HOPEFUL THINGS

698 32 1
                                    


NANLALABO ang paningin ko habang tinatakbo ang corridor ng ospital. Halos wala na akong pakialam may mabangga man ako. Hindi ko na pinapansin ang mura na minsang natanggap ko at bahala na si Henson kung makakahabol siya sa 'kin.

Right now, I want to see Damien. I want to see him so bad.

Tumitig ako sa mga numero sa bawat pinto, hinahanap ang kuwarto kung saan siya naroon. Nafu-frustrate ako dahil ibang mga numero ang nakikita ko sa pinto.

Hanggang sa makarating ako sa dulo ng corridor na iyon. At sa isang pinto doon, nakita ko ang numero ng kuwarto ni Damien. Hindi agad ako nakapasok, habol habol ko ang hininga ko. Naroon lang ako sa tapat ng pinto, natatakot.

Naabutan na ako ni Henson. Sumama sa 'kin pagkatapos niyang sabihin sa 'kin kung saang ospital isinugod si Damien. Apparently ay hindi nagtagumpay si Damien na kitilin ang sarili niya. Naisugod siya agad sa ospital.

Humarap ako sa pinto, pumikit ako bago kumatok.

Wala pang ilang segundo ay bumukas naman iyon. Ang Mama Angela ni Damien ang nagbukas ng pinto.

Saglit kaming walang sinabi sa isa't-isa, nagtititigan lang.

"A-andyan po ba siya?" nabubulol na sabi ko mayamaya.

Marahang tumango ang Mama Angela ni Damien, bago niluwangan ang pinto. Nakita ko agad si Damien na nakahiga sa hospital bed, may kung anu-anong aparato na nakakabit sa katawan. Kahit nanginginig ang mga pagod na tuhod ay pinilit kong maglakad palapit sa kanya.

Nang makalapit ako ay pinigil kong mapaiyak. Maputlang-maputla si Damien. Namayat din siya, napansin ko iyon. Nakapikit siya, pero parang may nahihirapang ekspresyon sa mukha. Parang nabubuhay sa isang bangungot.

"He swallowed a lot of sleeping pills," narinig kong sabi ng Mama Angela niya. "It's a good thing na nakita namin siya agad. Kung hindi, baka hindi wala na talaga siya ngayon."

Wala akong nasabi, titig na titig lang ako sa mukha ng lalaking mahal ko.

"He left a note," his mother said. "He left a note and he apologized for being a bad son."

I din't say anything.

"He wasn't a bad son." Nabasag ang tinig ni Mama Angela. "He really wasn't." Nasundan na iyon ng mga paghikbi niya.

"Iniisip niya siguro na masama siyang tao. Pero hindi naman, eh," sabi pa ng mama ni Damien. Suminghot siya bago magpatuloy. "In the note he told me he loved me and his sister so much. He said it wasn't our fault. He said it was his decision..."

Nag-init na ang mga mata ko sa naririnig mula sa mama ni Damien.

"Sabi pa niya doon sa note... mahal ka niya," sabi ni Mama Angela na nagpatayo ng mga balahibo ko. "Sabi niya sa note na ikaw lang ang babaeng minahal niya ng sobra. And he just had to let you go because you deserve someone better."

Napailing ako, nagpatakan ang mga luha. May mapait na ngiti na gumuhit sa mga labi ko. "Bobo," mahinang sabi ko, habang nakatitig sa kanya. "Ang bobo mo."

Umupo ako sa silya na katabi ng kama niya, hinawakan ang kamay niya. Malamig ang kamay niya pero hindi ko binitiwan iyon.

"He's gonna live right?" I said. "Mabubuhay naman po siya, 'di ba?"

"Ino-obserbahan pa siya ng mga doktor," sagot ni Mama Angela.

Tumango ako, umangat ang kamay para haplusin ang pisngi ni Damien. "You're gonna live right?" I said, my voice broke. "You're gonna live. You're not going to leave me. You're not going to leave us..."

Terrible Things (COMPLETE)Där berättelser lever. Upptäck nu