Tumindig si Up at lumapit pa sa akin.

"Wag mo akong minumura Jiyo"-Up
"Bakit hindi? Akala mo ba hindi ko napapansin? Akala mo hindi ko nararamdaman na dahan dahan mo ako pinapangunahan sa mga desisyon ko? Kailan pa nag karoon ng plano na kukunin natin si Ella kapalit ni Chaeyoung huh? Ang usapan natin dito, babawiin natin ang lahat na para sa atin at isa na dun yung patas na pag papahirap na pinaranas nila sa atin sa kulungan saka sa mga kasama natin. Nakikita mo ba yan huh?"

Sabay turo ko kay Jonas

"Saka yon?"

Saka turo ko kay Ella na walang malay at nakahiga sa kuwarto.

"Pag katapos nila saktan at gaguhin yung mga kasama natin ayos lang sayo na basta basta makipag sunduan sa kanila at manahimik? Kung wala silang pake alam sa atin at may balak sila manahimik edi sana nung nalaman nila na hawak natin si Ella nuon ay di na nila tayo pinakailaman. Pero anong nangyari? Kinuha nila ulit tapos muntik pang ikamatay ni Jason yun saka pati narin ikaw. Ayaw mong minumura kita? Sorry. Pero Gago ka talaga. Tigilan mo ako sa mga desisyon mong pang gago na hahayaan mong mabuhay ang mga yun na hindi tayo tinatantanan. Kung wala silang balak sa atin hanggang ngayon edi sana sumuko na sila. Di mo ba alam na para kana ring naging kriminal para hayaan na mag tago sila at manahimik pag katapos ng mga ginawa nila sa atin huh? Naiisip mo ba yun? Ginagawa natin toh kasi may dahilan. Pinatay nila ang nanay ni Ella, Dalawang beses dinakip si Ella. Balak kunin si Jonas,Jason saka Marie at muntik na kayong mamatay dahil sa kanila. Itatahimik mo na lang yun huh?"-me
"TAMA NA!"

Natahimik ako at dahan dahan umatras ng naramdaman kong hinila ako ni Jonas palayo. Nagising ko ata siya.

"Itigil niyo na ang pag babangayan niyo please lang. Marami pa tayong problema na kailangan ayusin."-Jonas

Dahan dahan umatras si Up at nag lakad palabas.

"Up--"-Jonas
"Hayaan mo siya"-me

(Maries Povs)
Ramdam na ramdam ang lungkot at inis ng dumating si Jiyo at nakipag bangayan kay Up. Gusto ni Up na manahimik para matapos na ang lahat samantalang si Jiyo ay di titigil hanggat alam niyang nasa paligid lang ang kapahamakan. Parehas silang may punto.

"Ate"-Mikey

Napatingin kami ni Mikey kay Ella na dahan dahan dumilat.

"Uminom ka muna"-me

Pinainom namin siya ng tubig at inalalayan sa pag upo.

"Salamat"-Ella

Kitang kita namin ang lungkot sa mukha ni Ella na di mawari.

"Wag ka mag alala ligtas kana"-me

Umiling siya.

"Tama si Jiyo. Di pa tayo ligtas hanggat nabubuhay sila"-ella

Ibig sabihin pala ay gising ang diwa niya kanina pa at narinig niya ang bangayan ng dalawa.

"Wala silang balak na tantanan ako"-ella

Naiyak si ella kaya agad naman eto niyakap ni mikey.

"Ate wag kana umiyak"-mikey
" dahil sa akin ang lahat ng ito diba?"-ella
"Wag mo sisihin ang sarili mo"-me
"Totoo naman. Ako ang dahilan kaya sila nahihirapan ngayon. Kung puwede nga lang sana bumalik yung panahon na nakilala ko si Jason sana lumayo na lang ako. Duon nag simula ang lahat eh"-Ella
"Ate di mo kasalanan yun. Nakatadhana mangyari ang lahat ng toh. At kung merong may kasalanan dito ay walang iba kundi si Hansel kasi kung di ba naman  siya baliw diba?"-mikey
"Tama yun"-me

Niyakap ko narin si ella at pinatahan eto.

"Wag kana umiyak. Mainit ang ulo nila sa labas  sige ka pag nakita ka nila na umiiyak baka ikaw lang buntunan nila ng galit. Ayaw nila Jonas ng umiiyak"-me

Pinunasan niya naman ang luha niya at muling uminom ng tubig.

"Hindi kana malalayo ulit sa amin ate tiwala yan"-Mikey
"Sana nga"-ella

Tumayo ako sa kama at pansamantalang sumilip sa labas ng kuwarto. Nasa balcony si Dane,Jiyo, Taya saka Seun habang ang kambal ay magkatabi sa upuan.

"Kamusta si Ella?"

Tanong ni Jason.

"Ayos naman siya"-me

Tuluyan na akong lumabas sa kuwarto at lumapit sa kanila.

"Si Up? Di parin ba siya bumabalik?"-me

Umiling si Jason. Lumapit ako sa pinto at binuksan.

"Wag kang lalabas"-Jonas

Napatingin ako sa isang gilid at nakita ko si Up na nakasandal sa isang pader at napatingin sa akin.

"Nandito siya"-me

Tuluyan na akong lumabas at lumapit kay Up.

"Pumasok kana"-me

Sabay kapit ko sa braso niya.

"Pumasok kana sa loob. Baka may dumating na kung sino tapos poprotektahan nanaman kita?"-Up

Napabusangot naman ako sa sinabi niya. sorry naman kung duwag ako noh?

"Edi pabayaan mo na lang ako kung sakaling may kumuha sa akin diba?"-me

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Bakit? Parang sawa kana protektahan ako eh"-me

Pangongonsensiya ko. Kinagulat ko naman ng tumungo siya.

"Sige. Kung yan ang tingin mo. Di naman kita babantayan kung di pinag uutos ni Jonas eh"-Up

Nag simula ng mag salubong ang mga kilay ko sa inis. Ikaw ba naman umasa na akala mo concerned sayo yung tao pero napilitan lang pala.

"Saka wala akong desisyon na hindi nasusunod. Samin ni Jonas siya ang nasusunod. Sa aming lahat si Jiyo ang nasusunod. Siguro nga wala na akong tamang desisyon sa buhay kaya sunud sunuran na lang ako noh?"-Up

Sumimangot ako sabay iling

"Di totoo yan"-me
"Sus. Yan yung laging sinasabi ng mga bait baitan"-Up
"Edi totoo"-me

Tinignan niya naman ako ng masama.

"Oh tapos ngayon galit ka? Wala ka naman sa sitwasyon na toh kung hindi dahil sa mga desisyon mo. Desisyon mong sumama sa kanila saka maging kaibigan sila diba? Actually kahit anong oras naman puwede ka umalis pero nandidito ka parin. Ibig sabihin gumagawa ka ng desisyon na alam mong tama. At yun ay ang makasama parin kami kahit pakiramdam mo utusan kana"-me

Umiwas siya ng tingin.

"Oh diba tama ako?"-me
"Hindi"-Up
"Eh bakit ka nandito?"-me
"Dumating kapa kasi eh"-Up

Sabay lakad niya paalis.

"Bakit kasalanan ko?"

Sigaw ko sa kaniya.

"Dahil sayo kaya pa ako nandito"-Up

At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

To be continued...

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now