nag organisa ng isang party sila Taya para sa lahat.
Masayang nag uusap usap at nag bibiruan ang lahat.

Nag kukulitan at nag haharutan sina Ella,Mikey at Jasmin kasama si Marie na kanina pa hindi mapakali dahil ilang metro lang ang agwat sa kaniya ni Up na ninakawan siya ng halik pag katapos ay di na pinapansin.

"Ikaw nung nakaraan kapa nawawala sa sarili"

Malakas na pag kakasabi ni Jasmin na naging dahilan para mapatingin sa gawi nila si Up at mapangisi na nasaksihan naman ni Marie na agad namula.

"Yung bunganga mo talaga"-Marie

Sa isang banda nag lapit si Jiyo saka Up at mahigpit na nag yakapan pag katapos ng away na naganap sa kanilang dalawa.

"Pasensya na"-Up
"Sorry din."-Jiyo

Nag usap ang mag kakaibigan at masayang nag kuwentuhan tungkol sa nakaraan na hindi na mauulit pa muli.

Kitang kita ang matatamis na ngiti sa bawat isa at tuwa sa mga mata nila.

Wala ni kahit ano mang bahid ng lungkot o galit sa mga mata nila. Puno ng pag mamahal ang lahat at kagalakan dahil sa tagumpay na nakamit nila. Bigo man sila hulihin at pahirapan ang nga Larmiento ay tagumpay naman silang nabura eto sa mundo at nagawang iligtas ang mga sarili nila.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
The end.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Marami sa atin ang nag hahanap ng kalayaan na ipinag kakait sa atin na minsan ay nagiging dahilan para makagawa tayo ng masama o di magandang paraan para makamit eto. Sa mundo ng mga inosente ay may nakatagong mga masasamang katauhan sa likod ng isang magandang ngiti.

Ano nga ba ang kahulugan ng inosente para sayo?

Para sa akin ang Inosente ay ang taong na aagrabyado ng mga taong pakailamero na walang magawa sa buhay.

Subalit....

Inosente ka pa nga ba kung dahan dahan kanang nagiging kriminal dahil sa galit at sama ng loob na tumatakbo sa isip at puso mo?

Sa istoryang inyong nabasa ay makikita niyo ang ibat ibang klase ng tao na madalas nating nakakasalubong sa ating nadadaanan.

Si Seun at Dane na tanging saya ang hatid pero di mo mapapansin sa mga ngiti nila ang pag hihirap na pinag dadaanan nila bago sila mapunta sa kinaroroonan nila.

Si Taya na pinipili maging positibo at matatag sa lahat ng bagay at punong puno ng pag mamahal at awa ang puso sa bawat taong nasa paligid niya.

Si Jasmin na tanging pagmamahal at kasiyahan lamang ang hanap pero nabubulag sa mga bagay sa paligid niya at sa murang edad ay dahan dahan pumapasok sa kadiliman.

Si Chaeyoung na siyang bigo makahanap ng taong mag mamahal sa kaniya kaya mas pinipiling maging isang sakim sa lahat ng bagay.

Si Hansel na pag mamahal lamang ang hanap at habol sa isang tao na iniibig niya pero bigo na makuha eto dahil malabong magustuhan ang isang taong tulad niya.

Si Mikey na nag habol at nag paka tanga sa isang tao na hindi naman siya minahal at ginagamit lang.

Si Ella na kinaiinggitan pero siya ring palihim na nasasaktan dahil di masuklian ang pag mamahal na inaalay niya sa isang tao.

Si Jason na kalayaan at katahimikan lamang ang nais para sa lahat at pilit na nilabanan ang takot at kaduwagan para sa mga taong nasa paligid niya.

Si Up na malakas makiramdam sa mga nasa paligid niya at alam niya kung may nag tatraydor o nag papaka totoo sa kaniya.

Si Jiyo na pinapakita ang pag mamahal niya sa isang tao sa pamamagitan ng pakikipag away at pagiging gago.

Si Jonas na isang malaking pader sa labas pero sa loob ay isang napaka lambot na unan na punong puno ng pag mamahal at pag aalala sa mga taong nasa paligid.

O si Marie. Na sabihin na nating ikaw. Na dahan dahan nakikita ang tunay na kahulugan ng mundong ibabaw. Mundo na puno ng kadiliman sa likod ng maliliwanag na ngiti. Mundo na puno ng kriminal sa ilalim ng mga inosenteng palad. Si Marie na nakatadhanang maranasan ang tunay na kahulugan ng buhay.

Ang Buhay ay ang pinaka magandang istorya na maririnig mo sa buong oras na pagka labi mo sa mundong eto.

Eto ang istorya na ikaw ang bida na kailangan simulan at tapusin eto.

Salamat sa pag babasa

Written by: Joanna Mae Cuenta

(Mga katanungan na sa susunod pa masasagot.)

:ano ang isang video na hindi mabuksan ni Marie sa hard drive na nakatago kay Jonas.
:ano ang dating atraso ni Daniel kina Jiyo na siyang kinagalit ng lahat nung siya ay nag traydor.

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now