(Ang pag tatapos)

Start from the beginning
                                    

Lumipas ang ilang araw mula nung gabing iyon.

(Authors Povs)
Nakangiting pumasok si Marie sa school dala ang mga module niya. Bago siya dumiretso sa school ay napadaan siya sa canteen at nakita niya si Up duon na nakaupo habang nag aaral.

"Punuan naba ang library ngayon para sa canteen siya mag aral?"-Marie

Bulong ni Marie sa sarili niya habang tinititigan ang binata.

Nakangiting nag lakad si Marie palapit kay Up na agad umangat ang ulo ng makarating siya.

"Samahan na kita"-Marie

Umupo si Marie sa kabilang bakante kung saan ay kasalukuyan na silang mag kaharap ni Up.

"By the way may sasabihin ako"-Marie

Umayos sa pag kakaupo si Up at inayos ang mga gamit neto sabay lagay sa bag.

"Oops. Wait lang walang bastusan kinakausap kita eh."-Marie

Tumayo ang binata sa kinauupuan niya.

"Hoy--"-Marie

Agad natahimik si Marie ng lumapit ang mukha ng binata sa kaniya at mabilis siyang ninakawan ng halik sa labi.

"Mag aral ka nang mabuti"-Up

Sabay lakad paalis ng binata.

Naiwang nakatulala si Marie sa kawalan dahil sa ginawa sa kaniya ni Up. Dahan dahan umakyat ang dugo niya mula sa paa papunta sa mga pisngi at tainga niya na naging dahilan para mamula eto

"Ate marie! Ate marie!"

Sabay dating ni Jasmin at upo sa tabi ni Marie na nawawala sa sarili.

"Naku di ka maniniwala sa kuwento ko. May transfer na babae sa room namin ang cool niya para siyang si--"-Jasmin

Napatigil sa pag sasalita si Jasmin at nag taka sa kinikilos ni Marie na parang istatwa na nakatulala at tila may sariling mundo.

"Ate?"-Jasmin

Dahan dahan lumingon ang ulo ng dalaga sa kaniya at napanganga sa gulat si Jasmin nang makita kung gaano eto kapula.
.
.
.
.
.
.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na may something pala sa inyo ni Jiyo"

Mag kasama ang kambal sa isang motor at si Jonas ang nag mamaneho para ihatid si Jason sa school neto.

"Sa susunod matuto kang kumatok"-Jonas

Napangiti naman si Jason habang tinitignan ang kambal niya na seryosong nag mamaneho.

"Sus baka nga ayaw mo na may nang istorbo sa inyo sa mga oras na yun eh"-Jason

Napangiti si Jonas na naging dahilan para mapatawa si Jason.

"Uuuy kinikilig kaba?"-Jason
"Iniinis mo ako"-Jonas

Nag maneho ng mabilis si Jonas dahilan para mawala ang mga ngiti ni Jason at mapakapit ng mahigpit sa kambal niya.
.
.
.
.
.

*raining*

Basang basa ng ulan si Mikey habang nasa ilalim ng isang puno at pinag mamasdan ang bahay na sumabog kung nasaan nasa loob si Hansel at Chaeyoung.

Mabuti ngang nawala kana

Tumulo ang mga luha ni Mikey dahil kahit papaano ay minahal niya parin si Hansel dati pero ngayon ay wala na ito.

"May dahilan kapa ba para iyakan yang lalaking yan?"

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now