Four

2 0 0
                                    

Allysia's POV

"Good luck, Ally. Sana magkita pa tayo mamayang umaga." Sabi niya at tumakbo na siya papasok ng malaking pintuan. Sumunod na lang din ako at napapikit ako sa liwanag na tumama sakin pagpasok ko sa malaking pintuan.

Iminulat ko ang mata ko at nasa isang malawak na kwarto ako.

"SA UNANG PAGSUBOK, MALALAGAY KAYO SA ISANG MALAKING MANSYON, KAY MGA SOBRE SA INYONG MGA BULSA. NAGLALAMAN NG MGA CLUES ANG SOBRE NA 'YAN NA MAKAKATULONG SA PAGLABAS NIYO SA MANSYON. HINDI NIYO MAARING GAMITIN ANG MGA SANDATA NIYO SA PAGLABAS NG MANSYON KUNG NASAAN MAN KAYO. SA MANSYON NA 'YAN, MAY KASAMA KAYONG STUDENT. SA ISANG MANSYON, DALAWANG ESTUDYANTE ANG NARIYAN, KAILANGAN NIYONG MAGTULUNGAN UPANG MAKALABAS SA MANSYON. GOOD LUCK."

Sa sinabi ng announcer ay agad kong kinapa yung bulsa ko at may nakapa akong envelop.


Nilabas ko yun at kulay silver siya. Parang katulad lang din siya ng envelop na natanggap ko kahapon, pero mas maliit 'to.

Nilabas ko ang laman at may dalawang papel na kulay silver din. Ang sulat ay kulay pula.

Isipa'y pakiramdaman.

Yan ang nakasulat sa unang papel.

Pinto't pader, bugtong ay sagutin.

At yan ang nasa pangalawang papel.

Binalik ko yung dalawang papel sa envelop at inikot ko ang paningin ko sa kwarto. Walang laman maliban sa isang kama sa gitna at gawa sa kahoy ang pader, sahig at kisame.

Isipa'y pakiramdaman. Paano 'yun? Huminga ako ng malalim at lumapit sa pader. I've been watched a lot of movies and farytales. May mga pipindutin ka sa pader o kayay hihilain para bumukas ang pintuan.

Kinapa ko lahat pero wala akong nahanap. Napatingin ako sa kama nung bigla iyong gumalaw. Akala ko multo nung una pero, gosh, spirits exist here but not ghost.

Lumapit ako sa kama at kinapa ang ibabaw pero foam lang 'to. What if? I'll go beyond? Baka may gamit na pwede kong gamitin.

Huminga muna ako ng malalim bago ako gumapang papunta sa ilalim ng kama pero bigla akong napapikit dahil naramdaman kong nahulog ako sa isang butas.

"Ahhh!" Oh ghad! Paano nagkaroon ng butas sa ilalim ng kama? Napapasigaw ako dahil sa gulat at nakapikit ako. Hinintay kong bumagsak ako sa sahig o kung ano man pero nakaramdam ako ng kamay na sumalo sakin.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at isang lalake ang nakita ko. Binaba na niya ako at inayos ko naman ang damit ko na nakusot.

"T-thanks." Sabi ko. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko dahil sa gulat. Nakahawak din ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga ko.

"You ok?" Tanong niya at tumango naman ako. Napaupo ako habang hawak hawak pa rin ang dibdib ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung sa paggapang mo sa ilalim ng kama eh bigla ka na lang nahulog?

"Where did you came? Bigla ka na lang nahulog sa kisame." Sabi niya. Huminga ako ng malalim at tumayo. Tinignan ko siya at sa kisame.

May butas sa kisame, don ako galing. Grabe ang taas naman nun.

"I-I don't know. Gumapang lang ako papunta sa ilalim ng kama then I fell. Thanks for catching." Sabi ko. Ok na din yung paghinga ko.

The WarriorWhere stories live. Discover now