Chapter 45 (Characters)

Start from the beginning
                                    

"Ms.Ella Pillas. You are the reason why this shits is happening to my son. Nag kanda lintik lintik na dahil sayo"-Edgar

Kitang kita ko na dahan dahan itinataas ni Up ang baril niya at itinapat sa ulo ni Mr.Larmiento.

"Kung hindi dahil sayo hindi kami malalagay sa ganitong sitwasyon. Mga kabataan nga naman. Handang mag patayan para lang sa taong mahal nila. Mga baliw"-Edgar
"Hindi naman mag kakaroon ng gagong anak kung hindi dahil sa gagong ama"

(Edgar Larmiento Povs)
Nagulat ako sa boses na narinig ko mula sa aking likuran. Dahan dahan akong lumingon at isang baril ang nakatutok sa harapan ko.

Putangina

Tama nga si Hansel. Hanggang dito magagawa kaming abutan ng mga ito.

"Mananahimik ka kung ayaw mo isaisahin ko kayo ng pamilya mo. Hawak namin ang pinsan ng anak mo na si Chaeyoung Woller. Kaya kung di ka makikisama sa akin sa isang iglap lang ipapadala namin ang ulo niya sa pamilya niyo. At isusunod namin ang ulo ng asawa mo hanggang sa mag sama sama kayo sa impyerno"

Di na ako nakapag salita at naka kilos. Ano bang nangyari at napunta ang mag ito sa tinitirahan namin ngayon? Paano nila kami nahanap? At paano nila nadakip ang anak ni Mr.Woller na pinsan ko? Mananagot ako pag may nangyaring masama sa anak niya.

"Ang gusto ko mangyari manahimik ka. Wag ka mag sasalita dahil pinapanuod ka nila ngayon"

Napatingin ako sa itaas niya kung saan isang camera ang nakakabit. Putangina paano nag karoon niyan dito? Tanging sa labas ng bahay at sa silid lang namin ang meron niyan. Walang hiya.

*tok tok tok*

Katok ng anak kong si Hansel mula sa labas. Dahan dahan gumapang ang kamay ng taong nasa harap ko papunta sa pinto at nilock eto. Patay na.

"Dad??"-Hansel

Dahan dahan ako napatingin sa lalaking nasa harap ko pati narin kay Ella na naka gapos.

"Isa ka lang at marami kami dito sa loob"-Me
"Isa ka lang at marami akong dalang bala saka maraming nakakakita sayo."

Tugon neto sa akin na kinainisan ko.

*tok tok tok*

"Dad???"-Hansel
"Tingin ko anak kailangan makasagap ng hangin ng babaeng eto."-me
"Huh? Buksan mo yung pinto."-Hansel

Ang lalaking nasa harap ko ang dahan dahan nag bukas ng pinto. Kalahati ng katawan ko ang nakasilip sa labas habang ang kalahati ay tinututukan niya ng baril.

"Humihiling yung bihag mo na makalabas sandali puwede ba?"-me
"Anong sinasabi mo?"-Hansel
"Puwede bang bumaba ka at ihanda mo ang sasakyan sa baba para maipasyal natin siya? Kasi sabi niya handa na siyang makisama sa atin at manahimik na lang?"-me
"Talaga? Totoo? Sige sige sandali"

Agad namang bumaba ang anak ko.

"Isara mo"

Sinara ko ang pinto.

"Ano ang gusto mong gawin ko?"-Edgar
"Mag papalit tayo ng tao, kung gusto mo mapabalik sa inyo si Ms.Woller, ibigay mo sa amin si Ella"-me

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now